HSD #1

33.9K 766 94
                                    

EIRIE'S POV

Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko nang makareceived ulit ako ng mga flowers at chocolates mula kay Zane na isa sa mga manliligaw ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagtangkang manligaw sa akin pero kay Zane ko lang talaga nakita kung paano siya pursigidong ligawan ako.

Hindi nga ako makapaniwala na manliligaw ang isang katulad niyang gwapo at sikat sa Campus namin dahil ni wala namang pagkakataon na nagkakilala kami ng lubusan. Sinabi lang niya na noong una palang raw niya akong nakita ay sobrang nagandahan siya sa akin at nagustuhan rin niya kaagad ako kaya nagtangka na siyang manligaw ngayon.

Pagkatapos namin grumaduate ng college ay kaagad niya akong niligawan at ngayon nga ay mag dadalawang buwan na siya sa panunuyo sa akin. Nakikita ko naman na totoong seryoso siya sa akin kaya hindi ko na patatagalin pa na sagutin siya. Mabait at seryoso sa buhay si Zane, matured rin itong mag-isip at ang lahat ng katangian ng isang lalake na gusto ko ay nasa kanya na.

Ako si Eirie Nicole Ledesma. 20 years old at graduated na sa kurso kong Hotel and Restaurant Management. Zane Sandoval is my suitor and my classmate in our other subjects. I met him 1 year ago at isa siya sa pinakasikat na Varsity Player sa University namin.

"Ang lawak ngayon ng ngiti mo Ate Eirie, ah? Kanino galing 'yan? Kay Kuya Zane ba ulit?" Nakangising tanong ni Dylan na kapatid ko habang nakasunod naman sa kanya si Kuya Eros na nakangisi rin sa akin.

Si Dylan ay ang bunso kong kapatid na 18 years old na habang ang panganay naman na si Kuya Eros ay 27 years old na at nagtatrabaho sa kompanya ng parents namin. Parehong gwapo at single ang mga kapatid ko pero wala talaga sa bokabularyo nila ang salitang commitment dahil mas busy sila sa ibang bagay katulad ni Dylan na busy sa Taekwondo class niya habang si Kuya Eros naman ay busy sa pagtatrabaho kasama sina Mom at Dad.

Tumango naman ako at ngumiti bilang sagot. "Yeah,"

Umupo naman sila sa tabi ko at parehas nila akong inakbayan.

"Dalaga ka na talaga, Eirie. Ngayong 20 years old ka na ay may manliligaw ka na pero mag-iingat ka pa rin sa mga lalake, ha? Lalo na diyan sa manliligaw mo. Baka balang araw kapag naging kayo na ay maobsessed 'yan sa'yo dahil sa ganda mo. Alam mo naman, maganda ang lahi natin at kinababaliwan tayo." Pagbibiro ni Kuya Eros saka nito ginulo ang buhok ko.

Tumawa naman ako sa sinabi niya. "Imposible 'yon, kuya! Never na mangyayari 'yon. Zane will always considering my feelings kaya imposibleng maobsess siya sa akin." Sabi ko.

"Hindi mo masasabi ang panahon, Ate Eirie kaya mag-iingat ka pa rin. Sa dami ng nagkakagustong lalake sa'yo ay talagang swerte si Kuya Zane dahil binigyan mo siya ng pagkakataon para ligawan ka." Sabi naman ni Dylan na tinanguan ni Kuya Eros.

Napabuntong-hininga naman ako. "Don't worry, magiging okay lang ako at salamat dahil sinusuportahan niyo ako Kay Zane." Sabi ko sa mga kapatid ko at niyakap sila.

Napakaswerte ko dahil may dalawa akong kapatid na palaging sumusuporta sa mga desisyon at gusto ko sa buhay kaya labis akong nagpapasalamat sa kanila idagdag pa sina Mom at Dad na nakasuporta rin at payag sa panliligaw ni Zane sa akin. Wala na akong ibang mahihiling pa dahil kasama ko naman ang pamilya ko.

"Salamat Kuya Eros at Dylan sa pagsuporta sa akin." Nakangiti kong sabi at pagkatapos ay kumalas ako mula sa pagkakayakap ko sa kanila.

Ginulo na naman nila ulit ang buhok ko na palagi nilang ginagawa simula noong mga bata palang kami at muli akong inakbayan.

"Basta para sa'yo, Ms. Eirie na aming kamahalan." Sabay na banggit nila na ikinatawa ko naman.

Nandito ako ngayon sa bookstore at naghahanap ng magandang mababasang libro. Inutusan kasi ako ni Kuya Eros na bumili ng mga supplies namin para sa bahay at dahil busy siya sa trabaho niya ay ako nalang ang nagpresintang maggrocery. Si Dylan naman ay nasa Taekwondo class pa nila kaya ako lang mag-isa ang nandito sa mall ngayon.

His Silent DesireWhere stories live. Discover now