Chapter 42

681 51 9
                                    

Kakampi

Agad na sinuyod ng mga mata ni Kiefer ang loob ng ice cream parlor ngunit walang anino ni Alyssa ang tumambad sa paningin niya. Nagmadali siyang lumipat sa fast food chain. Inakyat niya pa ang ikalawang palapag ngunit wala talaga.

Alalang alala na siya hanggang sa makarating ng bahay. Nakahinga lang siya ng matiwasay ng maka tanggap ng text mula kay Kian na magkasama na sila ni Alyssa.

Nanatili siya sa terasa at hinintay ang pag uwi ng mga ito. "Kief, huwag ka na masyadong mag alala tutal magkasama naman na sila ni Kian." Sabi ni Mozzy sa kanya katabi ang ama nito. "Nak, kung ano man yang pinagdadaanan ninyo ngayon sigurado akong malalampasan niyo rin yan." Sabi ni Bong na siyang tinanguan ni Kiefer. Kahit pa sa loob niya ay nahihirapan din siya.

"Nak, tutulungan lang namin si Luring sa kusina para maihanda ang pagkain." Paalam ni Mozzy at iniwan nila ito para mapag isa.

Matiyagang naghintay si Kiefer. Inuulit ulit niya sa isipan kung ano ang mga dapat sabihin kay Alyssa para naman kahit papano'y gumaan ang loob nito.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nang marinig nito ang pagdating ng sasakyan. Ngunit agad rin yung napawi nang makita ang isang nakayuko at malungkot na estado ni Alyssa. Handa na sana siyang sugurin ito ng yakap, yun nga lang ay naunahan na siya ni Kian nang senyasan itong huwag na lang muna niya itong lapitan. Kaya't nakuntento na lang muna si Kiefer na pagmasdan si Ayssa hanggang sa makaayat ito sa taas.

Halos sabay sabay na napatayo sina Bong, Mozzy, Kiefer, Thirdy at Dani nang makarinig sila ng mga yabag sa hagdan. Tipid at pilit na ngiti ang binigay ni Kian. Nakapagpalit na rin ito ng damit. "Kain na po muna tayo." Aya niya sa mga ito.

Nang mapansin na halos lahat ay patapos ng kumain ay binuka na ni Kian ang bibig para magkwento. Isa isa niyang tiningnan ang mga reaksyon nito, ang Kuya Kiefer niya na nakayuko at hindi na maitago ang pagtangis, ang gulat sa mga mukha ni Thirdy at Dani. Ang paghikbi ni Mozzy at ang dismayadong iling ni Bong.

"Ano ang plano mo, Kief?" Tanong ng ina nito ng unti unti ay tumahan na. "Susuportahan ko si Ly, Ma. Hanggang sa matanggap niya na ng lubusan ang lahat ng ito. Mahirap din para sa akin pero syempre wala akong pagpipilian kundi ang kailangan kong maging malakas para sa amin, sa aming apat." Sagot ni Kiefer sa basag na boses. Nag angat ng kamay si Dani. "Mag reresearch ako Manong kung paano natin mas maaalalayan si Ate Ly lalo na pag nakapanganak na siya." Tumango si Mozzy bilang pag sang-ayon.

"Isa lang sana ang hiling ko. Ang hindi mahulog si Ate sa depression. Hindi ko kakayanin na makita siyang nilalayo na naman ang sarili niya at ikulong yun sa mundo niya. Hindi ko kaya." Sabi ni Kian na umiiling. "Hindi mangyayari yan, Kian." Positibong sabi ni Bong.

++

Unti untimg binuksan ni Kiefer ang pinto ng kwarto nila, maingat na baka makagawa ng ingay at baka maistorbo niya si Alyssa. Laking gulat niya na bukas ang ilaw ng lampshade at nagsusuklay ng buhok si Alyssa kaya agad niya itong nilapitan at niyakap.

"Sorry." Sabay nilang sabi. Umiling si Alyssa kaya kinuha iyon na oportunidad ni Kiefer na makapag paliwanag. "Sorry, Mahal. Akala ko kinailangan mo lang ng space kanina kaya hindi na kita pinilit pang magsalita. Hindi ko naman inaasahan na aalis ka pala. Sorry dahil hindi ko man lang agad naisip na doon pala ang punta mo. Pakiramdam ko hindi pa pala kita lubos na kilala."

Inilagay ni Alyssa ang hintuturo sa labi ni Kiefer kaya't napatigil ito ng pagsasalita. "Hindi mo yun kasalanan. Sorry na pinagalala kita, hindi ko rin talaga plinano na umalis at magtagal, mabigat lang kasi talaga dito, Kief." Turo niya sa puso nito at napaupo na sa kama. Lumuhod si Kiefer sa harap niya at pilit na pinapatingin sa kanya. "Mahal, alam ko masakit. Nasasaktan din ako. Pero kasi ito yung binigay ng Diyos sa atin. Kaya haharapin natin ito ng magkasama. Siguro binigay niya kasi alam niyang kaya natin tong lampasan, na tatanggapin natin at mamahalin si baby kung paano siya dapat mahalin. Please, Ly huwag mo sisihin ang sarili mo."

Agad na tinuyo ni Kiefer ang mga luha ni Alyssa gamit ang hinlalaki at mabilis na pinatakan ng halik sa noo. "Hindi ba sabi ni Doc na ang cause nun ay random error in cell division? Ibig sabihin walang may gusto nun, wala sinong may kontrol nun. Kaya please, Mahal, hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo. Alam ko hindi magiging madali, pero magkasama tayo, magkakampi tayo sa lahat ng bagay, tayong dalawa, tapos andyan pa si Kian, sila Papa. Tahan na, Mahal ko." Alo nito sa nobya.

Hindi na umimik si Alyssa kaya naman nagpasya si Kiefer na ayusin na lang ang higaan nila at saka maingat na inalalayan ito.

++

Pakiramdam ni Alyssa ay napakahaba at malalim ang naging tulog niya kaya naman dinama niya ang pag iinat niya ngunit nabigla siya nang may masagi ang kamay. Bigla siyang tumalikod kay Kiefer at kinapa muna ang gilid ng mga labi pagkatapos ay sinilip ang orasan. Napasinghap siya ng makitang alas otso pasado na ng umaga.

"Kief!! Late ka na! Bumangon ka na!" Nagtaka pa siya dahil hindi naman mahirap gisingin ang isang to. Mahina niyang niyugyog ang balikat nito pero wala pa ring epekto. "Kiefer! Isa! Uy Mahal pag—" Napatili siya nang bigla siyang dambahin ng yakap nito at impit siyang natawa nang kinagat kagat ni Kiefer ang tenga niya. "Na miss ko yang tawa mo at yang pagtawag mo sa akin ng Mahal eh. Good morning, Mahal." Masayang bati nito at niyakap siya muli.

"Good Morning. Maligo ka na, Hal. Late ka na kaya talaga sa work. Go!" At mahina niyang tinulak si Kiefer para bumaba ng kama pero hindi naman ito nagpatinag. "Leave ako ngayon, Mahal. Kaya naman breakfast na tayo?" Biglang napaupo si Alyssa sa kama at pinagkrus sa dibdib ang mga braso. "Aba, kahapon half day ka, ngayon leave naman? Masyado ka atang paborito sa office. Babae ba yang boss mo ha?" Masungit na tanong nito.

Malapad na ngiti ang tugon ni Kiefer. "Uyy parang may nagseselos." Tukso niya kaya inirapan siya lalo ni Alyssa. "Unang una, lalaki ang boss ko. At tapos pangalawa nagpaalam po ako ng maayos. At ang pinakamahalaga talaga, Alyssa muna bago trabaho, bago ang kahit ano pa man." Sagot ni Kiefer at kinindatan si Alyssa.

"Daming alam. Ligo na. Gutom na ako eh." Mando ni Alyssa at umalis ng kama. "Eh di kain na lang muna kaya tayo, Mahal bago maligo." Umiling ito agad. "Baho mo, Kief. Maligo ka na." Seryoso na sabi ni Alyssa pero sa loob loob niya ay may tinatagong kilig, kaya wala ng magawa si Kiefer at pinulot na ang towel na nasa sofa.

Kakapasok pa lang ni Kiefer sa banyo nang narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya.

"Kieferrrr!"

Mabilis na pinulupot ni Kiefer ang towel sa katawan at pinuntahan si Alyssa na nakaupo pa rin sa kama.

"Mahal, bakit? Ano nangyari?" Nag aalala nitong sabi habang sinusuri ang lagay nito.

"Ang kati ng likod ko. Di ko maabot." Mangiyak ngiyak na sabi ni Alyssa kaya lihim na lang na natawa si Kiefer.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now