CHAPTER 37

218 23 3
                                    

CELESTE'S POV



Napahigpit ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.

Napapikit na lamang ako at yumuko.

"S-sa tingin mo ayos lang sila roon?" tanong ko sa tahimik na si Kaisei.

"Naroon si Jin at Itsoru protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon," sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?

Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras. Bumilis ang tibok ng puso ko nang masundan ito ng sunod-sunod na pagtama ng sibat sa pwesto namin. Kung saan nanggagaling ang mga ito, ay hindi ko rin alam.

"Hera, yuko!" sigaw ni Kaisei. Sinunod ko siya.

"Ayos ka lang ba?" tanong pa niya pero bago pa ako makasagot, pinaulanan muli kami ng sandata. Mas napasigaw ako sa takot.

Mula sa mga nagtataasang halaman, lumabas ang mga nag-aabang na armado mula sa kanluran. Pinalibutan nila kami.

Shit, wala na kaming takas. Nag-iisa lang si Kaisei. Hindi ako marunong makipaglaban. Iginala ko ang paningin. Wala kaming malulusutan. Rinig ko ang paghinga ng malalim ng prinsipeng kasama ko. Alam kong pati siya ay kinakabahan na rin.

"Saan mo naman balak dalhin ang dalagang iyan?" nakangising tanong ng armado na may mahabang peklat sa kanang pisngi.

Napalunok ako at napahigpit ang yakap kay Kaisei.

"Wala kayong takas. Ipaubaya mo na sa amin ang babae, at malaya ka nang makakauwi ng kaharian mo, mahal na prinsipe," ani pa ng isa pero hindi sila pinakinggan ni Kaisei.

Natatakot ako para sa buhay ko pero mas natatakot ako para sa buhay ng lalaking tinatangkang protektahan ako ngayon. He don't deserve this.

Isa lang naman akong hamak na taong mula sa kabilang mundo. Hindi nila responsibilidad na iligtas pa ako.

"K-Kaisei, iwan mo na ako. Sasama na lang ako sa kanila."

"Nahihibang ka na ba, Hera? Hindi ko hahayaang mangyari ulit ang nangyari sa'yo noon. Pakiusap, sumunod ka na lang. Itatakas kita rito."

"Mapapahamak ka lang dahil sa akin. Ako lang ang pakay nila. Kapag hinayaan mo ako, hahayaan na rin nila kayo," pangungumbinsi ko sa kanya pero tinadyakan lamang niya ang sinasakyan naming kabayo dahilan para humalinghing muli ito. Nagkaroon ng tsansa na mapaatras ng konti ang mga kalaban.

"Mula nang makilala kita, alam ko nang malalagay ang isa kong paa sa hukay. Pero dadalhin ko hanggang  hukay ang pangakong poprotektahan kita, Hera."

Dahil sa sinabi niya ay bumilis ang pintig ng puso ko.

Agad niyang hinugot ang espada niya at itinutok sa kawal na nasa harapan lamang niya. Ngunit tinawanan lamang siya nito.

"Alam ba ng hari na mas inuna mong protektahan ang hangal na iyan kaysa sa mamanahin mong trono? Hindi mo mapagsasabay ang dalawa, bata. Kailangan mong mamili. Ang palasyo, o ang babaeng iyan?" nang-aasar nitong tanong.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Kaisei sa espada niya. Nagtitimpi na lamang siya.

"Oh my God!"

HIRAETH | COMPLETEDWhere stories live. Discover now