Chapter 10

79 32 1
                                    

"Annalise maririnig ka ng mga anak natin, nasa baba lang ang mga bata" 

Maingat akong naglalakad papunta sa pintuan ng silid nina mama, hindi ko masyadong marinig kung ano ang pinag uusapan o pinag tatalunan nila pero kung ano man iyon alam kong magkakabati rin ang mga ito. Mahal nila ang isa't isa, sa murang edad ko namulat kaming magkakapatid na nakikita ang pgmamahal ng mga magulang sa isa't isa. Naglalakad na ako paalis ng magbukas ang pintuan at nadatnan ang papa 

"K-Katherine anak kanina ka pa ba riyan?"  umiling naman ako at agad na sinagot si papa

"Napadaan lang po, nag aaway po ba kayo ni Mama papa?" tanong ko sa kanya, binigyan naman niya ako matatamis na ngiti sabay sa pag haplos sa aking mahaba na buhok.

"Wag mo ng alalahanin iyon anak, nag uusap lang kami ni Mama"

"Di niyo po kami iiwan?"  Umiling naman ito 

"Mahal ko kayo, bat ko naman gagawin iyon?"

"Promise papa?"

"Pangako"

Nabalik ako sa aking huwisyo mula sa aking pagbabalik tanaw kung saan nananariwa parin sa aking isipan ang mga pangakong binitawan ni papa, hanggang ngayon palaisipan parin sa akin ang mga bibnitawang salita ng ama ni Tyron. Nauuyam akong napangiti, kaya pala akala ko simpleng pag aaway lang ang meron sa kanilang mag asawa ng nabubuhay pa ang mga ito, ito na pala iyon. Kung sakali mang nagsasabi ng totoo ang Ama ni  Tyron hindi ko alam anong gagawin ko. Nananalangin parin akong sana gumagawa lang siya ng rason para lumayo ako sa anak niya.

"We're here"

Napaigtad ako ng magsalita si Mr. Blunt sa tabi ko, agad ko namang binalingan ng tingin ang simpleng bahay na nakatukod sa harapan namin. Nakita ko naman ang babae sa litrato na nag wawalis sa bakuran na hula ko'y ang nanay ni Tyron. Nanatili kami sa loob ng sasakyan tila nagkaintindihang ni isa sa amin ay walang balak na lumabas sa sasakyan. Makalipas ng ilang minuto mag aaya na sana akong umalis ng natulos ako sa aking kina uupan, mula rito namumukhaan ko ang lalakeng lumabas ng kanilang bahay papunta sa babaeng nag wawalis at walang pag alinlangang niyakap ito mula sa likuran.  This can't be true! 

"P-papa" Unti unting bumibigat ang aking dibdib kasabay ng pag tulo ng aking mga luha. Paano mo ito nagawa sa amin papa? Mahigpit akong napakapit sa pintuan ng sasakyan nag aamba ng buksan ang pintuan.

"Sigurado ka bang gusto mong magpakita?" Maagap na tanong sa akin ng aking kasama, nilingon ko naman siya

"B-bakit wala kang ginawa kung matagal mo ng alam ang pagtataksil nila?" Tanong ko ng lumuluha parin.

"Matagal ko na silang kinalimutan, kung ano man ang naging ugnayan namin ay tapos na iyon. Patay na sila para sa akin. Mas  importante sa akin ang anak ko" ani niya na mahahalata mo ang pag pipigil, hilam na mga mata ko siyang pinagkatitigan.

"Kaya ba pinipilit mong paghiwalayin kami ni Tyron?" Tumango siya bilang sagot.

"Kaya hija layuan mo ang anak ko, Dugo ni Ramon ang nananlaytay sa ugat mo hinding hindi kita matatanggap" hindi naman ako makapagsalita sa mga nalaman, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga

"Wag kang mag alala Mr. Blunt, walang namamagitan samin ng anak mo " pinahid ko ang aking mga luha, napapikit ako ng mariin at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nang handa na akong lumabas ng sasakyan nagulat naman ako ng makita mismo si Tyron sa labas ng kanyang sasakyan lumuluhang nakatitig sa dalawang magkayakap sa bakuran.

"T-tyorn" nilingon naman niya ako, he sarcastically smiled at me.

"Alam mo?"

"Kahapon" sagot ko sa kanya. Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita at nagmadaling lapitan ang bahay kung saan sila nakatira. 

"Tyron sandali lang!" Pag pigil ko sa kaniya ngunit huli na ang lahat, nakalapit na kami sa kanila at ganoon nalang ang gulat sa kanilang mga mata ng makita kami. Muling nagsilaglagan ang aking mga luha na pilit pinipigilan ng makaharap ko muli ang aming mga magulang

"Katherine" ani papa. I just stared at him coldly and turn my gaze to the woman behind him who's now staring intently to Tyron.

"Anak" ulit pa niya, akma niya akong lalapitan ng ako na mismo ang lumayo, panay ang pag agos ng aking mga luha di na alintana ang katabing galit rin sa babaeng kasama ng aking ama   

"B-bakit?" Unang kataga namutawi sa aking bibig, I know this is unreasonable, its very unreasonable to leave us his family for that girl.

"P-patawad anak" I looked at him unbelievably 

"Iyan lang ang sasabihin mo pagkatapos mo kaming iwan!? Pinalabas mong patay ka na papa! Tangina nagawa pang sumunod ni mama sayo alam mo ba iyon!?" Pang aakusa ko sa kaniya sobrang bigat na ng dinadala ko masyado ng masakit, What have I done to feel this kind of pain?

Tyron meets KatherineWhere stories live. Discover now