Tahimik man at mailap si Chaos, nararamdaman kong totoo sya!

"Wha-why? Why did you leave him? Why?!" I am furious. They left their friend alone?! Wha-what kind of friendship is that?!

"Leaving your friend, alone in the dark?! What kind of friendship is that?!" Galit na galit na sigaw ko habang tumutulo ang luha na matagal ko ng pinipigil.

"Look, we don't have a choice." Sabi sakin ni Sick habang hawak ang balikat ko at niyuyogyog ito.

"That's bullshit!" Nasabi ko nalang at nasampal ko ang sariling noo.

"We know, we know." Sabi ni Sick at niyakap ako. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat nya.

Hindi ko man gaano kilala si Chaos, pero pakiramdam ko magiging mabuti kaming kaibigan.

"Mabuti syang tao." Sabi ko pa habang umiiyak. Hinahawakan lang ni Sick ang buhok ko.

"Bampira." Pagtatama ni Elliot. Tinignan ko ang paligid at maging sila ay umiiyak.

Pero dahil sa sinabing yun ni Elliot, lahat sila ngayon ay may ngiti sa mga labi.

"Let's go home." Sabi ni Ashton. Pinunasan ko ang luha ko at tumango.

Naglakad na kami patungo sa portal. Sa kasamaang palad, hinarang kami ng mga halimaw na nakabantay.

"Pinapunta kami dito para sa isang misyon." Sabi ni Ashton sa mga ito. Tumigil ang bampira sa pag-punta samin.

"Sinong nagpapunta sainyo dito?" Isang malaking boses ang um-echo sa pandinig namin.

Nakakatakot ang boses nya ngunit malamig.

Nanindig ang balahibo ko ng dahil doon.

"Head Master Kasandra." Sabi ni Ashton. Bigla namang kumabog ang dibdib ko.

Naalala ko yung sinabi nya sakin.

"Kailangan mong hanapin ang kwintas."

"Para sa kahihinatnan ng magkaibang mundo."

Pumasok sa isip ko ang boses ng head master na sinasabing kailangan ko ng mahanap ang kwintas na bigay ng Mama ko.

Pero bakit kailangan ko itong hanapin? Kung matagal ng nasa kamay ko ang hinahanap nila?

"Ah si Kasandra. Mabuti." Malaki ang boses na sabi ng isa sa mga halimaw na parang kilalang kilala nya ang head master.

Hindi namin malaman kung sino ang nagbubuka ng bibig sakanilang sampo.

Nakasuot kasi sila ng iisang maskara. Isang itim na maskara.

Naglakad na kami papasok sa portal...

Pero nagulat kami ng may sumisigaw sa likudan. Isang pamilyar na boses.

"Sick! Ashton!" Sigaw ng isang boses ng lalaki. Agad na namuo ang tubig sa mata ko.

"Chaos!" Masaya naming sigaw. Nagtataka man kung pano sya nakapunta dito, pero hindi na muna namin kinwestyon kung paano sya nakasunod samin.

Dahil lahat kami, iisa lang ang nararamdaman.

Tuwa.

Nang makalapit sya samin, sinalubong namin sya ng isang malaking yakap.

"Ayos! Kumpleto na ulit tayo!" Sigaw ni Elliot. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Anong tayo? Kasama ka ba samin?!" Mataray na tanong ni Meridette dahilan para mas lalong lumakas ang tawa namin.

"Tigilan nyo na yang dalawa." Sabi ni Daemon at inirapan lang sya ni Meridette.

"Whatever."

"Chaos, masaya akong nakabalik ka." Nakangiting sabi ni Ashton. Umiiyak na kaming lahat pwera lang sakanya.

Maging si Sick ay tumutulo na ang luha.

"Hindi ko din alam, pero... may lumapit saking isang babae. May binanggit syang mga salita, at yun, i-i came back to life." Paliwanag ni Chaos. Magulo man ay hindi na muna namin inisip yon.

Ang mahalaga, nandito na sya.

"Edi may kapangyarihan din sya?" Tanong ni Elliot. Napa-isip naman kaming lahat.

"I'm sure, weak lang yun." Sabi ni Meridette at tumawa kami.

"Bat ba kayo napapaisip? Malamang oo. May kapangyarihan yon." Pilosopong sabi ni Levicarl habang umiiling-iling.

Natawa ko sa sinabi nya dahil may punto sya. Tsaka minsan lang kasi yan magsalita.

"Ah pilosopo ka na ngayon?" Nakasimangot na tanong ni Elliot. Hindi nalang sya pinansin ni Levicarl.

"Nakakatawa." Nakasimangot din na sabi nu Raven. Anong nakakatawa e ni hindi nga nya binubuka ang bibig nya para humalaklak?

"Bagay kayong dalawa ni Levicarl. Pilosopo." Nakangiti at sweet na sabi ni Veruca. Ngumiti ito ng matamis kay Raven.

"Hahaha oo nga!"

"Agree!"

"Pre ligawan mo na!"

"Maganda naman si Raven!"

"Hindi ka na lugi kay Levicarl, gurl!"

Nagtutuksuhan kami na parang wala ng bukas.

Napakasaya pala.

Sa huli, natapos namin ang unang misyon at buo pa rin kami?

E sa pangalawang misyon kaya?

'Erase, erase, erase.'

Sabi ko sa sarili habang umiiling-iling.

Pinagmasdan ko sila, am i finally getting close to them?

"Hahahaha!" Isang malakas ang nakapagpatigil samin!

"Hoy Meridette, kababaeng tao anlakas tumawa!" Pinandidilatan sya ni Elliot habang sinasabi yon.

"Hoy ang kapal ng face mo! Ikaw kaya yon!" Depensa naman ni Meridette sa sarili.

"She who give lives." Napatigil kami at napalingon kay Ashton. Nag-iisip sya at mukhang seryoso.

Iniisip nya pa rin ba ang nangyari kay Chaos?

Nang mapansin ni Ashton na lahat kami ay nakatingin sakanya, dumiretso na sya sa portal.

"Tara na." Sabi nya at pumasok na.

We're finally going home.

Not as a strangers, but as a team.

Bago kami nawala, narinig pa namin ang boses ng tagabantay.

"Pakikamusta ako kay Kasandra. Kinakamusta kamo sya ng matalik nyang kaibigan.... Si Bloodimir."


________________________

Next week na ko maga-update kaya pinublish ko na yung dalawa. Salamat!

Bloody Hell University (EDITING)Where stories live. Discover now