Chapter 8

1.8K 78 15
                                    

Mafe's POV

Kumakain kami ngayon nila Ate Jovi at Ate Jema sa isang samgyupsal.

Dinalaw niya kami ni Ate Jovi dahil may aasikasuhin daw siya. Nanuod kami kanina ng game ni Ate Jema, nakita ko rin si Ate Deans pero hindi siya lumapit samin.

Mukhang hindi pa ata alam ni Ate Jema na nakausap na ni Ate Deans sila Tatay.

Nagtanog sakin si Ate Jovi tungkol sa dalawa, nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko naman sigurado yung isasagot ko.

Saktong saktong din at pagpaplanuhan namin yung surpresa naman kila Tatay sa Wedding Anniversary nila sa isang araw.

"Ako na sa cake" sabi ko dahil nagprisinta si Ate Deans nung sinabi kong uuwi kami sa Laguna para surpresahin sila Tatay.

"Wow may pera" sabi ni Ate Jema kaya napatawa na lang ako.

"Anong oras byahe niyo sa lunes para alam ko kung anong oras ipapadeliver yung mga oorderin na pagkain" sabi naman ni Ate Jovi habang naglalagay ng raw meat sa griller.

"Pagkatapos ng training ko Ate, free rin naman si Mafe after lunch" sagot ni Ate Jema.

Ang plano talaga ay kay Ate Deans ako sasabay pero dahil mukhang hindi lang sila Tatay ang masusurprise ay kay Ate Jema na lang.

"May isasama ka ba Ate?" nakasmirk na sabi ko sa kanya. Pinandilatan naman niya ako ng mata at nginuso si Ate Jovi.

Napatawa na lang ako, wala talagang kaalam alam si Ate.

Pati nga ako ay nalilito na rin sa kung anong meron sila, kwento naman ni Ate Deans ay araw araw naman daw sila nagkakausap pero hindi pa daw niya natotopic yung about sa kanila dahil gusto niya daw ay sa personal.

Iba rin yun eh, ibang iba yung galawan basta para kay Ate. Minsan nakita ko pa sa twitter yung lockscreen niya na nakuhanan sa camera nung minsan siyang inenterview. Kahit ako ay naging detective kakahanap ng picture na yon.

It was Ate Jema. No doubt.

Habang kumakain ay nagbubulungan kami ni Ate Jovi dahil kami yung magkatabi. Busy naman kaka cellphone si Ate Jema.

"Hindi pa ba alam ni Jema na nagpunta si Deanna sa Laguna?" tanong niya sakin.

"Hindi pa ata Ate, alam mo naman si Ate Deans" sagot ko sa kanya.

"Sasama ba yun? Siguradong hahanapin siya nila Nanay"

"Oo Ate, sa kanya nga yung cake dahil nagprisinta siya nung nalaman na pupunta kami dun" pahayag ko pa sa kanya. Tumango lang siya at pinagpatuloy yung pagkain.

After namin kumain ay nagpaalam na din si Ate Jovi pauwi para daw hindi na siya masyadong mapagabutan ng rush hour.


Monday.

Abala ako sa pamimili nangletter balloon dito sa malapit sa UST. Ako rin kasi yung nakatoka dun, past lunch na at hindi pa ako kumakain.

Malapit na din daw si Ate Jema para sunduin ako. Nung nakumpleto ko na yung mga letters ay agad naman akong nagbayad at pumunta sa pagkikitaan namin ni Ate.

Napagkasunduan naman namin ni Ate Jovi na kunwari ay siya na lang bibili ng cake, hindi pa rin kasi natutunugan ni Ate na pupunta si Ate Deans.

ImagineWhere stories live. Discover now