Makita Kang Muli

89 12 1
                                    

Author: Zurichian
Critic: myungjunjun

BOOK COVER

It’s really nice. Pinagawa mo yata ito sa isang editor kaya wala naman na akong masasabi. Siguro ‘yong font ay hindi readable kapag maliit ang book cover. When connecting it to the story though, nagmumukhang inosente at romantic ang premise niya dahil dito. Pero kapag binasa mo, medyo dark pala ang theme. That’s just the impression it gives off.

TITLE

It fits. Aside sa mga nanggugulo sa lugar nila, isa ring conflict ay ‘yong pagkakahiwalay nina Marga at Francisco. The title fits with this concept naman since iyon din ang nasa isipan nila, kung magkikita pa ba sila muli. Three words lang din siya at madaling tandaan. Kagaya nga ng sabi ko sa taas, Romance ang nagiging feel ng story dahil dito. But, kapag binasa mo siya ay marami pa pala itong lamang iba. Maganda rin ito dahil hindi lang pala Romance ang matatagpuan ng isang mambabasa sa loob ng kuwento, marami pa siyang topic/events na ikukuwento. Hindi niri-reveal ng title ang mga ito kaagad, which is nice.

BLURB

PLOT

The plot is packed with many elements kahit simple lang ang premise niya. I like that your goal for this story is to give hope sa mga survivors and to enlighten other people sa severity ng nangyari sa mga ganoong lugar. Ang dark talaga ng theme nito sa mga gitnang chapters kahit na mukha siyang Romance sa labas. Sabi mo rin sa una na project mo ito sa Filipino; dahil diyan, nakapag-explore ka sa story na ‘to ng isang unique na premise. This kind of story is unique na rin sa Wattpad. Hanggang Chapter 5 lang ang nabasa ko pero promising naman siya. We follow Marga and Francisco’s sides sa nangyayaring kaguluhan sa lugar nila. It kind of reminds me of old Filipino stories dahil sa pagkakakuwento niya. Kudos po!

(‘Yong downsides ng story mo ay sasabihin ko sa susunod na mga segment.)

NARRATION

Your writing style sa story na ‘to is pure Tagalog (na may halong Ingles minsan para sa technical terms). Tunog malalim siya pero hindi mahirap intindihin. Ito ‘yong kagandahan ng pagkakakuwento mo. Kagaya nga ng sabi ko sa taas, para siyang old Filipino stories, ‘yong feel niya. Parang kuwentong bayan lang sa mga libro o kapag nagkukuwento ang mga matatanda hahaha. Plus, gumagamit ka ng “kasi” sa narration mo kaya nagiging intimate ang voice ng story. Be careful with that though; kapag sumobra kasi ay nagiging telling na ang kinakalabasan.

Then, 3rd Person Omniscient ang POV mo na bumagay naman sa ganitong story. But, may disadvantages lang ito kasi ang nagiging tendency, direkta na lang na sinasabi ang iniisip at nararamdaman nila (I discussed it sa baba).

Normally, ipo-point out ko ‘yong paggamit ng “BANG!” pero mas lalo niyang na-emphasize ang pag-transition sa scene ni Francisco. Plus, dinescribe mo naman ang pagputok ng baril sa susunod na sentence kaya okay lang.

Here are some things I’ve noticed though:

• Maraming telling akong nakita sa story. Hindi naman mali iyon; pero mayroong better na alternatives para doon. Halimbawa nito ay ang: natanaw, nakita, nag-alala, narinig, etc. Hinay-hinay lang din sa paggamit para mas creative ang writing. Kunwari, puwede namang “dumapo ang mata, bumigat ang kalooban, etc.”

Improve Your Writing : Critique ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon