"Kanina kasi nung tinitignan- tinigil sya ni sungjae "Tinitignan o Tinititigan? Magkaiba yon at alam ko kanina mo pa yon ginagawa simula pagkadating mo" tanong ni rome

"Psh! Fine, tinititigan. Kanina pa kita tinititigan at pinagmamasdan. Ang tahi-tahimik mo kasi. Ni hindi ka nakikihalubilo sa mga tropa mo. Ni hindi ka nga ngumingiti, naka simangot ka lang. Tapos yung mga mata mo, ang lungkot lungkot tignan" sabe ni jody. Napatango naman si rome.

"Sa nakikita ko kasi sayo ikaw yung tipo ng tao na sobrang daming iniisip. Yung hindi masabe o mailabas kung anong gustong sabihin. Kaya nagsusuot ka ng maskara. Yung maskara na pang poker face, no expression. Pinakikita mo samin na ang tatag-tatag mo, ang lakas-lakas mo ganyan pero ang totoo, hirap na hirap ka na. Yung gusto mo ng humingi ng tulong sa iba pero hindi mo magawa kasi kilala ka nila as 'malakas, matapang, matatag' panimula ni jody

"Kaya ako sumunod sayo kasi naisip ko na baka ito na yung chance, ito na yung time para ipakilala ko sayo yung sarili ko. At masabe sayong andito lang ako, masasabihan mo ng mga isipin mo, pag ka gusto mo ng magsabe sa iba, masasandalan mo pag ka pakiramdam mo hinang hina ka na. Andito ako, handa kang tulungang lampasan lahat ng pagsubok na dadating sa buhay mo. Hindi kita iiwan, jae" sinabe nito ni jody ng nakangiti kay rome

Nang sabihin iyon ni jody nakatingin lang ng matagal sakanya si rome. Hanggang sa maglihis ito ng tingin at nag lakad ulit sa may railings, tumingala sa langit at nag tanong "Naranasan mo na bang masaktan? I mean sa lovelife? Tingin ko kasi wala kang lovelife kaya ka nagpapapansin sakin" matabang na tanong ni rome

"Ay matabil ang dila. Bakit mo naman naisip na wala akong lovelife ha?! Harsh non ah" pagsimangot na sagot ni jody. Nasapul ata sya. Natawa naman si rome sa reaction ng dalaga. Cute.

"Pero oo.. wala akong lovelife. Nawalan ako ng lovelife" malungkot na sinabe ni jody. Nakatingin lang sakanya si rome, pinakikinggan sya.

"Nawala sya eh.." pagkatapos sabihin yon ni jody lumingon sya kay rome. "Paanong nawala? Nagloko ba?" tanong ni rome, curious sya sa kwento ni jody "Yeah. Pero hayaan na natin. Wala naman na akong magagawa para bumalik sya" sabay ngiti pa ng malungkot ni jody at dumiretso ng tingin, hindi kay rome kundi sa tapat nya. 'If only...'

Natigil ang pagdadrama ng dalawa ng makarinig ng ibang ingay. At ang mga maiingay na ito ay ang mga kaibigan nila..

"Ginagawa nyo dito?!" pagtataning ni jody sa mga kaibigan

"Dito na natin itutuloy ang party. Ang tagal nyo kasing bumaba tas naalala ko maganda dito sa rooftop kaya dito na lang tayo iinom" si wazell ang sumagot sa tanong ni jody

"Panira kayo alam nyo yon?! Ang tahitahimik namin dito magiingay lang kayo" irap pa ni jody sa mga kaibigan

"Jody, Rome.. Tama na yan, upo na kayo dito. Walwalan na!" sigaw ni mikee at nag salin ng inumin

Mayamaya pa nag salita si charles at nag bukas ng ibang topic
"Teka lang.. Kanina pa tayo nainom pero si Airish mango juice lang ang iniinom?? Himala, wala ka ba sa mood?" pagtatanong ni charles, napansin nya kasing juice lang ang iniinom ni airish.

"Ay oo nga hindi ko napansin yon ah. Anyare ghorl?" pagtatanong din ni wazell, hindi niya napansin sapagkat kung hindi si serrah ang kachickhan nya kanina, ay si jody naman ang katawanan nya.

Natahimik naman ang dalawa. Inabot ni Mikee ang kamay ng asawa, pinag salikop ito. Isinandal naman ni Airish ang kanyang ulo sa balikat nito habang nakangiti, At ipinatong naman ni Mikee ang kamay nilang magkahawak sa tiyan nito

"She's pregnant" pagaanunsyo naman ni mikee sa lahat

"Oh my gosh, wazell! Salaula ka talagang babaita ka!" talak ni jody kay wazell. Nabuga kasi nya ang iniinom nya dito, ayon sapul sa mukha si jody.

Natawa naman ang karamihan sa nangyari. "S-s-sorry, here tissue or wipes?" nauutal pa nitong tanong at kumuha ng tissue at wipes sa bag nya

Habang tinutulungan ni wazell si jody mag punas ng mukha.. Nagtanong naman si Mio "Paano? agad naman syang nabatukan ni emman "Gagong tanong! Anong paano?! Siraulo ka"

Natawa naman ang mag asawa sa inastang iyon ng nakatatanda.
"I mean kelan pa? Kelan nyo nalaman? Woah Congrats Dre!" pagbawi ni mio at umapir dito

Tumingin muna si Mikee sa asawa, napangiti ng makita ang nakangiting mukha nito "Nakita nyo ba yung story ko nung nakaraan? Yung ang nilagay ko don na ang weird ata ng panlasa ng misis ko? Ayon kinabukasan binilhan ko sya nung PT daw ang tawag tas nung lumabas yung 2 red lines, diretso na agad hospital, pinacheck up ko na. Confirmed, 3weeks preggy" pagkukwento ni mikee

"Congratulations Mikee and Ai, Mami Ai ka na huhu Omg talagaaaa! May new baby na sa squad ng gandarism" pagbati naman ni jody sa dalawa

"Alam nyo bang gigil na gigil pa ko nung bumili yan ng PT?? Aba pumunta sa botika ang hiningi fastener?!" pagkukwento ni airish ng pangyayari

"HAHAHA" tawa ng lahat

"Sabe ko non pabili pong yung pang buntis? fastener ba yon? Tinignan ko lang kasi yung itsura tas may red lines" kamot batok pa na pagkukwento ni Mikee

"Napaka bugok talaga. Hindi ka namin pinalaking ganyan" may pag hampas pa si emman ng noo pagkasabi nyan

"Hala teka kung ganon baka mahamugan si airish. May space ako dito. Lipat tayo don" sabe ni patrick at nagsilipat nga sila sa sinasabe nitong space.

Mayamaya pa nag tuloy tuloy ang kwentuhan ng magtotropa. Hanggang sa ang ilan sakanila ay plastado na

Nang magsalita naman si Mikee "Naalala ko lang.. Nung kasal namin ni airish" panimula nito

"Malamang kasal natin. Sakin ka lang naman kinasal ah!" nakatikim naman ng konyat si mikee kay airish

"Ayon nga, nung kasal natin.. Hindi ata kasi naalala nito ni rome kung sino si jody eh" natawa pa si mikee. Nagkatinginan naman sina Airish at Wazell, sabay na lumingon kay jody at nakita nila itong nanlalaki ang mga mata

Napatingin naman ang ibang gising pa kay rome, inoobserbahan ang kaibigan

"Nung kasal natin mahal, di ba si jody at rome yung magka partner na abay non kasi hindi natin ininvite si serin hahaha" pagtutuloy ni mikee, nakahinga naman ng maluwag sila airish at wazell. Napakunot naman ng noo si rome

"Tapos nung boquet catching na kaswerte si jody ang nakasalo tapos nung sa garter ayaw pa sanang sumali ni rome non kasi nga gusto daw nya si serin ang sa girl kaso nga wala pero napilit nila kuya heero kaya nakatayo lang sya sa gitna, biruin nyo yon hindi na nga gumalaw sa pwesto nya si rome sakanya pa din nalaglag yung garter" sabe ni mikee at muling uminom

"Ano ka ba mikee, destiny ang tawag don!" pagsali ni jody sa usapan. Natawa naman ang iba. Napailing na lang si rome

"Eh nung ilalagay na sa leg ni jody yung garter. Gigil na gigil pa si rome napaka labag sa loob nyang sya yung nakakuha ng garter eh. Tas nung nasa may binti na ni jody yung garter, nagsigawan pa tayo ng 'higher! higher! higher!' whoooo!!" sigaw pa ni mikee na langong lango na sa alak

"Hal, tama na please. Sleep ka na" pagpapatigil ni airish nito at pinupunasan pa nito ang mukha ng asawa

~~~ no titleWhere stories live. Discover now