"Pero sa loob ng isang linggo, isang araw lang kayo dapat manligaw, at hindi 'yun sabay." Saad pa ni mama napatango naman si Ezekiel at Stefan. Laking gulat ko nang tumingin muli sila sa'kin.

"Oh ano payag ka?" Sabay sabay na sabi ni mama, papa at dalawa kong kuya, napaatras pa ako dun dahil nakatayo din ako malapit sa lamesa.

Napalunok ako dahil sa mga titig nila na sa tingin ko'y nagbibigay ng pressure sa'kin. "Oh ano na wala kamg sasabihin, titingin ka lang dy.." hindi na natapos ni mama ang sasabihin nya dahil masyado na akong napepressure sumagot na'ko.

"P-pumapayag na ako." Utal kong tugon, nakita ko ang biglang pagliwanag ng mga mukha nila.

"Whoah ayon may manliligaw na ang batang uhugin dati." Masayang sambit ni kuya Acer kaya sabay sabay kaming natawa sa sinabi nya.

"Dati 'yun." Pagdefend ko sa sarili ko.

Hanggang sa tumawa na kaming lahat pati na rin si Stefan si Ezekiel naman ngumingiti ngiti naman.

"ALLYSSA bilisan mo nang mag ayos nandyan na ang manliligaw mo sa labas, hindi na makapaghintay ang ingay ng kotse nya!" Sigaw ni mama sa baba na umalingawngaw sa buong bahay namin.

Napatingin ako sa bintana ko, nakapark lang si Stefan malapit sa gate namin habang nakasandal sya sa pintuan ng kotse nya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa nya, napatingin sya sa'kin saka kumaway at ngumiti, ganun din naman ang ginawa ko kumaway at ngumiti din ako sa kanya pabalik.

Bumalik na ako sa salamin saka inayos ko na ang sarili ko, kanina pa pala naghihintay si Stefan sa'kin sa labas, simpleng turtle neck ang suot kong kulay black at fitted maong pants ang suot ko, sinuot ko din ang 5 inch kong heel sandal. Mabilis ko nang kinuha ang maliit kong sling bag at bumaba na, nagpaalam na din ako kay mama, araw ng sabado ngayon wala ang dalawa kong kuya panigurado busy yun sa mga kani-kanilang girlfriend si papa naman maaga din, kaya ako, si manang Hilda at mama lang ang tao ngayon sa bahay namin.

"Sorry sa paghihintay." Saad ko nang makalapit ako sa kanya, ngumiti naman sya sakin. "I will wait for you for the rest of my life." Nakangiti niyang tugon sabay bukas sa pintuan ng kotse nya, ngumiti ako sa kanya at pumasok na ako nang tuluyan sa kotse nya.

Sinimulan na nya ang pagmamaneho nya sa kotse nya sumakay nalang ako sa front seat dahil nakakahiya naman sa kanya kung magmumukha siyang driver ko eh ang pogi nya ngayon. Mukhang naghanda talaga 'tong singkit na'to eh.

"Where do you want to go?" Nakangiti niyang tanong sa'kin at ibinaling nya sakin ng ilang segundo ang tingin nya saka binalik ulit sa pagmamaneho.

"Anywhere, I don't mind the place." Nakangiti ko rin na tugon sa kanya, napatingin ako sa kanya, lalo siyang gumwapo at mas lalo din sya pumuti sa suot niyang blue polo habang naka unbotton ang tatlong butones dahilan para makita ng konti ang dibdib nya.

Ilang sandali pa namalayan ko nalang na nasa isang restaurant kami na malapit sa isang dagat natatanaw ito sa glass window ng restaurant. Nilibot ko ang paningin ko, may mga makukulay din na ilaw na nakapaligid sa'min at kung susuriin masyado, mukhang pag mamay-ito ng Hawaiian  na tao dahil sa mukha palang ng buong restaurant Hawaiian ang interior design nito.

"I know this place is so refreshing that's why i brought you here Allyssa." Saad ni Ezekiel habang nilapag nya ang buko, buko pie sa lamesa.

Napatingin ako sa buko pie saka napalunok. "You can have it." Saad ni Stefan nang mapansin nya na nakatitig ako sa buko pie.

"Are you sure?" Tanong ko.

"Yes i have mine naman." Saad nya sabay turo sa isa pang buko pie.

Ang tanga Allyssa ah nakita mo naman dalawa ang inorder nya. Kinuha ko na ito saka sumubo, tinignan naman ako ni Stefan habang sinusubo ko ang buko pie, muntikan pa akong mabulunan nang ngumiti sya sa'kin na akala mo'y wala ng bukas. Mabilis nya akong inabutan ng tubig madali ko naman ininom 'yun.

The Unnoticeable GirlWhere stories live. Discover now