Pagkatapos kumain ay nagsimula na kaming mag-ayos sa office. Tinutulak ko ang mga furniture palabas habang inilalagay ni Sia ang mga gamit sa isang box.

"Saan mo na ilalagay 'to?" tanong niya.

Napalingon ako sakaniya habang nagwawalis. Tapos na ako sa paglalabas ng furniture. Habang siya, nakaupo sa sahig at nagpupunas ng mga gamit na inalis namin sa bookshelf para ilagay sa malaking box.

"We'll find a place for them," I said. "Or find a new house, altogether."

Mabilis na inangat ni Sia ang tingin saakin. Bahagyang kumukunot ang kaniyang mga noo. "What do you mean?"

Tumigil ako sa pagwawalis at ginawang tungkod ang walis na hawak. "I literally mean that we find a bigger house. Kapag lumabas na si baby, kailangan niya rin ng sarili niyang kuwarto. We can't live here forever," I said, gesturing to the whole apartment. "This is way too small for us."

Sia seems repulsed by the idea. She leaned back, away from me, her frown getting deeper. "What do you mean us?"

Tiningnan ko lang siya.

Are we reading different books right now? Hindi niya ba nakikita ang nakikita ko?

"Us -- you, me, the baby. Us," sabi ko.

Pumikit si Sia. Ngumiti siya pero wala akong nakikitang nakakatawa. "Teka, teka, teka," aniya. Nang buksan niya ang kaniyang mga mata, nakita ko ang amusement sa mga ito. "You think we're going to live together? Forever?"

Napakurap ako. "Hindi ba't 'yun naman dapat?" tanong ko.

Napanganga siya. "No. Ghad, no, Raffy. This is only temporary. I'll move out soon."

My legs turned to jelly. Inayos ko ang tayo saka lumapit sakaniya. I sat across her, the box between us.

"Clearly," panimula ko. "We haven't talked this out."

Sia folded her arms against her chest. "Clearly," she agreed.

Huminga ako ng malalim. Kumuha ako ng basahan at figurine at tinulungan siyang magpunas. "Talk," sabi ko sakaniya. Simpleng salita pero alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

"It's already hard as it is for me to accept everything, Raffy," aniya na hindi nakatingin saakin. Nakayuko lang siya habang nagpupunas ng picture frames. "Huwag mo naman akong binibigla ng mga plano mo sa buhay. Alam mo namang magkaiba tayo ng pananaw sa lahat ng bagay."

Hindi ako nakasagot.

Mukhang sobrang layo na ng naplano ko, na hindi ko na-consider ang opinyon niya.

"I'm sorry," I said.

Tumango si Sia, na hindi parin inaangat ang tingin saakin. "I said that I'll help you out with stuff around the house. I'll stay healthy and help you raising the kid soon. But," Sia stopped for suspense.

Finally, inangat niya ang tingin saakin. Her looks mean business. "I've got plans too. So, please. Consult me with everything before doing something. If we're going to make this work, you'd have to include me in the planning."

I feel so little right now. Parang gusto kong magtago sa loob ng box hanggang sa maibalik ko ang dignidad ko. Ang lakas makapag-real talk ni Sia. Jusko.

"Oo na. Sorry na. From now on, I will," sabi ko.

"Promise?"

Umirap ako. "Promise."

Before RosaWhere stories live. Discover now