Chapter 31

46 1 0
                                    

Chapter 31

Pounding

“Larry..” naging ungol na lamang ang lumabas sa bibig niya nang pinaglaruan nito ang mga dibdib niya.

“Honeymoon pa rin natin.” Bulong nito. “Hindi kailanman matatapos ang stage na iyan.” Ngumisi ito.

“Pero ang.. mga ka.. katulong..” paputol-putol na ang mga sinasabi niya dahil nadidistract na siya sa mga daliri nitong pinaglalaruan ang mga bahagi ng katawan niya.

“Shiz! Bakit pa tayo nagkaroon ng katulong!” tumigil ito sa paghalik sa kanya at excited na hinila siya papunta sa kwarto nila. “Hayaan mo bukas lahat sila tanggal na.”

WHAT?

 

-

***

Nakahiga sila ngayon ni Larry sa kama. Nakatutok ang tingin niya sa kisame habang paulit-ulit naman nitong hinahagod ang buhok.

“Anong iniisip mo?” malambing na utas nito.

Tiningnan muna niya ito bago sinabi ang mga nagpapagulo sa isip niya. “Larry, bakit parang ang gulo ng storya nating dalawa?”

Nagsalubong ang mga kilay nito at napatigil din sa paggalaw ang mga daliri nitong sinusuklay at tila minamasahe ang ulo niya. “Anong ibig mong sabihin?”

Napansin niya agad ang pagbabago ng galaw ng mga mata nito. Na tila nahihirapan itong huminga at kinakabahan.

“Hindi mo pa ba napapansin? What was the term you used to describe us before? Iyong hindi pa tayo nakapagpapakasal?”

“Ano?”

“Yeah. This is all so fucked up!”

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon