Chapter 25:

5.2K 148 10
                                    

Mabilis na siniil ni Lance ng mapusok na halik si Kath. Naramdaman naman niya ang alanganing pagtugon nito. Doon ay malayang nalaglag ang tuwalyang kanina ay ayaw bitawan nito.

"Lance," usal na pigil ni Kath.

"Hmmmm," tugon habang abala ang labi sa pagbaba sa leeg ni Kath. Sinapo bg dalawang palad ang dibdib nito. Tila nag-iinit na buong katawan at nagsisimulang sumikip ang kaniyang pantalon.

"Lance," muling ungot ni Kath.

"Hmmmmm," tugon na noon ay malayang nilalaro ng dila ang dibdib nito. Mas lalong naging abala ang bibig.

"Baka dumating DL," dinig na turan nito.

"Hindi iyon, busy kay mama." Tugon saka tinuloy sa pagbaba ng halik sa katawan ni Kath. Nasa tiyan papunta na siya sa pusod nito.

"Lance," muling wika ni Kath.

"Hmmmm," tugon na panay ang halik sa puson nito.

"Baka kumatok si tita," anito.

Napangiti na lamang si Lance saka tumayo at nagtapat ang mga mukha nila. Hinawakan ang baba ni Kath saka masuyong hinalikan. Saka mabilis na inihiga sa kama.

Hindi na umangal pa si Kath. Ramdam niyang nag-iinit na sila ni Lance. Mabilis na tumayo ito upang hubarin ng suot nang biglang may kumatok sa pintuhan.

"Lance anak, baba na at kakahain lang ng mesa." Katok ng mama nito.

Hindi maiwasang mapahagikgik si Kath sa hitsura ni Lance. Agad na pinulot ang tuwalya at tinakip sa katawan. Napatayakap na lamang ito.

"Lets do it later," bulong ni Lance saka napangiti.

"Ikaw talaga, sa sahig ka matutulog mamaya," tawang turan ni Kath habang nagdadamit. Hindi maiwasang mapangiti si Lance. Nabuhay pa naman ang hindi nabuhay sa kaniya.

Nang makabihis si Kath ay sabay silang bumaba. Nabigla sila nang makitang naroroon si Kiel at ang kasintahan nito. Bigla ay nabahala siya.

"Anong ginagawa niyo rito?" Agad na tanong sa bunso.

"Mom, invited us. And as far as I know, bahay ko rin ito." Turan ni Kiel na nagpatahimik kay Lance.

"Sorry," hinging paumanhin sa kapatid.

Tumingin ito sa kaniya saka tumingin sa kinaroroonan ng kanilang ina at ng mga babaeng mahal nila.

"No worries kuya, wala naman akong sasabihin sa kanila. Sana lang ay siguraduhin mong babalik ng ligtas sa akin si Aryanna. Kung hindi ay—" putol na wika ng bunso nila.

"No worries, hindi ko hahayaang maulit ang nangyari kay Bruce."

"Dapat lang kuya dahil hindi ko rin alam kung mapahamak si Aryanna dahil sa'yo," matiim na turan ng kapatid.

Samantala, abala si Kath sa pakikipag-usap kay Aryanna nang mapansing tila seryoso ang usapan nina Lance at ang kapatid nito. Bakas sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito.

"Okay ka lang ba ate?" Untag ni Aryanna sa kaniya.

"Ah oo, medyo seryoso yata ang pinag-uusapan ng magkapatid," turan kay Aryanna na noon ay lumingon na si kinaroroonan ng magkapatid. Napatigil din ito. "Tungkol kaya sa project ninyo?" Wala sa sariling wika.

"Ha!" Gulat na wika ni Aryanna.

"Oo, sabi mo—"

"Ah oo, tungkol nga sa project." Agad na turan ni Aryanna sabay tawa para kunin ang pansin niya.

Montecalvo Sibling: The NBI Agent(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon