"Wag na, hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Bakit ba ganyan ka? Ano bang masama sa pagtulong ha?!"

"Walang masama sa pagtulong...
Ang sinasabi ki kasi hindi ko kailangan ng tulong...MO!"
May diing sabi niya sa 'mo'.

"Ang yabang mo naman, bakit kaba ganyan ha?!"
Hindi niya ako sinagot.
"Kung tungkol sa kagabi kaya ka nagkakaganyan eh hindi ko naman sinasadyang gawin yun noh. Nabigla lang ako okay? Sorry na..."
Hindi niya parin ako sinagot.
"Hoy ano ba?! Grabe ka naman magalit diyan, eh nung sa isla nga nung hinalikan MO ako nagalit ba ako ng tudo sayo?! Eh kagabi hindi naman nagdampi yung mga labi natin ah? OA kalang talaga kaya bakit----!"

"PWEDE BANG TUMAHIMIK KA NA?! HINDI NAMAN YUN ANG DAHILAN EH! WALA KANG ALAM KAYA TUMAHIMIK KA NALANG DIYAN PAKEUSAP LANG!!!"
Malakas na sigaw niya sa mismong pagmumukha ko!

( >_< )

"Kung hindi yun eh a-ano?! Hindi naman pala ako involved sa problema mo pero bakit pati saakin nagagalit ka?"
Pilit ang lakas ng loob na tanong ko sa kanya.

"Wala kang alam kaya manahimik kana lang!"

"Sabihin mo nga saakin para alam ko!!"

"Kung sasabihin ko din sayo hindi ka naman maniniwala!"

"Susubokan ko!!"
Malakas na sigaw ko at natigilan naman siya.
"Kung hindi tungkol sa kagabi ka nagagalit sakin eh ano?! Bakit pati ako eh pinag-iinitan m----!."

"Isa lang!"
Pagbabara niya sakin.
"Isa lang ang masasabi ko, oo hindi yun ang dahilan pero ikaw parin ang may kagagawan"

"A-ano?...Hindi kita maintindihan---!."

"Dahil sayo kaya ako may ganito ngayon!!"
Malakas na sigaw niya na tinuro pa ang sugat sa kamao niya.
Mabilis naman siyang tumayo at tinalikoran akong hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Paanong ako ang dahilan ng sugat niyang yun??"
Mahinang tanong ko sa sarili.

'Kahit kailan ang labo niya! Ano bang malay ko sa sugat niyang yun? May sinabi ba akong manuntok siya ng kung ano para magkaganon ang kamay niya?! Hindi naman ah! Ako pa sinisisi baliw talaga!'

#DrugsPaMore!

Hindi ko talaga siya maintindihan, una yung sa kagabi. Totoong nabigla lang naman talaga ako nun, tapos siya pa tong daig pa ang babaeng ninakawan ng halik kung maka-react! Bakit siya? nung siya naman ang humalik saakin hindi ko naman pinaramdam sa kanya yung galit ko ah. Tapos isa pa nung nakaraan before ang Ms.Campus bigla nalang siyang naghubad ng damit niya sa harapan ko mismo at muntik pa ulit magdampi ang labi niya sa labi ko pero hindi ko naman pinaramdam na sobrang nagalit ako nun, ang sabi ko pa nga "Ayos lang ako, alam ko namang nagbibiro kalang eh..."
See?! Kahit na umiiyak ako nun hindi ko parin nagawang saktan siya, masyado akong mahiyain para magwala ng tudo.

Tapos pangalawa, ay ngayon yung mga sugat sa kamao niya. Hindi ko alam kong bakit ako nanaman ulit ang pinagbibintangan niya, buti sana kung ako nga kaso baka sinabi niya lang yun para may masisi, at ako pa ang napiling sisihin! Badtrip yun ang lakas talaga ng saltik! Hindi ko na alam kung normal pa ba siya o abnormal na! Hays....

K I N A B U K A S A N. . . .

Gaya ng nakasanayan, gigising ulit ako ng maaga at gagawin ang mga daily routine ko. Hindi ko na iisahin pa lahat dahil alam kong alam niyo na kung ano yun, dahil magmumukha lang akong sirang plaka nito kung babanggitin ko pa.

Natapos na ako't nakapagbihis na ng uniporme, ngunit hindi ko parin nakikitang lumalabas si Mr.Demon sa kwarto niya. Sa tingin ko wala pa yung ligo, kain at lalong natutulog parin yun ngayon!

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now