"Sige Salamat ah."

"Oo sige, siguraduhin mo lang na totoo yang sinasabe mo or makakatikim ka talaga sakin Harrison."

"Oo Tim promise." Sabi pa niya. Nagpaalam naman na ako at umalis na, hindi ko naman kwinento kila Elaine yung sinabe ni Harrison at gusto ko siya ang magsabi nun. Siguraduhin mo lang talaga na totoo yan Harrison. Kahit Niloko ni Harrison si Jane ay May kutob ako na totoo ang sinasabe niyang gusto niya si Jane.

JANE'S POV
Hindi ko man matangap na ginawa sakin yun ni Harrison ay pinilit ko nalang kalimutan. Ilang beses ako nitong tinawagan, tinexan at minessage pero inignore ko lamang. Araw araw akong pinasaya at kinamusta nila Sam, Elaine at Timothy. Nag papa Salamats nga ako na May kaibigan akong katulad nila Eh. Sunday na ngayon at hindi kami gumala at marami rin kaming mga Project at assignments.

~ ~ ~

Monday na ulit at medyo maaga akong hinatid ni Dad sa school, kaya naglakad lakad muna ako sa Campus. Habang naglalakad ako Sabi Garden area ay May biglang Humawak ng kaliwa kong Kamay at hinila ako. Pag tingin ko kung sino yun ay laking gulat ko ng si Harrison. sinubukan kong tangalin ang pagkawak niya pero masyadong mahigpit.

"Bitawan mo nga ako Harrison!" Inis na Sabi ko at sinuntok suntok pa ng kanan kong Kamay pero hindi Ito bumitaw. Nung dumating Kami as isang tabi ay binitawan ako nito.

"Jane."

"Bakit mo ako dinala dito Harrison, ano ba ang gusto mo!? Hindi pa ba sapat na sinaktan at Niloko mo ako. Anong gusto mo tulungan kita sa assignment!? Sa Project!? ANO!!! Diba yun lang naman ang halaga ko sayo katulong mo sa mga Assignments at Projects!?" Galit na Sabi ko sakanya. Hindi naman to sumagot kaagad at nakatingin lang sakin mata. Iniwasan ko naman ang tingin ko at parang bumabalik sakin yung mga pinagsamahan namin.

"Jane Gusto Kita." Seryosong Sabi niya at Gulat naman akong napatingin sakanya.

"A—ANO?" Gulat na Tanong ko.

"Gusto kita Jane kaya please patawarin mo na ako." Gusto niya ako???

"Gusto mo ako!?"

"Oo"

"Anong katarantaduhan to Harrison. Baka naka kalimutan mong narinig ko ang buong usapan niya ng mga kaibigan mo!? Diba sinabe Mong ginagamit mo lang ako para hindi ka matangal sa Basketball Team. Tapos nung tinanong ka nila kung May Gusto ka sakin ang Sabi mo KAIBIGAN mo lang ako!?" Inis na Sabi ko Sakanya.

"Hindi yun totoo Jane, Gusto talaga kita. Oo siguro nung umpisa ginamit kita , pero dapat isang week lang dapat yun at iiwanan na dapat kita. Pero hindi ko kinayang iwan ka Eh. Habang patagal ng patagal kitang kasama ay Nag umpisa na akong magkagusto sayo at maslalo lang lumala ang pagkagusto ko sayo. Dumating nga sa punta na dapat na kitang hiwalayan at hindi na kausap in pero hindi ko talaga kinaya kasi Gusto na talaga kita." Pagpapaliwanag naman nito. Hindi ko alam ang nararamdaman ko at parang mababaliw na ako.

"Pero Bakit yun ang sinabe mo sa mga kaibigan mo."

"Hindi ko alam Jane... pero please patawarin mo na ako kasi hindi ko kay ang mahiwalay pa Sayo. Kahit hindi mo na ako tulungan sa mga assignments at projects ko basta wag mo lang akong layuan Please." Nagmamakaawang Sabi nito.

"Harrison please kung Plano mo Lang akong Lokohin ulit, tumigil ka na kasi nasasaktan na ako sa mga sinasabe mo." Sabi mo naman.

"Gusto talaga kita Jane Please maniwala ka."

"Pero bakit hindi mo masabi sa Iba!? Bakit dahil bang ikinahihiya mo ako Harrison dahil Nerd lang ako. Hindi ako sexy at hindi rin ako Maganda kundi Nerd lang ako. Dahil ba dun kaya hindi mo masabi sa iba na gusto mo ako!?" Sabi ko naman at nag umpisa ng tumulo ang luha ko.

"Hindi sa ganoon Jane. At maganda ka naman ah at wala akong pakealam kung a Nerd ka pa. Bata gusto kita Jane." Sabi naman ni Harrison at pinunasan ang luha ko.

"Hindi Harrison Eh, kung gusto mo talaga ako dapat kaya mo akong ipagtangol at sabihin sa iba na gusto mo talaga ako!? Please lang harrison kung hindi mo matangap na isang nerd na katulad ko ang nagustuhan mo, ay kalimutan mo nalang na May gusto ka sakin. Kasi ang gusto ko sa lalake ay yung kaya akong Ipagmalaki Kahit ano pa man ako." Sabi ko sakanya at tumakbo na ako paalis na lumuluha.

"Jane..." Rinig ko pang Sabi niya pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hangat makadating na ako sa room. Pagdating ko si Room ay parehong gulat na napatingin sakin si Sam at Elaine at mabilis akong nilapitan nung dalawa.

"Bakit ka Umiiyak Jane?" Tanong naman ni Elaine. Hindi naman ako sumagot at pinaupo na ako nung dalawa sa upuan ko.

"Si Harrison no?" Tanong naman ni Sam at tumango naman ako.

"Anong ginawa niya Jane?" Takang Tanong ni Elaine.

"Kahit kailan talaga ay G*go yun!?" Akma namang aalis sana si Sam nung biglang hinawakan at pinigalan to ni Elaine.

"Ano naman balak mong gawin?!"

"Edi Sasapakin yung lalakeng Yun!" Sagot naman ni Sam kay ElAine.

"Time na oh. Mamaya na yan at hindi pa natin alam kung anong nangyare."

~ ~ ~

Tumahimik lang ako at hindi ko kwinento kila Ela at Sam yung sinabe ni Harrison. Lumipas na ang klase namin sa umaga at wala akong gana. Nagulat pa nga sila at hindi ko man lang daw nakalahati yung Quiz Eh. Kahit Sabi kong ayaw ko ay pinilit parin ako nila Sam na kumain sa Cafeteria kaya no choice ako kundi sumama nalAng. Dumating na rin si Timothy at nag umpisa na kaming kumain. Maya Maya ay nagulat ako nung nakita ko si Harrison na patungo samin.

"Jane." Sabi naman ni Harrison. Yumuko lang ako at akma namang tatayo si Sam pero pinigilan ni Timothy. Lumapit naman sakin si Harrison at tinignan ko naman siya.

"Anong ginagawa mo!?" Inis na Tanong ko.

"Please pagkatiwalan mo ako." Sabi nito at nilahad ang Kamay. Pagkalipas ng ilang saglit ay Inabot ko naman Ito. Tumayo naman ako at laking gulat ko nung tumayo siya sa Table namin, at hinila rin ako nito pataas dun.

"Anong Plano mo Harrison?" Kinakabahan na Tanong ko.

"Hayaan mo akong Pakita kung gaano kita kamahal." Seryosong Sabi nito. Tumango naman ako.

"Makinig kayong lahat!" Malakas na sigaw ni Harrison at tumingin naman samin ang lahat. Nahiya naman ako at akmang bababa sa table pero hinigpitan ni Harrison ang pagkahawak niya.

"Nakikita niyo tong Babaeng to." Pagtutukoy ni Harrison sakin.

"Siya ang babaeng Niloko ko nung una dahil baka matangal ako sa Basketball team kung hindi tumaas Grades ko, kaya Oo ginamit ko si Timothy para maging Close siya at nagkatotoo nga. Na tulungan niya akong tumaas ang Grades ko at hindi ako natangal sa Team, pero dapat isang Linggo lang yun. Pero nung dumating sa araw na hihiwalayan ko siya ay Hindi ko Kaya." Malakas parin na pagpapaliwanag ni Harrison at nagulat naman ako sa Pagamin niya,

"Alam niyo kung Bakit hindi ko Kaya Kasi na realize kong Gusto ko na pala siya, ay Hindi lang pala Gusto kung Hindi MAHAL ko na siya." Gulat naman ako sa sinabe niya at nakayanan niyang sabihin lahat yan sa harap ng maraming tao. Nagpalakpakan at Hiyawan pa mga students.

"Kaya Jane Nag mamakaawa ako sayong patawarin mo na ako At hindi ko na kayang malayo pa Sayo ng isang Araw." Sabi naman ni Harrison sakin at hinawakan ang pareho kong Kamay.

"Totoo ba tong mga sinasabe mo na Gusto mo Ako Harrison?" Tanong ko naman sakanya habang nakatitig sa mata niya.

"Hindi lang kita gusto Jane kundi Mahal kita." sabi niya niyakap ko naman siya biglaan. "Pinapatawad mo na ba ako?"

"Oo." Sagot ko naman at humiwalay na sa yakap.

"Mahal mo Rin ba ako Jane?"

"Hindi lang kita Mahal Harrison, kasi Mahal na Mahal kita." Sagot ko naman sakanya at Niyakap niya ako ng sobrang higpit...

TO BE CONTINUED...
[YIEEEEE JARRISON FOR LYPE]
( SALAMAT PO ULIT SA LAHAT AT SANA PATULOY NIYO MAGUSTUHAN AT SUPPORTAHAN TONG STORY)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now