Kabanata VIII

41 6 5
                                    

[ FATIMAH ]

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

[ FATIMAH ]

TATLONG ARAW na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Wahid. Pansamantala mo na kaming nakituloy kina Elise sa kanilang palasyo, hanggang sa magising si Wahid.

Si Wahid na siguro ang pinakamabait at mapagmahal na nilalang dito sa Magwayen na nakilala ko. Tanda ko pa sa tuwing may ginagawa akong kalokohan ay lagi siyang nariyan upang pagsabihan ako. Siya rin madalas ang sumasalo sa galit ng aking ina sa tuwing tumatakas ako at naglilibot sa buong kaharian ng Ghanama.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising si Wahid," may pag-aalalang wika ko kay Elise.

Kung hindi lang sana ginamit ni Wahid ang kapangyarihan ng mata, hindi sana ito mangyayari sa kaniya. Sinabi sa akin ni Elise na ang paggamit ni Wahid ng dalawang uri ng kapangyarihan ang siyang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Hindi kinaya ng katawan ni Wahid ang lakas ng kapangyarihan na iyon. Kulang pa sa pagsasanay si Wahid sa paggamit ng kapangyarihan ng mata. Isa pa hindi niya likas na kapangyarihan iyon.

"Wala ka bang alam na paraan para magising ang prinsipe?" tanong ni Flavio kay Elise. Maging si Flavio ay nag-aalala para kay Wahid. Katulad ni Wahid, isang magiting  na mandirigma si Flavio. Hindi nagkamali si Wahid sa pagpayag na sumama sa amin si Flavio, marami na rin itong naitulong sa amin. Mapagkakatiwalaan din siyang kaibigan.

"Patawad ngunit lahat ng halamang gamot na alam ko ay nasubukan na natin pero wala itong mga silbi ni hindi man lang nito nagising si Wahid." nakasimangot na tugon ni Elise. Mukhang wala na kaming magagawa kung hindi hintayin na lamang kung kailan magigising si Wahid.

"Ngunit may isa pang paraan ang hindi pa natin nasubukan," napatingin naman kami ni Flavio kay Elise dahil sa winika nito.

"Ano iyon?" sabay naming tanong kay Elise.

"Si Azul, tiyak kong may alam siya."

"Kung gayo'y kailangan ko siyang puntahan." Kung totoo man ang sinabi ni Elise na may alam si Azul, malamang may magawa ito.

"Sasama ako sa iyo Fatimah, baka may makasalubong ka pang mga kaaway." turan ni Flavio.

"Hindi na kailangan Flavio, dito ka na lamang para may magbantay kay Wahid. Isa pa kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko." tugon ko sa kaniya.

"Pero—"

"Ganito na lang sasamahan ko si Fatimah papunta kay Azul, tapos ikaw naman Flavio ang magbantay kay Wahid." Pagputol ni Elise sa sasabihin ni Flavio.

"Kung gayon ay mag-iingat kayo, hindi ko ibig na magalit sa akin si Wahid kapag nagkataong may mangyaring masama sa inyo." Nagpaalam na kami ni Elise kay Flavio para magtungo sa Grairat.

MAGWAYENHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin