“Paanong wala? Kasama kitang nakipaglaban kanina!” giit ko pa sa kaniya.

“Sorry Madam pero wala talaga.” Nanlulumong sagot niya.

Sabay klaming napalingon sa gilid nang may marinig kaming kaluskos. Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin.

“Ano yun?” bulong ni Kaloy

Sinensyasan ko naman siyang huwag maingay. Natatakot na kumalma siya sa tabi ko. 

Agad na nanlaki ang mata naming dalawa ng bgla na lamang lumabas ang malaking sawa sa isang halaman. Patayo na sana ako para tumakbo ng naalala kong di ako makalakad. Kaya’t iniakbay ko kay Kaloy ang aking braso.

“Buhatin mo ako!” sigaw ko sa kaniya dahil malapit na ang ahas sa kinaroroonan namin. 

“Ha---”   

“NOW!” wala na siyang nagawa dahil aabutan na talaga kaming dalawa. Sobrang laki ng sawa na iyon . Sa tingin ko’y kaya kami nitong lingkisang dalawa.

Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo si Kaloy, tuloy tuloy itong tumakbo ng wala sa sarili. Nakalayo na kami sa ahas pero nasa loob padin kami sa gubat, paano ba kami makakalabas dito?

“M-madam a-ayos ka lang ba?” hinihingal na tanong niya sa akin

“A—hhhhhhhh!”

“AHHHHHHHHHHHHHHHHH!” 

Parehas kaming napasigaw ng madulas siya at nagpagulong-gulong kaming dalawa. Ramdam ko ang pag-ikot ng paligid ko habang yakap parin niya ako. Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal na gumugulong pababa ng bangin basta’t   pagkalipas ng ilang sandali’y nakahiga na kaming dalawa sa damuhan.

“Aray, Madam ang bigat mo pala” pagrereklamo niy habang parehas kaming naghahabol ng hininga.

“Are you dumb?Bakit di ka tumitingin sa dinadaanan mo?” pagsusungit ko sa kaniya habang nakapatong ang aking braso sa aking noo.  Ano ba naman ito?

“Malay ko ba? A-ang laki kasi ng ahas!” panghihisterya niya. Bakit ba napagkaduwag ng isang to? Parang hindi lalaki.

 “Aish!” bakit ba itong l;alaking ito pa ang nakasama ko sa lugar na ito?

“Nasaan ba tayo? Baka naman naligaw lang tayo dito sa Laguna, baka dulo nito Maria Cristina Falls na”

“Seryoso ka ba?” diko napigilang itanong sa kaniya.

“Kung nasa Laguna padin tayo, bagit kulay lila ang buwan?” Tuloy ko pa. Noon lang ata siya natauhan at inangat ang kaniyang tingin sa kalangitan. Sumapit na ang dilim ngunit ang nakapagtataka, kulay lila ang buwan imbis na puti.

Tahimik siyang nagmasid sa paligid. Ngayo’y nakaupo na kaming dalawa.

“Wala na tayo sa mundo ng mga mortal” mahina kong saad

“M-mortal?”

“Sa tingin ko’y nasa ibang dimensiyon na tayo ng mundo”  Kung tama nga ang kutob ko, base sa mga napapaginipan ko, ito na ata ang Rieta .

“Paanong nangyari yon?” malalim ngunit bakas pa din sa kaniyang boses ang kaba.

“Wala akong alam, siguro’y ito na ang nakatakda” 

“Saglit! Hindi ko lubos na maintindihan.” Hinarap niya ako,

“Wala na tayo sa mundo ng mga tao?” Hindi ko siya sinagot , sa halip ay tinanguan ko na lamang siya.

Lumipas ang ilang sandal ng katahimikan, napagpasiyahan na naming maghanap ng lugar na maaring masisilungan. Lumalalim na ang gabi, delikado kung mananatili kaming nandito sa ilalim ng bangin. Sa kaniyang pagtayo, tila napansin niya nag mga pasa ko at galos sa binti kaya’t mabilis niya akong inalalayan. Pinasan niya ako sa likod niya habang naglalakad. 

Chasing In The Hostile Pace (Monstrosity Affiliates #1)Where stories live. Discover now