HS crush

29 4 0
                                    

Classroom

Sa unang part ng story hindi ko pala naipakilala ang sarili ko.
Ako nga pala si Kyla Sy Ramos, hindi ko alam kung bakit Sy ang middle name ko hindi ko narin naitanong yan kay mama kase noong bata palang ako sabi ng lola ko namatay daw si mama sa isang car accident at sabi nanan ng iba kong kamag anak  iniwan daw ako ni mama noong kakapanganak lang niya. Hindi ko talaga alam kung alin ang totoo sa mga kwento nila basta ang alam ko ay lumaki ako sa lola ko. Well masaya naman ako kahit hindi ko nakita at nakilala ang mama at papa ko. About kay papa tuwing nagtatanong ako kay lola about him iniiba niya ang storya at alam kong may kakaiba sa mga magulang ko. Sabi ko nalang sa sarili ko na balang araw makikilala ko rin sila kahit ano at saan man sila ngayon. Masaya naman ako sa araw-araw na ginawa ng diyos sa akin kase andyan yung lola ko, mga baliw kong kaibigan at .............

OMGG!!! Kyla andyan na ang prince charming mo. - Julie

Paglingon ko sa may pintuan ng classroom namin dumaan si Justin Vega. Heto na naman ako inspired na nanan lalo kase nakita ko na yung prince charming ko. Inaangkin ko na agad si Justin diba, siya lang naman ang kinababaliwan ng campus nato at isa na ako doon. Hindi ko siya kaklase 4th year na kase siya at ako ay 3rd year palang. Halos alam ko na ata pagkatao ni Justin like yung height niya ay 5'7, yung sports niya ay badminton and soccer, yung birthday niya ay July 5, mahilig siya sa seafood, favorite color niya ay red and blue, mahilig siya sa horror at ang pinakamasakit na alam ko sa kanya ay hindi niya type ang mga flatchested na babae katulad ko. Paano ko nasabi kase halos lahat ng ex girlfriend niya ay hindi flat kaya ako heto hanggang imahinasyon lang na magkasintahan kami.

Hoy! Ano na lutang ka na naman nakita mo lang prince charming mo nakalimutan mo na kami. -Julie

Kailan kaya maging kami ni Justin.- Nakangiti kong sabi sabay tingin sa bintana.

Tama na yan andyan na si sir Ed ang masungit nateng teacher.- Mila

(Fastforward sa lunchbreak)

Kanya kanya na kaming labasan ng mga baonan namin at syempre hindi talaga maiiwasan na magpalitan kami ng ulam.

Susubo na sana si Julie ng pagkain niya pero pinigilan ko siya kase magpapasalamat muna kami dapat sa diyos sa binigay niyang pagkain kaya ayon at syempre ako ang nag lead ng prayer namin. At noong pagtapos ng prayer ay halos lahat ng nasa canteen ay nakatingin sa amin, at alam ko kung bakit. Naweweirdohan sila sa amin kase nagdadasal kami well wala naman kasenb gumagawa niyan dito sa campus parang kami lang ata pero hindi ako nahihiya at wala akong pakialam sa mga sasabihin nila.

Masyado ata silang naamaze sa atin hahhaha kase pinagmamasdan nila tayo e- sabi ko habang kumukuha na ng pagkain.

Hindi ka pa ba nasanay na ganyan sila Ky?  -Mila

Oonga, tsaka ano abang pake nila kung hindi naman naten sila inaano . Unless gusto nila isali sa dasal. -Julie

Shhhhhhh... Kumain nalang tayo besies, okay.. Sabi ko habang nakatinhin sa kanila.

Justin may gagawin ka ba mamaya? Boses ng babae

Yes. At wala akong panahon sayo Carla kaya kung pwede sana umalis kana kase nasusuka ako tuwing nakabuntot ka sa akin. -Justin

Hindi mo ako utusan para sabihan na layuan ka. Hanggat gusto ko na nakabuntot sayo gagawin ko at wala ka ng magagawa don.- Carla

Ganyan ka na ba kadesperada Carla.  Nakakawalang ganang kumain. Jan kana at parang awa mo na sa akin at lalo na sa sarili mo lubayan mo na ako. - Justin

Justin! Wait, Justin. -Carla

At nakita ko nalang sa Justin sa gilid ko na hinawakan nung Carla.

Pwede ba. Don't touch me. - Justin

Nakita ko nalang na nasa sahig na si Carla. Naawa ako sa kanya at umiiyak pa siya gusto ko siyang tulungan kaso pinigilan ako ni Mila at Julie.

Bell ringing....... Tapos na ang lunchbreak kaya balik na sa room.
Pero syempre bago bumalik sa room ay nagpaalam ako na mag cr muna kaya naghiwalay kami nila Mila at Julie. At noong papunta na ako sa cr  napatingin muna ako sa field at nakita ko si Justin nagpapractice ng soccer tapos tinitigan ko sya na hindi ko nammalayan kung anong oras na tapos bigla akong nagulat ng tumingin siya sa direksyon ko kayat nagkasalubong ang mga mata namin kaya dali dali akong tumakbo sa cr ..
Habang nasa cr ako.

Okay lang yan Carla, magugustuhan ka rin ni Justin wag ka lang mawalan ng pag-asa - Girl

Narinig ko na iyak ng iyak si Carla at naawa ako sa kanya pero anong magagawa ko wala nanan diba..
Lumabas na ako ng cr kase alam kong late na ako  pero bago ako tumuliy sa classroom tumingin muna ako sa field tiningnan ko kung andon pa si Justin pero wala na siya baka umalis na.

Hey!!!!!! Boses ng lalaki.

Ang Babaeng Flat (On-Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat