CHAPTER 26

24 11 0
                                    


BINIBIGAY na ba sa akin ng mundo o tadhana ang mga gusto ko o sadyang napapalapit lang sakin to ng panandalian lamang? Kung panandalian lang 'to sana bawiin na nya kaagad sakin ang kasayahan na nararamdaman ko ngayon, kasi ang sakit maging masaya sa panandalian na panahon lamang na akala mo'y hanggang sa dulo'y magiging masaya ka, ngunit hindi pala.

"So, bakit si Allyssa?" Tanong ni mama habang nakapalibot sina papa at dalawa kong kuya, nakaupo naman si Ezekiel at Stefan sa mahaba namin na sofa.

Tinignan ko si Stefan at Ezekiel mukhang kinakabahan silang dalawa dahil namamawis na ang noo nilang dalawa, hindi ata sila nainform na masasalang sila sa very intrigang hotseat na hindi nila aakalain. Kasalukukuyan na nakaupo silang dalawa sa sofa at pinapalibutan sila nila mama, papa, at dalawa kong kuya.

"S-since i laid my eyes on her, sya na talaga ang babaeng gusto ko, i love the way Allyssa look at me i love just the way Allyssa talk to me, kahit walang kabuluhan mga pinagsasabi nya." Kinakabahan na saad ni Ezekiel at hindi rin sya makatingin sa mga mata ni mama. Ngayon ko lang nakita na magsalita si Ezekiel ng napakahaba.

Wow ah wow talaga, pinag isipan ko kaya lahat ng plano kong pagpapapansin sa kanya at pagdadaldal tapos sasabihin nya walang kabuluhan?

"Ayun naman pala, gusto ko yan bro high five Ezekiel!" Masayang sambit ni kuya Alvin at nakipag high five pa sya kay Ezekiel, nagtataka naman na tumingin sa kanya si mama at papa.

"At ikaw naman, bakit si Isay?" Tanong naman ni papa kay Stefan, binalingan ko naman ng tingin si Stefan na nakayuko na ngayon.

"Because Allyssa gave me a happiness, kahit pinipikon ko sya minsan, i love her vibes, basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko sya." Saad ni Stefan sabay tango tango pa, mukhang hindi naman sya kinakabahan sa tono ng pananalita nya.

"Yun ang mahalaga basta nandun ang saya, magiging masaya ka kay Stefan Isay kaya pumayag kana magpaligaw." Saad naman ni kuya Acer habang sinisenyasan nya akong pumayag na gamit ang kilay nya na tinaas taas nya pa.

"Isay alam kong si Ezekiel ang papayagan mong manligaw sayo diba dahil type mo si Ezekiel at nakita ko pa na wallpaper mo sya sa pho.." hindi na natapos ni kuya nang magsalita ako baka kung ano pa ang masabi nya.

"Kuya!"

Napatingin silang lahat sa'kin sa pagsigaw ko, napatingin ako kay Ezekiel na ngumingiti ngiti ng konti habang nakatingin sa kamay nya.

"H-hindi kayo galit?" Napakagat ako sa labi dahil kinakabahan na ako sa mga tingin ng pamilya ko ngayon. Nagulat ako nang talikuran nila ako at tumingin sila sa kinauupuan nila Ezekiel at Stefan.

"Mapapangako nyo bang hindi nyo sasaktan ang anak namin?" Nakapamewang na saad ni mama.

"I can't promise but i will do my best not to hurt Allyssa and be a good guy for him, I won't let her cry." Sa pagkakataon na'to mukhang hindi na sya kinakabahan dahil napatingin sya sa'kin ng dahan dahan at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya hanggang sa nagtitigan na kami.

"Ahem ehem!" Napatigil kami sa pagtitigan ng umubo ubo si papa kaya mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa ibang direksyon. "Ikaw Stefan alam kong singkit ka kaya dapat mong masungkit ang puso ng bunso namin ah, maipapangako mo ba?" Tanong ni kuya Acer sabay tapik sa balikat ni Stefan.

"Am i not the best, but i can promise that i will give a happiness she wanted." Saad ni Stefan at ngumiti din sya sakin dahilan para sumingkit pa lalo ang mga mata nya.

"Pumapayag na kaming ligawan nyo si Isay, pero." Saad ni mama habang winawasiwas nya ang kamay nya sa kawalan. "May pero?" Tanong ni papa na ikinatango naman ni mama.

The Unnoticeable GirlWhere stories live. Discover now