Chapter VI: Their Amazing Deal

5K 70 3
                                    

Chapter VI: Their Amazing Deal

Naitakip ni Summer ang kamay nya sa mukha. Ngayon lang sya nakaramdam ng hiya kay Yuan. At for the first in her life, NABITIN SYA!

"I guess, it's not the right time." sabi ni Yuan at inginuso ang ayos nila.

Lalong nahiya si Summer dahil nakapatong pa sya kay Yuan.

"Im sorry!" sabi nya at umupo na ng ayos. Hindi iyon pinansin ni Yuan dahil pandalas sa pagdoorbell ang taong nasa labas.

"Buksan mo na, baka kung ano pang isipin ng iba kapag nakita tayong ganito." sabi ni Yuan kay Summer. She just smiled. Inayos nya muna ang sarili bago buksan ang pinto. She didn't managed to look at the monitor para tignan kung sino iyon.

Halos malaglag ang panga ni Summer sa babaeng sumalubong sa pagbukas nya ng pintuan.

Napakalaki ng ngiti nito.

"Are you not going to hug me, my Dear apo?" sabi nito.

Napatulala si Summer. Hindi sya makapaniwala na nasa harapan na nya ang Lola Patchie nya ngayon. Hindi nya alam ang dapat maramdaman. Pakikialaman na naman nito ang love life nya. Dahan dahan syang lumapit dito at yumakap. Mabait naman ang lola nya, pero she's pushing her hard para mag-asawa na.

That thought, make her sick.

"I miss you so much!" sabi ni lola Patchie.

"Bakit di nyo naman sinabi na uuwi kayo? Sana nakapaghanda ako." sabi ni Summer pagkatapos ng yakapan nila.

"Well, it's a surprise." sabi ng lola nya at dire-diretso itong pumasok sa loob ng condo.

"Shit." she whispered. Hindi na nya napigilan ang pagpasok ng lola nya sa loob ng condo.

Napabuntong-hininga na lang sya at hinanda ang sarili sa mga bagay na pwedeng gawin sakanila ng lola Patchie nya sa oras na makita nito ang binata sa loob.

Kahit na malamig sa loob ay namamawis si Summer. Inilibot nya ang kanyang mata sa loob ng condo at hinanap si Yuan pero hindi ito mahagip ng kanyang tingin. Lubha tuloy syang nangangamba na baka magtagpo ang lola nya at si Yuan at mauwi sa agarang kasalan ang lahat.

"Mukhang maayos naman ang pagtira mo rito."

Ngumiti lang si Summer.

"Hindi pa po ba kayo uuwi? Baka hinahanap na kayo ni Autumn."

Natawa ang lola nya sa sinabi nyang iyon.

"It feels like you dont miss your grandmother. Galing na ko sa bahay at okay naman si Autumn kay Precy."

A/N: Si Precy ay yung alagang aso ni Lola Patchie, yung balbuning aso na hindi ko alam ang tawag hahahaha.

"Hindi naman po sa ganoon. Kumain na po ba kayo?" tanong ni Summer.

Hindi sumagot ang lola nya kaya naghain sya ng pagkain para dito.

"Hindi ka pa ba nagkakaboyfriend?" tanong ng lola nya.

Heto na naman sila sa usaping iyon. Hindi na matapos tapos.

"Lola naman, may boyfriend po ako!" sabi na lang ni Summer na hindi nag-iisip.

"Show me. I want to meet your boyfriend as soon as possible."

Sa sobrang pagkabigla ay nabitawan ni Summer ang takip ng kaldero at nalaglag ito sa sahig.

Gumawa tuloy ito ng ingay.

"May problema ba apo?" dumungaw na sabi ni Lola Patchie sa may kusina.

Huminga ng malalim si Summer bago nagsalita. Hindi gumagana ang utak nya.

"Aah, lola, siguro po magpapaorder na lang ako ng pagkain sa labas." pag-iiba sa usapan ni Summer.

"Hindi na! Gusto ko pa rin makilala ang boyfriend mo. Magpapahinga na muna ako sa kwarto mo." natatawang sabi ni Lola Patchie. She knows she won in her own game. Tulad pa rin ng dati, alam na alam nya kung nagsisinungaling ang apo nya o hindi. Matagal na nya itong pinupush para magpakasal upang maabutan naman nya ang magiging anak nito. Wala na syang ibang maaasahan pa dahil nag-iisa lang naman nyang anak ang daddy nito.

Nakahinga ng maluwag si Summer sa naisip ng lola nya. Inaasar na naman sya nito at napasubo pa sa sinabi nya.

Agad nyang naisip si Yuan. She doesnt know kung nasaan na ito.

Inisip na lang ni Summer na baka gumawa na ito ng paraan para makalabas pero napaka imposible nun dahil hindi sya si Spiderman para makatalon mula 5th floor hanggang sa first floor.

Para maibsan ang stress na idinulot ng lola nya ay naisipan nya munang maligo.

Pagkabukas na pagkabukas nya ng ilaw ay agad na may nagtakip sa bibig nya. Sisigaw sana sya ng makita nya si Yuan.

Nakatitig lang ang mga mata nito sa mga mata nya na parang may gustong sabihin.

Walang humpay ang pagbilis ng tibok ng puso nya. Pakiramdam ni Summer ay lalabas na anumang oras ang puso nya kaya umiwas sya ng tingin rito at isinabit ang towel nya sa sabitan.

"Paano ka lalabas nyan? Nandyan yung lola ko." mahinang sabi ni Summer.

Sumilay ang isang mapanuksong ngiti sa labi ni Yuan.

"Edi okay. Dito muna ko sa loob panonoorin kita."

Napakagat-labi sya sa sinabi nito. Iba yung epekto niyon kay Summer, parang alak na hindi pa man nya naiinom ay lasing na sya.

"Gusto mo bang ituloy natin dito?"Pabirong sabi ni Yuan.

Nameywang si Summer sakanya na tila nag-isip.

"Yuan..."

"Oh!" Sabi ni Yuan na nakatingin lang sakanya.

"I know sumosobra na ko, dinala kita sa ganitong sitwasyon tapos..." napahinto sya sa sasabihin dahil isinandal sya sa pader ni Yuan.

Napatitig lang sya sa mga mata ni Yuan. May something sa mga mata nito that she can't explain. Parang maraming gustong sabihin pero he can't utter.

She tried to read him but she can't.

"Sorry, hindi ko sinasadya na marinig lahat ng pinag-uusapan nyo ng lola mo." Sabi ni Yuan at tumalikod na kay Summer.

"Hahahahhaa, maliit na bagay. Pero, may hihingiin sana akong pabor sayo."

Napangiti si Yuan. He knows already kung ano yun. Maikli lang ang panahon nya kaya ayaw nyang masayang ito.

"I can be your boyfriend with benefits habang nandito ang lola mo." Sabi nya rito.

"Fine." At ngumiti si Summer.

****

What do you think about this chapter? Comment lang po kayo and please vote na rin po. Salamat po sa mga nagbabasa. The next chapter is SPG.

Seducing My Brother's TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon