Ex Back 1

5.8K 105 8
                                    

Ex back 1

Maganda ang panahon, mataas ang sikat ng araw pero ramdam pa rin ang lamig sa Baguio. Masaya ang mga taong namamasyal sa Burnham Park maliban sa isang dalaga na nakaupo sa may bench.

"He loves me? He loves me not? He loves me?" Napabuntong hininga ang babae, bago n'ya pitasin ang huling petal ng red rose na hawak nito.

"He loves me not."

"Bakit!?" pagtataray nito sa binatang halos katabi n'ya sa upuan.

Umiling ang lalaki sa kanya at ibinaling ang atensyon sa hawak na libro.

"Kanina mo pa ba ako pinapanood?" kinausap muli ng babae ang lalaki na nagbabasa ng libro. May pagtataray sa boses nito. Umiling ulit ang binata, tumayo sa kanyang pagkakaupo at tuluyan ng umalis.

"Bastos 'tong lalaking 'to. Kinakausap pa eh." Sabay nguso ng babae habang kinakausap ang sarili.

Napansin nito na may naiwang ballpen sa inupuan ng kausap na lalaki kanina. Kinuha n'ya ito at sinubukang habulin ang binata.

"Hoy! Hoy!" hingal na sinasabi ng dalaga habang hinahabol ang binata. Lumingon ang lalaki sa kanya.

"Sa'yo 'to?" pinakita ang isang Parker na ballpen sa binata. Inexamin n'ya ang ballpen at may naka-engrave na pangalan dito na Joshua. "So Joshua ang pangalan mo?" pilit na ngiti ng babae. Inabot nito ang ballpen sa kanya.

Tumango si Joshua sa kanya at kinuha ang ballpen.

"Pipi ka ba?"

Umiling si Joshua.

"Eh bakit hindi ka man lang mag-Thank you?" sabay crossed arms ng dalaga.

"Thank you." Plain na sagot ni Joshua sa dalaga. Tumalikod agad ito at nagsimulang maglakad papalayo sa dalaga.

"Wait! Wait!" habol ng dalaga. Huminto ulit si Joshua at humarap sa dalaga.

"Hindi mo man lang ba tatanungin ang pangalan ko? Para makapagthank you ka ng maayos sa akin?" Sabi ng dalaga.

Napalingon si Joshua sa mga tao na para bang ineexamin ang mga tao sa paligid at muling ibinalik ang tingin sa dalaga.

"Anyway, Maris nga pala. Ang sungit mo ah. Turista ka?"

Hindi kumibo si Joshua kay Maris.

"Hay naku. Sayang laway ko." Bulong ni Maris sa sarili. "Ingat Joshua!" at tumalikod na si Maris kay Joshua at lumakad papalayo.

"Maris!" tawag ni Joshua na hindi pa umaalis sa kanyang kinatatayuan. Lumingon agad ang dalaga at lumakad pabalik kay Joshua.

"Yes?"

"Taga-dito ka?" mahinang sinabi ni Joshua.

"Ha!? Di ko narinig." Inilapit ni Maris ang tenga n'ya kay Joshua.

Huminga ng malalim si Joshua. "Taga-dito ka ba!?" nilakasan ni Joshua ang kanyang boses

Tumango si Maris. "Anong kailangan mo? Tour guide? Transient house? Manghuhula ng future? Pasalubong sa jowa? Name it!" naglabas si Maris ng maliit na notebook habang nagsasalita.

Hindi umimik si Joshua kay Maris, napayuko ito at tila nalungkot pa.

"Okay ka lang?"

Wala pa ring imik ang binata.

"Iniwan ka ng jowa mo no?" sabay angat ni Maris sa mukha ni Joshua. Kitang-kita ang lungkot nito "Naaaaku! Sinasabi ko na nga ba."

"Paano mo naman nasabi?" nagsalubong ang kilay ni Joshua.

The Ex Back Formula (Viva Psicom Publishing Corp.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon