Chapter 33

69 1 0
                                    

Chapter 33

Just The Thought

“Diba nasabi na niya sayo na gagawin niya ang lahat para wala ng ibang babae pang umiyak?”

 

“So yun lang yun? Ganun kababaw na dahilan?”

“Tss. Kung alam mo lang kung anong hirap ang naranasan ni Boudicca noong una siyang nakidnap, maiintindihan mo kung bakit ganyan ang misyon ni Sawyer. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi niya pa rin nahahanap si Bataivah.”

Umupo ito sa katabing upuan niya at hinila siya papunta sa hita nito. Nagpahila naman siya kaya ngayon nakaupo na siya sa mga hita nito habang nakaharap rito. Paulit-ulit nitong hinihimas ang mga braso niya.

“Ang mali kay Sawyer, bakit niya pa kailangang gawing girlfriends ang mga babaeng iyon?” He tsked.

“Huh?” nakataas ang isang kilay na tanong niya. Anong gusto nito? Laro laro lang ang gawin ni Sawyer sa mga babaeng pinapasaya nito? Eh diba nga misyon nitong huwag magpaiyak ng babae? Well, except for one. Si Bataivah. Pinaiyak ito ni Sawyer.

“What I mean is, bakit hindi na lang niya idiretso.”

 

“Ideretsong ano?”

 

“Sa kama. Kapag nadala na niya sa kama ang mga babaeng iyon, mapapasaya na niya

 sila. Tss, isa lang naman ang habol ng mga lalaki sa mga babae.”

“Ano?” napatayo talaga siya mula sa pagkakaupo sa hita nito. “So isa lang pala ang habol mo sa akin?”

“Hindi naman.” Nakangising sagot nito. Muli siya nitong hinila papunta sa hita nito.

“Pag tayo ang magkasama, ang nonsense talaga ng mga napag-uusapan natin. Napansin mo yun?” tanong niya habang nakayakap sa leeg nito. Isinubsob na rin niya ng tuluyan ang ulo niya sa balikat nito. She breathed in his scent. It was totally intoxicating! Nakakabaliw ito.

“Siya nga pala, kamusta na nga pala sina Chevin at Den?”

“I don’t know. Mukhang magkaibigan pa rin at sinu-supress ang nararamdamang pagnanasa sa isa’t isa.” Natatawang sagot nito.

“Bakit kaya ganoon ano? Bakit ginagawang kumplikado ng mga tao ang mundo?” hinalikan niya ang leeg nito. She can’t help but suck in the skin and grazed her teeth on it.

“Ahh! Sail..”

Natatawang itinigil niya ang ginagawa. Muli niyang isinubsob ang ulo sa balikat nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa leeg nito.

The Green-Eyed ButlerWhere stories live. Discover now