Natigil din naman si Jody, nakitang naka tingin ang dalawa sakanya

"Manghuhula ka ba jody?" tanong ni heero. Nahampas pa nito ang noo nya

"What?" pagtataka nya "Oh my gosh? So tama ako?!" nagugulantang na tanong ni jody

"Oh my! I'm sorry, I'm sorry. Hindi ko naman ginustong maging spoiler" pag hinging paumanhin ni jody sa dalawa

"Panira" napalingon naman si Jody sa nagsabe non. Si Rome. Kaya napalabi na lamang sya.

Tumayo naman si Heero at isinama si Serrah "Alam ko napangunahan na ni Jody.. pero it's okay. Hihingi na lang ako ng konting favor hehe" pagngiwi ni serrah

"Is it okay kung sasabihin kong umacting na lang kayong wala pa kayong nalalaman? Sayang kasi pinaghandaan ko tong moment na to" pakiusap pa nito

"No problem! Gora lang ghorl" sigaw naman ni wazell, sinegundahan naman ng iba. At sinabeng simulan na daw

Walang nagawa si Heero kundi maglakad para kunin ang mic

"Good Evening, Ladies and Gentlemen.. We would like to announce that.." panimula nito at lumakad palapit kay serrah. Kinuha nya ang kamay ng kasintahan at pinagsalikop sa kamay nya.

Inagaw naman ni Serrah ang mic a
"We're getting married!!" masayang sigaw nito. Pinakita pa nya sa lahat ang singsing. Nagsilapitan naman ang mga babae kay serrah, ang mga lalaki kay heero at kinongratulate sila.

"Omg. Congrats talaga Serrah? And I'm sorry . hindi naman alam na tama hula ko sa mangyayaring announcement" paghinging paumanhin pa din ni jody sa kaibigan

"It's fine! Don't worry. Mabilis namang napakiusapan yung iba. Basta ha sabe mo sagot mo na bridal shower!" pagbibiro pa ni serrah. Nginitian at tinanguan naman ito ni jody

Nang mag chat si Jody sa group chat nila ay na sa may hagdan na sya na pinag akyatan ni Rome.

Kaya naman ng matapos sya'y dali dali syang umakyat sa hagdan. Nag aalalang baka kung anong gawin ni Rome. 'What happened kaya? Sinong dahilan? Yung girlfriend ba nya?' sa isip ni jody

Nang makarating si Jody sa may pinto dahan dahan nya itong binuksan. Bago pumasok ay tinignan muna nya ang magkabilang gilid, sinisigurado kung may iba pa bang tao

Nang makasigurado'y tahimik na pumasok.. Tinignan muna nya ang paligid 'Woah! Ang ganda pala dito. Sana dito na lang kami nag party. Nakaka fresh ang hangin. Ang ganda din ng view' pag puna nya sa paligid

Di sa kalayuan namataan nya ang isang lalaking naka tayo, naka tingala, naka hawak sa railings, ang lungkot ng itsura nito, panay din ang malalalim na buntong hininga, ang lalaking ito ay si Rome.

Dahan dahan namang naglakad si jody, nagiingat at baka mahuli sya ng binata. 'Wag kang maingay at malikot jody. Andito ka lang para i-check sya. Hindi ka mangungulit ngayon. Manahimik ka!' sabe nya sa sarili nung muntik na syang magkamali't makagulo kay rome.

Tumingala pa sya't sinabe 'Mahal kong universe, sisilipin ko lang sya tas aalis na ko ng matiwasay. Ayon lang po, Sana magawa ko ng maayos at tahimik' pagkausap pa nito sa universe

Sa kasamaang palad, mukhang hindi kakampi ngayon ni jody ang universe, nasanggi lang naman nya ang dalawang upuan na magkapatong medyo malapit sa kinaroroonan ng binata

"Ay! Ay! Ayayay! Jusko mahabagin. Ano ba ang nangyari!?" bulong na patanong ni jody sa sarili. Nataranta sya't hindi alam ang unang gagawin, kung iaangat at aayusin ba nya ang dalawang upuan o magtatago

~~~ no titleWhere stories live. Discover now