Chapter 6

1.9K 71 14
                                    

Deanna's POV

Nagising ako at as usual, halos umikot nanaman mundo ko sa hangover. I've been feeling this every morning in 4 consecutive days. Hindi ko na alam kung pano pa bumalik, halos pagalitan na ako ni Dad kasi hindi na ako pumapasok sa company at sa Wednesday na yung party.

I don't think na maghihilom agad sugat within me kasi kahirap humarap sa madaming tao.

Kahirap ngumiti ng pilit. Kahirap maging masaya kung sa loob mo, wasak na wasak ka.

Teka, pano ako nakarating sa Hotel? Sa pagkakaalala ko, sa tabing dagat ako naglasing at.... may nakausap nga pala akong babae.

Hayyy tanong ko na lang sila Kuya Anthony, sigurado naman alam nila kung ano nangyari dun.

Nung papunta na ako sa cr para maligo, may nakita akong basin at palanggana na may tubig sa side table. Weird.

Tinawagan ko muna si Kuya Anthony para idala dito yung extra shirt ko na nasa kotse.

On call

"Hello Boss D?"

"Hello Kuya Anthony? Pwede po bang pakidala dito yung extrang damit ko sa compartment ng kotse ko? Thank you po"

"Sige Boss, iaabot ko na lang po sa kasama niyo" sa sinabi ni Kuya Anthony napakunot yung noo ko.

"Kasama?"

"Opo yung babaeng medyo maikli at buhok, sa pagkakatanda ko po siya po yung nakikita kong nasa picture sa desk niyo" I was literally shocked. Nandito si Jema?

"Sige Kuya"

Pagkaend ko ng call halos hindi ako mapakali, nakarinig naman ako ng mga kalansing ng kutsara sa labas. Totoo ba? Nandito si Jema? Paano? Bakit?

Hindi ko na alam gagawin ko, pabalik balik ako ng lakad. Upo sa kama, tayo, lakad hanggang sa may kumatok. Jusko sino kaya yun?

Nagdalawang isip pa ako pero binuksan ko rin naman.

"Gising ka na pala, eto pala yung pinapaabot ng bodyguard mo" sabi niya. Legit ba to? Nandito nga siya. Hindi ko alam na nakatitig lang ako sa kanya, nabalik lang when she snap her finger.

"Eto na oh" nakaabot na pala yung gym bag ko sakin.

"S-salamat" utal na sabi ko.

"Dalian mo na maligo para makakain ka na at makainom ng gamot" sabi naman niya and she smiled? Totoo ba yung nakita ko? Ngumiti siya sakin?

Naisara na niya yung pintuan kaya kahit occupied pa rin yung utak ko, pumasok na ako sa banyo at naligo.

Nung lumabas ako galing banyo, nakita ko siyang nanunuod ng tv kaya hindi ko naman alam kung tatabi ako sa kanya, kakain ba ako magisa o ano.

Napansin niya ata yun kaya inaya niya ako. Hindi pa pala siya kumakain. Naupo kami ng magkaharap, tinignan ko yung nasa lamesa. My favorite breakfast. Sunny side up egg, spam, bacon and hotdogs.

"Pinabili ko yan sa mga bodyguards mo, don't worry I use my own money" sabi niya habang kumakain na.

"T-hank you J-jema" damn, why am I shuttering?

Nagsimula na din akong kumain at as usual, masarap luto niya. Nauna siyang natapos kumain kasi pangatlo rice ko na ata ito. Sobrang miss ko lang na lutuan niya ako.

Ghad, I miss her.

Busy ako sa pagkain nung may nilapag siyang isang baso ng tubig, chocolate at gamot sa gilid ng plato ko.

ImagineUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum