Hell Week

7 0 0
                                    

I woke up early so that I can do some readings of my reviewer before going to school. Naka off parin phone ko para no distraction pero syempre dala ko parin.  Since medyo malapit lang yung school sa amin I decided na maglakad para makakapagbasa pa ako ng reviewer ko. Medyo madilim pa nong umalis ako sa bahay. Nagdasal muna ako bago tuluyang umalis sa bahay.
.
.
After a few decadessssss.

Natatanaw ko na yung school at wala pa masyadong studyante. Then, nakita ko sila Leo at mga ka team niya. Hindi ko nakita si Justin. Monday ngayon kaya meron flag ceremony. I continue walking, hanggang nasa gate na ako ng school. Wala pa si Kuyang guard kaya diretso lang ako pasok. Hindi pa bukas yung room namin kaya sa isang bench lang sa ilalim ng puno ng mangga nakaupo habang natatanaw ko sila Leo. Nagwave siya sa akin at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Sumenyas naman ako na wag na at itinaaas ang papel na reviewer ko and smile at him. A few minutes later, marami ng student na nagsipasukan sa gate kaya medyo maingay kaya tinago ko na reviewer ko at iginala ang aking mata sa paligid kung dumating na ba ang mga kaibigan ko. Tapos nakita ko si Justin. Tumitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya papuntang....
Wait, san siya pupunta?
Bakit naglalakad siya papunta sa kinaroroonan ko.
A few steps away from me.
Then a few inches and I smell his perfume.
Napaka bango. Syempre dumaan lang siya sa akin.
Wait, bakit naamoy ko parin siya? Grabe naman yung perfume niya. Buti pa perfume ni Justin nag sstay pero siya hindi. Hayst.
Tapos may dumaan na mga babae sa harap ko.

Excuse me? Upuan namen to. Can you please shooo away.? Nah. I'm not asking you, I'm commanding you. Sabi ng isang babae na animo'y pag aari niya tong inuupuan ko.

Akala mo naman binili niya tong upuan na to para manduhan niya akong umalis dito. Bulong ko sabay kuha ng gamit ko at umalis nalang. Ayoko ng gulo baka ikakabagsak ko pa sa exam ko to mamaya.

Bitch. Pahabol pa nung isang babae

At buti nalang ay binuksan na yung room namin. Naglakad ako papuntang classroom namin at sinilip ko yung mga babae na inagawan ako ng pwestong kinauupuan ko kanina. At nakita ko si Justin. And now I know the reason why inangkin nila yung pwesto na yun. I don't want distraction ngayon kaya focus muna ako sa exam.

Kringgggggggggggghhhhh.........
The bell rang so it means flag ceremony na . At malapit na yung exam. Sasabak na ako sa bakbakan. At exactly 6 am dumating si maam sa room namen.

Okay, class you all know the rules during exam, right?
Bring out your permit. As , no permit no exam tayo. It is okay to cheat but don't get caught cause you will be expelled from our school. Ask only on me, avoid asking your classmates, it will be considered as cheating.
Is everybody in the room already???

Yes. Ma'am. Sagot namin na mabagal.

Exam time ....
.
.
.
3 subjects down, 5 more to go.
Nauna akong natapos sa exam. Madali lang kase yung exam. Madalas akong nauuna talaga matapos sa exam at hindi sa pagyayabang madalas din ako yung may pinakamataas na score. I checked my watch kung anong oras na. It's still 11:32 am. Pinalabas na ako ni maam ng classroom kase nga nagpasa na ako ng exam. Sumenyas ako kina Julie na mauna ako sa cafeteria. Then gora na ako. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria nagbabasa din ako ng reviewer ko. Then biglang may sumitsitsit sa akin. Then pag tingin ko si Leo. Nasa may classroom na kase ako nila Leo e. Then, sumenyas siya ng wait. So I waited. At nakita ko si Justin. Ang cool ng aura niya, at ang cold habang nagsasagot ng exam niya. Nong makita kong palabas na si Leo , nagsimula na akong maglakad.

Hey, how's the exam??? Well, I know it is just so easy for you. Sabay kuha ng bag niya sa akin.
Leo is the sweetest man I have but a wierdo somerimes.

Leo.! I can carry my bag! Napalakas yung boses ko kaya pinagtinginan kami. At dali dali nalang akong naglakad.

I know Ky. Pero gusto kong ako magdala. You know I always do this during exam. Carrying your bag is a habit na siguro. Sabay hawak niya sa chin ko.

Whatever Leo. Mas lalo kong binilisan yung lakad ko.

At the Cafeteria....

What do want to eat? Menudo, Chicken Curry, Tortang Talong, Tinola, and Sinigang na Bangus??? Leo

Later na tayo oorder, aantayin naten sila Julie at Mila. Sabay binaling ko na yung mata ko sa reviewer ko. Hindi talaga ako nakakafocus tuwing kasama ko si Leo.

Okay, then let me join you nalang. Sabay tabi sa akin at nagsimulang magbasa.

Ughhhh. Leo! Okay sige na mag order tayo.
Irita kong sabi sa kanya. At tumayo na.

May baon akong rice kase mahal ang extra rice dito.

Ky! Tawag sa akin na isang pamilyar na boses. Aha! Si Mila.

Oh andito na pala kayo. Order na tayo. Hindi na kase to kayang mag antay sa inyo ang panget na to e.

Okay lang Ky, ano ka ba. Mahinhing sabi ni Julie. Crush niya kase tong si Leo. Ewan ko ba kung ano nakita ni Julie dito.

Pagtapos namin mag order. Nagdagsaan na ang mga studyante kaya umuupo na kami agad sa pwesto namin. Habang kumakain kami
Naguusap naman yung tatlo. Habang ako oo lang ng oo sa kung ano yung sasabihin nila. Nakatulala lang kase ako.
Nakita ko si Justin at nabuhayan ako ng loob. Siya lang nagbibigay ng energy sa akin tuwing lowbat na ako. Bumili narin siya ng pagkain niya at naghahanap ng maupuan. Dahil nga sa puno na yung cafeteria at may dalawang seat pa available dito sa amin kaya tinawag ni Leo si Justin para yayain na tumabi sa amin.

Justin!. Sabay sumenyas na dito nalang siya sa pwesto namen.

Nung pag upo ni Justin sa tabi ni Leo, syempre. Tahimik lang ako tapos napansin kung nakangiti na nakatingin sina Julie at Mila sa akin. Like wtf. Wag kayong tumingin sa akin ng ganyan. At akma ko na sana kurutin mga tagiliran ng dalawa ng magsalita si Justin.

Are you okay? Maybe, I will just leave,you seems to felt like so awkward with me sitting with you in here. Tatayo na sana siya.

No. It's okay. It is just, you know there's lots of eyes watching us eating. Ha. Ha. Ha. Pautal-utal kong sagot sa kanya.

Don't mind them Ky. (wink) Leo
.
.
Kumain lang kami ng napaka tahimik. Then sabay kaming nagpunta sa classroom. I ignored all the student who's watching us. Tahimik ko lang hanggang sa makarating kami sa room namin . At huminga ng napaka lalim. Dumating na din si ma'am at nagstart agad ng exam.
.
.
.
5 subjects down. Bukas naman yung last 3 exams.
3:50pm na din pala. Nakita ko nasa labas na sila Leo. Nakatambay lang sila sa inuupuan ko kaninang umaga. Nag-aantay lang ako sa dalawa kong kaibigan. Naisipan kong mag cr kase nawiwiwi na ako. Habang nasa cubicle ako may narinig akong pumasok. Pag labas ko, ang busy nila. May nagpapowder ng mukha nila. Naghihilamos. Naglilipstick. At ako heto, naghugas lang ng kamay tapos lumabas na agad. Nakita ko sila Julie andun sa may tinambayan nina Leo . Hinahanap siguro ako nun. Kaya dali dali na akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

Ay girl, saan ka naman galing. Akala ko umuwi kana. Sabi sa akin ni Mila habang nakabaimangot.

Akala ko kase matagal pa kayo matapos, nag cr lang ako. Sabi ko.

Let's go na bishes. Julie

Bye. Nagwave lang ako kay Leo at kay Justin

Pagdating ko ng bahay. Diretso na agad ako ng kwarto. Pagod na utak ko kaya mamaya na ako mag aaral. Then I decided to turn on my phone. Bumungad sa akin ang napakaraming notification. Kaya hinayaan ko nalang muna at natulog nalang.

Ang Babaeng Flat (On-Going)Where stories live. Discover now