Kinuha ko ang phone ko para icheck ang social medias ko. Nang may magpop up na notification ay agad ko 'yong pinindot.

jazenc: you going later?

Nagtataka pa rin akong nakatitig sa dm na 'yon dahil eto ang unang beses na siya ang unang nagdm sa akin.

"Totoo ba 'to?" tanong ko sa sarili ko. Sinampal ko pa ang sarili ko para malaman kung totoo nga. "Aray! Pucha!"

"Ayan! Sinong tanga ba naman ang sasampal sa sarili." napatingin ako sa pinto ko nang marinig ko 'yon at nakita ko si Ali na nakatayo doon. Nang batuhin ko siya ng unan ay binato niya 'yon pabalik sa akin tsaka siya lumabas.

aragonz: yep! you?

jazenc: we stay inside the same condo.

aragonz: sabi ko nga. so, uhm, see u later?

jazenc: copper.

"Ano daw? Copper? Pucha i hate science!" sabi ko sa sarili ko nang mabasa ko 'yon. Agad kong sinearch 'yon sa google pero di ko pa rin gets kaya tinext ko si Allen.

To: Allen
hi anong ibig sabihin ng copper

From: Allen
hi din, anong copper? sa periodic table o yung element mismo?

To: Allen
ha? magkaiba ba 'yon? ganto kasi, kunyari sinabihan kita ng "copper!" ano ibig sabihin non?

From: Allen
ahhh, bugok! edi c u

To: Allen
c u din!

From: Allen
TANGA! c u meaning non. Cu kasi chemical symbol non.

To: Allen
sumakit ulo ko don pisting yawa

Pagtapos naming magusap ni Allen through text ay tumayo na rin ako at kumuha ng damit for tonight. Hindi pa rin mawala sa isip ko na si Jazen na nga unang nagdm sa akin, tapos sinabihan pa ko ng 'see you'.

Ma, magpapakasal na ko, ma! Sana all kayo dyan.

Pumunta ako sa C.R to put some light make up then i changed my clothes. Nagsuot ako ng ay green colored one shoulder top then a pair of high waisted shorts. After magayos ay pinuntahan ko na si Ali sa kwarto niya.

"You guys are here!" salubong sa amin ni Allen na siyang nagbukas ng pinto.

"Malamang inimbitahan mo kami." sabi ko tsaka kami pumasok sa loob.

Pagpasok namin ay dumiretso kami sa living room nila.

"Where's Jazen?" tanong ko habang nililibot ang tingin ko.

"Pumunta tayo dito para magchill, hindi para bisitahin si Jazen, bhie." sabi netong ubod ng kj na si Ali.

"Nasa kwarto niya pa, Miss Copper!" sabi ni Allen at napapikit nalang ako nang marinig ko 'yon.

"Miss copper?" tanong ni Ali.

"Wala!" sabay naming sabi ni Allen.

Tinulungan namin si Allen na ihapag lahat ng food and drinks sa table dito sa living room nila nang may biglang dumating. Gulat naming tinignan ang lalaking dumating at ganon din siya.

"Ah, Kio! This is Ara Gonzales," turo sa akin ni Allen. "And this is Ali Reyes. My co-escolarians from College of Law."

"Hi guys?" sabi pa nung Kio ata.

"Guys, he's Kio Sebastian from USTe. Law Student din." pagpapakilala sa kanya ni Allen.

Pagtapos naming ayusin ang mga pagkain ay saktong lumabas na si Jazen mula sa kwarto niya. Nakakuwentuhan na rin namin si Kio at nakasundo rin naman agad namin.

"3rd year college ka din sa USTe?" usisa neto ni Ali kay Kio.

"Yep. Magkakaibigan na kaming tatlo simula Junior High School." sabi ni Kio.

"Why USTe?" i asked.

"Dream school. Ayoko sanang humiwalay sa mga kaibigan ko pero kasi med students sila and magandang school talaga ang CEU for med students." paliwanag niya.

"School of Law din naman ang CEU?"

"Ara ang kulit ng neknek mo! Dream school nga daw." sabi pa ni Ali.

Dahil sa dami ng kwento ay hindi na kami nanood ng movie. Puro kwentuhan at tawanan nalang kami. Minsan naaabutan kong tumatawa si Jazen pero madalas ay hindi. Hindi siya nagkukwento pero nakikinig siya at madalas ay relate siya sa kwento ng magkakaibigan.

Binitbit ko ang red cup ko na may lamang Jack D. nang pumunta ako sa kusina para kumuha ng ice.

"Nabaliw ako sa copper mo." sabi ko nang harapin ko siya. Nagulat pa ako nang makitang sinundan niya ko.

"Did you search for the meaning?"

"Yep, i tried. Pero di ko pa rin gets, kaya i texted Allen." i said.

"Now you know."

"Yeah, and i can see you now." sabi ko pa tsaka ko inubos ang laman ng baso ko. "Babalik na ko dun, ikaw din."

Bago ako umalis ay narinig ko pa siyang nagsalita.

"Sana hindi mo ako makikita ngayon lang." he said at napalingon ako sa kanya. "I wish i can Copper all the time.."

------------------------------------------------------

ud soon, be right back.

Virtue of Love in Mendiola (Manila Series #1)Where stories live. Discover now