"But it looks beautiful at walang parehong disenyo— I'll take it."

Sa isip ni Lila ay nagpa-scam ang lalaki sa halanggang 150 pesos. Ang dami kayang pwedeng bilhin doon na di hamak na mas maganda. Pero ano bang pakialam niya? It's not like he's buying those for her.

"Lila..." tawag nito.

Napatunghay siya.

“Tell me, what should I do to make you feel comfortable.”

Lila thought for a second. She's always been this way. Although people always thought that making friends, joining orgs or just simply talking with people would change that, it didn't. She's always been the reserved and quite introverted Lila.

“Wala.”

“Wala?”

“Ito na talaga ako eh.” She shrugged.

Nakita niya ang sakayan ng jeep.

"Sige, una na ako," paalam niya.

Inabot nito ang isang butterfly clip. “Ito, para sa bangs mo. Matatabunan na kasi ang mata mo."

"T-thanks..."

Agad siyang tumalikod saka sumakay ng jeep. Hawak pa rin ang clip na binigay nito. Napahawi siya sa kanyang bangs. Humahaba na nga. She stared at the plastic butterfly on the hairclip. Kailan nito binili ang clip? Napailing siya saka binulsa ito.

Akala niya ay matatapos na ang pagkikita nilang dalawa.

However, the weekend came. The party that Ewan was inviting them out is still on. Ngunit wala siyang balak na pumunta. Siguradong mga elitista ang nandoon at wala siya sa mood para makipagsabayan sa kanila. People like them have different kind of humor and they like to humble brag which she hates the most.

“Friend, anong hindi ka pupunta?”

Gabi nang pinuntahan siya ni Shane sa kanila. Nakabihis na ito at naka-make up pa. Mukhang handa na talagang maki-party. Habang siya ay suot pa ang pajama kahapon.

“Shane? Anong ginagawa mo dito?”

“Tara na! Sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan mo ako.”

Ilang minuto lang ay nasa taxi na sila. Nakabihis na rin siya at nakabusangot. Shane offered to cover her duties in the lib. Ayaw niya sana kasi parati naman siyang present doon. But she's actually thinking of Shane's welfare. Baka kung ano ang mangyari dito.

“Maglagay ka nito. Ang putla mo.” Inabot nito ang isang lipstick, dark red.

“Ito ba talaga ‘yon?” bulong niya nang makarating sila.

Almost 40 minutes silang bumyahe. Ang sakit tuloy sa bulsa ng meter na binayaran nila. May kalayuan ang address ni Ewan. Sa isang exclusive village pa ito. Sa highland parts ng syudad.

“Shet. Mansion.”

Both of them were gaping. Facade pa nga lang ng bahay ang nakikita nila pero nalulula na sila. There were some cars parked on the area. Nang pumasok sila sa loob ay sinalubong sila ng malakas na tugtog. But they haven't seen anyone yet. Sinabihan lang sila ng kasambahay na dumirecho hanggang sa makita ang open pool.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now