Green Life: Empty

44 0 0
                                    

'

Green Life Volume 1

eMpTy

July 16, 2008. Ito yata ang araw na pinakamalungkot sa buhay ko. Akalain mo ba naman, sa araw na ito pa kayo nagkasama ng matagal ng iyong mahal, sa araw ding ito matatapos ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi man lang siya nagsabi ng anumang bagay bago dumating sa mga hindi kanais-nais na pangyayari. Iniwan niya ako. Tuwang-tuwa ako bago humantong sa ganoong sitwasyon. Kitang-kita ko ang kanyang ngiti sa labi na nagsasabing masaya siya na nagkasama kami sa araw na ito. Kampante ako na kahit malayo man siya ay patuloy pa rin ang alab ng aming mga puso.  Mananatiling matatag ang bawat salitang binitawan bilang pangako. Hindi nagtagal ay umalis na ang bus. Nasa tabi ako ng daan upang kahit sa huling saglit ay masilayan man lang siya. Nakaupo siya sa bandang hulihan ng bus at tabi sa bintana. Nakita niya akong nakatanaw sa kanya at ang kanyang ibinigay ay isang kaway na hudyat ng kanyang paglisan.

Matapos ko siyang inihatid sa terminal ng bus para makauwi na siya sa kanilang probinsya nagbago ang lahat. Hindi ko akalain na yun na pala ang huling matatamis na araw naming dalawa. Mga ilang araw pa ay hindi na siya nagparamdam. Hinintay ko ang kanyang text subalit ni isa wala akong natanggap. Patuloy ko siyang kontaken pero hindi pa rin siya sumasagot. Nasaktan ako dahil sa naaalala ko, ang unang pangako niya sa akin ay “I’ll keep in touch.” Na may ngiti sa mga labi. Hindi ko maisip na siya mismo ang babasag sa pangako niyang iyon.

Mga ilang araw pa ay may natanggap na akong text sa kanya. Sabi niya pakinggan ko raw ang awitin ni David Cook na The Last Goodbye dahil maganda daw yun. Agad ko namang pinakinggan sa internet yun. Halos maiyak ako habang pinakikinggan ko ang awiting iyon. Simula nang araw na iyon ay wala na kaming komunikasyon hanggang sa taong ito.

Sinubukan kong magmahal ng iba subalit sa araw-araw ay siya pa rin ang nasa puso at isipan ko. Yung bang hindi pa talaga ako naka recover. Kung iisipin kasi, talaga bang ganun lang kadali? Hindi ko pa alam kung ano ang mga dahilan. Basta na lang wala na ang lahat. Basta na lang kalimutan ang lahat. Ang tanging naiwan niya sa akin ay ang bolpen niya at isang pirasong token sa arcade ng mall. Naaalala ko siya tuwing nakikita ko ang mga bagay na iyon. Kaya ang ginawa ko, itinago ko na lang sa loob ng kahon. Narealize ko na, wala na sigurong dahilan para ako’y umasa pa sa kanya. Kaya pinilit ko ang aking sarili na kalimutan ko na siya. Kahit napakahalaga niya sa buhay ko ay iisipin ko na lang ang kapakanan ng aking sarili. Masasayang lang din naman ang aking mga paghihinagpisat dasal na magbalik siya sa akin kung hindi ko rin talaga alam na siya din ba ay may ginagawang paraan o nararamdaman ba din niya ang nadarama ko ngayon.

Lumalabas ako kasama ang mga kaklase ko. Sa pamamagitan nito ay kahit papano natututo na akong mag move on. Nakikipagtawanan kasama sila. Nakikipagbiruan kasama sila. Nagsimula na rin na muling magkakulay ang aking buhay sa mga araw na iyon.

Mga ilang buwan pa ay parang talagang wala na akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko na siya masyado naiisip. Hindi ko na siya masyado napapanaginipan.

Isang gabi ay napaisip ako habang ako’y mag-isa sa aking kwarto. Ako’y nakahiga at walang ibang magawa kundi tingnan ang kisame ng bahay. Pero habang tinitingnan ko ang kisame ay patuloy na umiikot ang aking isip. Biglang bumalik sa aking isip ang tungkol sa bolpen at token. Bumangon ako at tiningnan ang aparador. Naisipan kong kumustahin ang mga bagay na iyon. Kaya, maya-maya pa ay kinuha ko sa aparador ang mga iyon at tiningnan lamang. Iba na talaga ngayon. Kung dati ay naiiyak ako habang tinitingnan ang mga ito, ngayon ay parang wala na sa akin. Hindi nagtagal ay ibinalik ko na sa loob ng aparador ang mga iyon at muling humiga sa aking kama at ulit nakatutok sa kisame. Pinag-iisipan ng mga bagay-bagay.

Naisip kong medyo matagal-tagal na rin kahit papano. Siguro naman pwede na akong magmahal muli. At mga ilang gabi ko rin yang iniisip. Dumating lang ang isang araw na hindi ko na talaga napigilan. Hindi naman sa talagang gusto ko ngayon meron na, ang dasal ko ay sana may makatagpo na akong tulad o higit pa sa kanya. Yung taong concern sa akin gaya ng sa mga ginagawa niya pero ang gusto ko ay iba ang dating.

Yun, patuloy ang aking buhay sa mga kaibigan ko. Ganun pa rin. Tawanan. Biruan. Hangga’t sa isang araw ay hindi ko namalayang, nasa paligid lang pala ang aking ipinagdarasal. Siya rin ay aking kaibigan katulad ng sa nakaraan ko. Iba ang nararamdaman ko sa mga bitiw ng salita niya sa akin. Masyado siyang malambing at concern sa akin. Napapatulala na lang ako minsan dahil parag bumabalik ang nakaraan. Tulad ng dati ay ganito din iyon pero may punto ng kaibahan talaga sa kanyang mga asta.

Matagal ko na siyang kilala. Simula pa noong pasukan sa unang taon ko sa college noong 2011. Ngayon ko lang napansin ang kanyang aura na gagraduate na kami sa Marso. Komportable naman ako sa kanya. Ganun din siya sa akin. Sa ngayon ay patuloy kami sa sitwasyong mga ganito ganyan. Hindi pa rin ako makagawa ng aksyon dahil hindi pa sapat pala ang pagbura sa aking nagdaang ala-ala. Bumalik sa isip ko ang nangyari noong araw na iniwan niya lang ako bigla. Patuloy na sinisira ang aking lakas ng loob sa pangyayaring iyon. Hindi ko kaya na ang sitwasyon namin ngayon ay mahuhulog lang sa tulad nang nangyari noon. Naisip ko, hahayaan ko muna na lubosan ko pa siyang makilala at manatiling ganito muna ang sitwasyon dahil balang araw ay hahantong din kami sa inaasam kong kaligayahan na pangakong hinding hindi ko kailanman bibitawan.

DATE WRITEN: May 23, 2012, 10:20PM

“I always appreciate your kindness and concern. Please don’t go. Forgive me for being like this. L

                                                          -Earl Herson

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Green Life: EmptyWhere stories live. Discover now