Chapter 44: Truth or Dare

31 3 0
                                    

Zayn's POV:

"Chill bro, ang init ng ulo mo" asar ni Max sa akin. Kakatapos ko lang maligo at nakaupo ako ngayon sa couch ng suite namin.

Kung bakit ba kasi dumating pa yung demonyo na yun?

Fuck him.

Mas lalo lang uminit ang ulo ko dahil kanina

Hindi kami makabalik sa suite namin dahil hinihintay namin si Ice. Magmula kasi ng hilahin niya yung gagong yun palayo ay hindi pa siya nakakabalik.

"Frans" bumaling ang atensyon namin kay Gia nang tawagin niya si Frans.

"Ano ba talaga ni Ice yung si Damon?" naguguluhang tanong niya. Kunot noo namang tumingin si Frans sa aming lahat na naghihintay ng sagot niya.

"Kababata namin si Damon" maingat na sagot niya.

We? Sinong maniniwala? May pa miss na kita pa yung gagong yun?

"Hindi ba sabi mo family matter yung pinunta ni Ice sa Maldives?" this time, si Sky naman ang nagtanong. Diretso namang tumango si Frans.

"Bakit sabi ni Damon magkasama daw sila?" ngayon ay naghihintay na rin ako ng sagot niya. Napalunok si Frans at umiwas ng tingin. Halatang ayaw sagutin ang tanong ni Gale. Napangisi ako sa reaksyon nila. Ibig sabihin magkasama nga talaga sila?

Nagkayayaan sila na bumalik na sa suite para makapagbihis na at makapagdinner.

"Sige una na kayo, tatawagin ko lang si Ice" hindi ko alam kung anong klaseng engkanto ang sumanib sa akin at nagprisenta ako na maghahanap sa kaniya.

"Pakisama nalang si Zay" sabi ko kay Gia. Naglakad na ako sa direksyon na tinungo nila kanina. I saw Ice talking to that demon. Naikuyom ko ang kamao ko ng umakbay siya kay Ice at inilapit ang mukha niya sa tenga nito.

Mabilis akong lumapit sa kanila. I was so furious but I tried to be calm. That asshole is grinning like a monkey while Ice is just standing there with her poker face.

"Balik na daw sa suite para makapagdinner na" malamig kong sabi kay Ice. Tumango naman siya at hinarap nanaman yung demonyo.

"Sumabay ka na samin kumain" direktang sabi niya dito. Ngumiti naman ng nakakaloko ang hayop at tinapunan pa ako ng tingin.

"Sure Klea, na miss ko na ring sabayan ka kumain" pigil na pigil ko ang sarili ko na sapakin siya ngayon. Imbes na magprotesta si Ice ay nginisihan niya lang ito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila na si Ice. Bastos man pero wala akong pakialam.

"See you later Ice Klea!" sigaw pa ng gago habang papalayo kami. Hindi ko siya nilingon hanggang sa makarating kami sa tapat ng suite nila.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now