Chapter 4

21.3K 661 7
                                    




Halos mabulunan siya nang uminom ng tubig habang hinihintay ang inorder na lugaw dahil sa sinabing iyon ng kaibigan. Binatukan niya ito dahil kasi sa sinabi nito ay halos sabayang lingon lahat ng naroroon sa karendirya sa kanya.

"Ikaw bakla ka, gagawin mo pa akong mandurukot. Akin na itong fried chicken," arteng tampo rito sabay dampot sa fried chicken na nasa harap nito.

Agad siya nitong pinigilan.
"Ikaw naman hindi na mabiro," anito saka awat na kinuha ang fried chicken sa kamay.

Dalawang linggo ang nakakaraan mula nang dukutan niya ang lalaking iyon. Halos paubos na rin ang perang laman ng wallet nito, ilang patimpalak na rin ang sinalihan at gaya ng dati kasi ay consolation prize lang ang nakukuha.

Mabilis niyang kinuha ang isang tarheta galing sa wallet ng lalaki.

"Lance Montecalvo," basa niya sa pangalang naroroon.

Nakita ang numerong naroroon. Hawak ng kabilang kamay niya ang di pokpok na cellphone. Lumang model iyon ng nokia. Mataman niyang tinititigan ang tarheta ng bulabugin siya ng mala-serena ng bumberong bunganga ng kaibigang si Chona.

"Kathlyn Mendoza dali nang magbihis dahil may raket tayo ngayon," anito.

"Ano na namang raket iyan?" Bagot na sagot rito.

"Aba! Aba! Mukhang umaayaw na yata ang babaita sa raket ah?" Tudyo nito.

"Babae, kahit tumunganga ka diyan maghapon. Kahit magbikini ka pa, walang kang mapapala. Kailangan mong igala ang kagandahan mo 'day para naman makabingwit ka ng fafa," dagdag pa nito.

Pilit siyang napatawa sa biro ng kaibigan.

"Fafa-tayin o fafa-bitay?"

"All of the above basta papamanahan ka ng milyones." Pumipilantik na kamay nito sabay tulak sa kaniya.

Hindi napaghandaan ni Kathlyn ang ginawa ng kaibigan kaya mabilis siya nitong nahila at itulak papasok sa silid.

"Dali na at maganda ito babae baka mawalan tayo," anito habang naghihintay sa pintuhan.

Wala siyang nagawa kundi ang magbihis na lamang at sumama rito. Sa isang van sila humantong kung saan maraming kababaehan na rin ang naroroon.

"Attention guys. Ang bawat bag ay may product na ibibenta. Lahat pare-pareho ang laman. Ang unang makaubos ay otomatikong may isanlibong peso idagdag pa ang komisyon niya sa bawat produktong ibininta," anang ng isang matabang babae.

Lahat nasiyahan sa sinabi ng matanda. Maging siya ay nabuhayan ng dugo sa sinabi nito. Tama ang kaibigan. Kahit maghapong tumunganga ay hindi kikita ng isanlibo.

Dahil sa galing kumarenyo at angking kagandahan ay mabilis niyang naubos ang tinda niya. Tawang-tawa siya ng biglang may makapa. Meron pa pala. Nang tuluyang usisahin ito ay condom. Napamura siya sa isip nang makita ang bagay na kailangan niyang maubos para makuha niya ang isanlibo.

Napatigil si Lance sa pagmamaneho ng mahagip ng mata niya ang isang babae.

"Bakit ka tumigil bro?" Curious na tanong ng kaibigang si Bruce.

Napamura siya nang makita ang lalaking nahila sa babae. Naisip nitong dahil sa pangangailangan nito sa pera kahit matanda ay napatol ito.

Napansin ni Bruce ang kanyang tinitignan. Napangiti ito ng tuluyang lumihistro rito ang mukha ng babae. Nakyuryos pa siyang lalo ng makita ang ginagawa ng dalawang tinitignan.

Montecalvo Sibling: The NBI Agent(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon