Hindi naman ako natagalan sa paghintay kasi bumukas ito kaagad matapos ko itong pindutin. Bumukas ito at natigilan ako saglit nang makita kung sino ang nakasakay sa loob.

Yumuko ako bago pumasok.

Ang awkward... Pero wait, what if ako lang pala ang nakakaramdam ng awkward?

"Congrats nga pala."

Bakas sa mukha ko ang gulat. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita sa tabi ko. Akala ko hindi niya ako papansin pero tignan mo, kinausap niya ako ngayon. Nilingon ko siya at napansin na sa akin siya nakatingin. Pinagmasdan ko siya. Suot niya ay isang kulay dilaw na gown at nakalugay ang buhok. May maliit din na korona ang nakapatong sa ulo niya. Kagaya ng sa akin, nakalight make-up din siya.

"Thank you." Sagot ko sa kanya. "Ikaw din, congrats."

She smiled, "Ang bilis ng panahon, ano? After ng summer vacation natin, college na tayo."

"Oo nga.." Tumango tango ako.

"Saan ka magco-college?"

"Sa SBU, ikaw?" Tanong ko.

Nanlalaking mga mata niya akong tinignan. "Same! Sa SBU rin ako."

"Talaga?" Gulat kong tanong sa kanya.

Tumango siya, "Oo, tingnan mo nga naman kahit sa college ay magkaschoolmates pa rin tayo."

Natatawang umiling ako, "Oo nga."

Tinaas niya ang kanyang kamay. Kunot noo ko itong tinignan.

"We didn't get a chance to have a proper conversation before. I guess masyado tayong tutok sa studies natin na kahit noong elementary ay hindi tayo nakapag-usap ni isang beses."

Taylor sighed, "We've been schoolmates for almost 12 years and ngayon pa tayo nakapag-usap nang ganito ka tagal. And since we're going to the same university in college..."

I stared at her, confused.

"What do you think about us being friends?"

Friends? Me and Taylor? I mean, why not? I think there's nothing wrong about us being friends.

Tinanggap ko ang kamay niya, "Friends..."

She smiled widely at me and I smiled back. Biglang nawala 'yong awkwardness na naramdaman ko kanina. Bigla na lang gumaan ang paligid.

Taylor and I entered the reception area together. Kita ko ang gulat sa mga mata ng iilan naming mga classmates at schoolmates. Nagtataka siguro kung bakit kami magkasama.

I mentally shook my head. Kung ako rin siguro ang nasa posisyon nila, ganya din siguro ang reaksyon ko.

"Oy, oy... Rivera at Dela Montegro, nagpapansinan din pala kayo? Ba't kayo magkasama?" Tanong sa amin kaklase ko nang makapasok kami.

"Bakit? Bawal ba?" Sagot ko sa kanya.

"Hindi, nagtatanong lang." Aniya. "Pero bakit nga?" Sabay kamot sa ulo.

I glanced at Taylor.

"We're friends." Sabay naming sabi.

"Weh? 'Di nga? Alam kong April ngayon, nakikiuso naman kayo sa April's Fool, eh."

"We're not kidding. Na sa'yo na kung paniniwalaan mo ito o hindi." Nagkibit balikat ako at naglakad sa table kung na saan ako nakassign. Ganoon din ang ginawa ni Taylor.

The party started and I feel bored. It has been thirty minutes since the party started yet I am not enjoying it. Hindi lang siguro ako mahilig sa mga ganito. Even though my mom's a business woman, hindi niya ako dinadala sa mga parties na pinuputahan niya. Si Daddy ang lagi niyang sinasama at kapag wala or busy si Daddy, siya lang mag-isa ang pupunta. My mom never asked me to accompany her.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Aug 09, 2022 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Love And AffectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin