Chapter 3

288 3 4
                                    

A/N: Oh my gee! General fiction #501! I’m so happy! First time kong nagkarank!

Salamat ng marami sa nagbabasa nito!

Sana po patuloy niyo pong suportahan ang storyang ito!

Sana po patuloy niyo po itong i-share sa mga kakilala niyo!

At kung nagustuhan niyo po yung chapter, sana po bumoto kayo by clicking the star button sa upper right side.

Sana din po mag-comment kayo sa baba!

Salamat talaga! Waa! :)

 

Chapter 3

Nakakainis

 

Since si Larry ang researcher ng information everytime may new colleagues si Cyrus, alam niya lahat kay Sail. Under surveillance din niya ito dahil baka bigla eh may makaalam na mga kaaway ng pamilya Humphreys sa closeness nito at ni Sail at gamitin pa ito para pabagsakin si Cy. But he never expected that he would like Sailormoon just based doon sa mga nalalaman niya tungkol dito.

He just caught himself staring at her pictures- mga stolen shots kung saan nakatawa ito at nawawala na ang mata sa kasingkitan, kumakain, nakabusangot ang mukha, at natutulog. Ang panghuli ang pinakapaborito niya. Kuha iyon noong may camping sina Cy at nakasubaybay siya sa mga ito at nag-act na isa sa mga independent hikers.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at ninakawan na naman niya ito ng litrato habang tulog ito. Huli na ng marealize niya ang ginagawa niya. May picture na siya.

Hindi niya namalayang hinahaplos-haplos na niya ang mukha nito sa pictures na yun. Shiz! He’s acting like a lunatic! He should stop this nonsense!

“Sail..” napabuntong hininga na lamang siya.

Hindi pa man alam ni Sail ang existence niya, pero matindi na ang ginagawa nito epekto sa kanya.

Makakaahon pa kaya siya?

***

            Simula nga ng iwan ni Cyrus si Sail sa pangangalaga ni Larry ay ito na ang palagi niyang kasama. Kahit wala na si Cyrus, hindi bumalik ang mga dating nambully sa kanya sapagkat nakita ng mga itong palaban din si Larry. Sa edad nitong labing-anim, para na itong mama sa tangkad.

Tingin niya eh mas matangkad pa ata ito kay Cyrus. Napagkakamalan na nga silang magsiyota dahil sa dalas nilang magkasama at kilala na rin ito ng kanyang pamilya. Ang kinaiinisan lang niya kapag kasama niya ito ay ang madalas na pick-up lines nito sa kanya.

“Hi Sail!” salubong sa kanya ni Larry sa unang araw ng klase pagkatapos ng Christmas vacation.

“Ano na namang kailangan mo?” sabungot ang mukha na salubong niya kay Larry

 “Ikaw.”

“Ano?”

“Ikaw ang kailangan ko.” nakangising sagot nito.

“Tse!” simula ng ipagkatiwala siya ni Cyrus dito, sinabi agad nitong manliligaw daw ito. ‘Di niya alam kong anong nakain nito at parang sinaniban ng masamang espiritu. Ang mas nakakainis pa eh sinasabi nitong nanliligaw umano ito pero kabi-kabila naman ang girlfriends nito!

“Haay.. di mo man lamang ba ako namiss? Ilang araw din tayong di nagkita dahil sa Christmas vacation.”

“Namiss.” Pasarkastiko pa ring sabi niya.

The Green-Eyed ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon