Pinagmasdan muna nya ang nasabeng resto "Ang yaman din talaga ng mga Dellomas! Swerte ni Wazell. Buhay na buhay sya kay pat. May magandang future" ngiti pa nya

"Di bale maganda din naman ang future namin ni jae. Parehas mayaman oha!" pag pansin ni jody sa kabuuan ng resto tapos ay naglakad na papunta sa entrance

"Good Evening, Ma'am. Table for?" bati at tanong ng waitress

"Good Evening din. I'm sorry pero san ang private area nyo dito? Don kasi ang punta ko eh" bati pabalik ni jody

"I'm sorry to ask but.. Are you friends with the owner, ma'am? Kasi sila po ang nandon" pagtatanong pa nito. Aba anong akala nito sakin? Minamaliit ba ko ni ate gurl?!

"Just making sure lang ma'am. Binilin po kasi samin na papasukin yung mga invited lang talaga ni Sir. Pat wala naman po akong masamang ibig sabihin" pagpapaliwanag ng waitress. Nakita nya kasing napataas ang kilay ni jody nung mag tanong sya

"Nah. It's fine. Akala ko lang naman minaliit mo ko eh ang ganda ganda ng suot at ang ganda ko" sabay flip pa ni jody ng hair nya't nginitan ang waitress

"So, where's the private area na? I'm late na nga tapos dinadaldal mo pa ko. Pag nagalit sakin friends ko swear papasisante kita kay pat" pag tataray pa ni jody. Naiinsulto kasi talaga sya sa mga tingin nung waitress. Tinignan ba naman kasi sya neto mula ulo hanggang paa.

"I'm sorry, this way ma'am" pagpapaumanhin naman ng waitress at sinamahan syang mag punta sa private area.

Nang makarating sa labas ng pinto ng private area namataan agad ni Jody si Rome, dahil bukas ito. Tahimik ito at hindi nakikihalubilo sa iba. Habang ang iba'y nagkukwentuhan. "Ito na po ma'am. Sorry po ulit kanina and Enjoy!" sabe ng waitress at umalis na.

"Hindi man lang ako pinagsalita? Mag te-thank you pa naman sana ako. Psh" bulong ni jody sa sarili at napairap na lang

Tinignan nya ang dress at inayos ito na parang akala mo'y nalukot pero hindi naman. Kinapa din ni Jody ang kanyang buhok at ngumiti ng malaki.

"Helloooooooooo!! Andito na ang mganda. I'm Jody! Hindi Jodi ni Cholo ha but Jody ni Rome" bungad ni jody sa lahat.

Nagulat naman ang lahat at napatingin sa may pintuan. Halos lahat ay natawa sa ginawang pagpapakilala ni jody.

"Grand Entrance talaga ang gusto" irap ni serrah naglakad ito para salubungin ang kaibigan. Bumeso sya rito't yumakap kasunod nila Wazell, at Irish.

"Buti naman nakarating ka. Akala ko hindi ka na pupunta. Masasabunutan talaga kita" sabe pa nito kay jody

"Duh! Pwede ba yon? Eh unang pagkikita namin ni melabs after 2 years!? Syempre hindi ko palalagpasin yon" ikot pa ng mata ni jody sa mga kaibigan. Nakurot naman sya ni Irish

"Ah ganon? Si Rome lang talaga puntirya? Hindi ako? Hindi kami?" tanong pa ulit ni serrah. Sya ang nagpaparty kaya nya to natanong

Umakto namang nagisip si Jody "Ay oh nag isip pa usto mo yon se?" pang aasar ni wazell

"Hmm. Yes. Hindi ikaw" tingin pa ni jody kay serrah "At hindi kayo" turo pa ni jody sakanila. Sama naman ng tingin ang nakuha nya mula dito.

"Hey, chill! Syempre naman hindi lang dahil sakanya. Let's go na ayokong mangalay. I want to sit" kaya naman naglakad na sila palapit sa iba para umupo. Pinagurong naman sya ni Dave ng upuan"

"Kaya naman talaga ako pumunta dito eh dahil naman sayo se, sainyo ng bebe mo, so ano ba kasing announcement yan? Don't tell me engaged na kayo? Sagot ko na ang bridal shower if ever" pagsasalita ni jody pagkaupo nya. Natahimik naman ang lahat. Ang mga lalaking kanina'y daldalan ng daldalan pati ang mga kaibigan nyang kanina pa naghahampasan ay napatigil sa ginagawa. Lalo na sina Serrah at Heero

~~~ no titleWhere stories live. Discover now