Sakabilang banda naman narinig at nagulat si rome sa ingay na iyon.

Nang lingunin nya patalikod.. Isa itong babaeng hindi magkanda ugaga sa may tabi ng upuan, hindi ata nito alam kung magbubuhat ba sya o kakaladkarin ang mga upuan.

Dahil nakatalikod ito sakanya hindi nya makilala kung sino ang dalaga pero 'Pamilyar yung damit. Nakita ko ata to kanina?' sabe ni rome sa sarili

Nagpigil sya ng tawa nung nakita nyang tumayo ang dalaga at binuhat sa magkabilang braso nya ang upuan.
'She's.. kinda strong' na amazed si rome sapagkat ang babaeng ito ay nakasuot ng heels tapos nahihirapan ma'y ginawa pa din nito ang lahat para maayos ang dalawang upuan na natumba.

Nakatalikod pa din ang dalaga sakanya, pinanood lamang ito ni rome
'Para sa babaeng ang payat payat nakaya nyang buhatin yon? Hindi man lang ba sya nakaramdam ng bigat sa mga upuan? Naka stiletto heels pa sya' sa isip ni rome

Nang matapos ayusin ni jody ang mga upuan "Ah, yes! Finally naayos ko din kayo. Ang bibigat nyo ha" pagkausap pa nito sa mga upuan
"Para namang sasagot yang mga yan?" halos malaglag si jody sa gulat nung narinig nyang may nag salita sa likuran nya

'Sht. Bat ko nga ba nalimutan na nandito din sya? Sya nga ang pinunta ko dito eh' bulong ni jody at medyo pinalo pa ang sariling noo

Ewan nya pero napangiti naman sya sa nakita. At nilapitan ang dalaga. "Humarap ka sakin" utos nya dito

"Shet, jusko eto na ba? haharap ba talaga ako sakanya ng ganito ang itsura? Baka ang haggard ko na huhu" bulong pa ni jody sa hangin

Nang hindi sumunod ay si Rome na ang lumapit, hinawakan nya ito gamit ang isang kamay at hinarap ang dalaga sakanya "Ikaw na naman? What are you doing here? Stalker ka ba talaga? What do you want?" tanong nito ng makita ang dalaga

Tinabig naman ni Jody ang kamay ni Rome mula sa kanyang ulo "Wag ka nga, ang haggard ko na nga plano mo pa atang guluhin yung hair ko! I look like a witch na siguro sa harapan mo ngayon uwah" atungal nito

"Sagutin mo ko" utos pa ng binata. Nanlaki naman ang mata ni Jody "Hala wait. Nanligaw ka na ba? Bat kita sasagutin?" sagot pa nito sakanya. Natikhim na lang si Rome sa inasal nito. Nakakapika.

"Ang sama mo naman makatingin! Pinapagaan ko lang naman yung mood. Uhm, Andito lang naman kasi ako para..." 'Sige, jody aminin mong andito ka lang kasi makikichismis ka" sa isip nito

"Para?" tanong ni rome at tinaaasan pa sya ng kilay "Para sana silipan ka" sagot nito "What?!" tanong ni rome "Silipa-este silipin kasi! Silipin yon hindi silipan. Ano ba namang dila to pahamak" sabe ni jody

"Bat mo naman ako sisilipin?" tanong pa ni rome "Eh.. Nag aalala kasi ako sayo, sobrang lungkot mo hindi ko sure kung bago pa ba ko dumating malungkot ka na or nung saktong pag dating ko kaya ka lumungkot? Dahil ba to sa pagpapakilala ko kanina?" pagpapaliwanag ni jody

"Hindi mo ba nagustuhan? Totoo naman kasi hindi naman ako jodi ni cholo ng stairway to heaven. Jody ako ni Rome. Jody mo ko" sabay kindat pa nito. Napailing na lang si rome. 'Ibang klase' sa isip nya

At nang makitang wala namang planong sumagot sakanya ang binata "So ayon na nga, kaya ako nandito para i-check ka baka kasi sa lalim ng iniisip mo, mademonyo ka't biglang tumalon! Edi nawalan ako ng melabs?? Syempre hindi ko hahayaang mangyari yon no" paliwanag pa ni jody

"What makes you think na kaya kong gawin yon? Hindi mo naman ako kilala ah" tanong naman ni rome

"Duh. Alam ko lang" tipid na sagot ni jody. Nagtaka naman si rome "How?"

~~~ no titleWhere stories live. Discover now