Bumungad sa kanila ang malawak na penthouse. Ang malawak na sala at mataas na window glass. Sa kaliwang bahagi naman ay naroon ang bar island na halatang hindi pa nagagalaw ng kahit na sino.

Spanish style ang buong disenyo ng sala. Ang bawat paintings na naroon ay nagmula sa espanyol at hango sa istorya ng spania.

Ang kisame naman niyon ay gawa sa marmol na may ukit ng mga greek goddess. Mahilig ang Lolo niya sa mga istorya ng nakaraan.

Sa isang mahabang kahoy na aparador naman ay naroon ang iba't ibang koleksyon ng kanyang Lolo na nagmula mismo rito sa Pilipinas. Iyon ang pinakapaborito nitong koleksyon sa lahat ng meron ito sa tahanang iyon.

May apat na pinto na nakasara. Dalawa sa kanan at dalawa naman sa kaliwa. Bago sila makarating sa sala ay sumalubong muna sa kanila ang spiral na hagdan na siyang daan naman sa ikalawang palapag ng penthouse.

Ngunit alam niyang wala sa itaas ang kanyang Lolo. Kaya naman nagtungo sila sa sofa.

Lumapit naman sa kanila ang isa sa katiwala ng penthouse na iyon. "May maiaalok ba ako sa inyo, miss Roxanne?"

Bumaling siya sa binata. "Coffee?"

"We just had coffee awhile ago." Sagot ng binata ngunit ang mga mata nito ay naglilikot sa paligid.

Ibinalik niya ang tingin sa babae. "Salamat nalang."

Tumango ang babae saka sila nito iniwan.

"Wow. I can't believe I get a chance to see how beautiful this place is."

"Yeah, mahilig sa koleksyon ang Lolo ko."

"Like you."

"Iyon siguro ang namana ko sa kanya. Noong bata ako, palagi niya akong sinasama sa mga auction party para mag-bid ng mga antiques. Hinahayaan niya akong mag-bid kapag may mga natipuhan ako."

"That's nice. Ginagawa parin ba ninyo iyon?"

Umiling siya at nakaramdam ng lungkot ang puso niya. "Lumilipas ang panahon. May kanya kanya na kaming buhay at abala na kami pareho. Hindi na gaya noon ang oras ko at gano'n rin naman siya. Palagi siyang nasa Puerto Rico para sa iba pa niyang mga business."

"Ilang negosyo ba ang meron kayo?"

Nagkibit balikat siya. "Si Lolo kasi ang takbuhan ng ibang negosyante kapag nalulugi ang mga kompanya nila. Minsan ay binibili na niya tapos ipinapatakbo niya sa mga anak niya." Pagku-kwento niya. "Ang Herrera Empire ang itinayo ng Lolo ko sa mismong dugo at pawis niya. Ang Herrera Hospital naman ay sa Lola namin na ipinamana niya kay tita Esia. The rest are just the extended business of our family."

"Oh, you must be living a life."

"You think?" Hamong tanong niya sa binata saka siya natawa. "We are not like those kids. Hindi kami sinusubuan gamit ang gintong kutsara. Lolo doesn't want to spoil us and he teaches us not to take everything for granted. Hindi porque mayaman ka, tamad kana. That's his motto."

"Hmm." Tatango tangong tugon ng binata. 

Nasa gano'ng sitwasyon sila nang bumakas ang isa sa dalawang pinto sa kanang bahagi ng sala. Lumabas roon ang kanyang Lolo na nakatukod at hithit ang wooden pipe nito.

Sabay silang napatayo ni Lucien.

"Goodmorning, Lolo."

Ibinaba nito ang pipe at bumaling kay Lucien. "Ano ang kailangan niyo?"

"Can I ask you for a favor?" Aniya.

"MAGIGING maayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Roxanne kay Lucien.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now