Chapter 27

966 64 14
                                    

Kasal

Nang makabalik sa bahay, nagpanggap si Alyssa na abala sa paghahanda sa kusina. Gustong-gusto na niyang matapos ang araw na ito. Nagaayos siya ng mga kubyertos nang dumating si Kian. Kumuha pa ito ng isang pritong manok saka tinikman. "Ate, anong meron? Daming pagkain ah." Tanong nitong may pilyong ngiti sa labi. "Tigilan mo ako, Kian." Mataray na sagot nito. Tumawa lang si Kian at nagkibit balikat.

Hindi nagtagal ay isa-isa na rin silang tumungo ng hapag kainan. Katahimikan ang naghari sa mga sandaling iyon. Inatasan ni Mozzy si Thirdy na mamuno ng dasal upang masimulan na nila ang pagkain. Nagtalo at nagtulakan pa sina Thirdy at Dani ngunit sa huli ay wala na ring nagawa si Thirdy.

Magsisimula na sana silang kumain nang may napuna si Mozzy. "Asan pala yung beef steak, nakalimutan ba natin?" Mabilis namang sumagot ang asawa nito. "Naduwal kasi si Alyssa kanina dahil sa amoy." Paliwanag niya. Nakangiting tumango si Mozzy at tiningnan si Alyssa. "Baka dahil sa sibuyas yun, anak."

Lumakas ang tibok ng puso ni Alyssa. Ang totoo'y namimiss na niyang may tumatawag sa kanyang anak. Paano nga kaya kung nabubuhay pa ang mga magulang niya. Magiliw ba nilang aasikasuhin ang mga bisita? Magiging masaya ba sila sa magiging desisyon niya?

Nagulat siya nang may bumanggang braso sa kanya. "Kief, tama na yan. Ang dami mo ng nilagay sa plato ko." Pigil niya rito. "Tubig o juice, Mahal?" Umiling lang siya, pinipigilan ang sarili na irapan ito sa harap ng mga tao. "Ate Luring, paabot naman po ako nung apple juice na nasa ref, tapos sumalo ka na rin dito." Aya ni Alyssa.

"Uhm, Ly? May iba ka bang gustong kainin? Iluluto ko para sa'yo." Tanong ni Mozzy na ikinataka niya. "Ate, ginutay-gutay mo na yang pagkain mo oh." Bulong ni Kian at nginuso ang pinggan nito. Bigla tuloy nahiya si Alyssa. "Sorry po, medyo masama lang pakiramdam ko at hindi ko po ma-pinpoint yung gusto ko talagang kainin." Palusot niya.

Wala mang gana, pinilit na lang ni Alyssa na kumain para lang makaiwas sa pakikipag-usap sa mga ito. "Kian, sino nga pala ang direct guardian niyo ng Ate mo ngayon?" Tanong ni Bong rito. Tiningnan muna ni Kian ang kapatid bago ito sumagot. "Si Uncle Art po na kapatid ni Mama at ang asawa niyang si Auntie Tarra po, bakit?"

"Para sana pormal kaming mamanhikan at hingin ang kamay ng Ate mo." Direktang sagot ni Mozzy. Inaasahan man ay hindi pa rin naiwasan ni Alyssa ang magulat at bigla pa siyang naubo. Kinuha niya ang baso ng juice saka tumayo. Bago pa ito makahakbang ay hinarap niya ang mga ito, "Wala pong kasal na magaganap." Saka siya umalis.

Napatigil ng inom si Thirdy. Nabitawan ni Dani ang hawak na tinidor. Bagsak ang balikat ni Kiefer sa narinig na paulit-ulit na nag rerewind sa utak habang napatakip naman ng bibig ang mag-asawa. Maging si Kian ay hindi makapaniwala sa naging sagot nito.

Hindi na nagdalawang isip si Bong na sundan si Alyssa habang sabay-sabay naman na umalis ng hapag sina Thirdy, Dani at Kian. Hindi malaman ni Mozzy kung paano pakakalmahin ang anak. Bakas sa mukha nito ang sakit at pagkahiya dahil sa hindi inaasahang nangyari.

"Ma, ang sakit sakit. Bakit ganun? Bakit ayaw ni Alyssa?" Tanong niya habang sapo-sapo ang ulo at itinukod ang siko sa mesa. Agad na lumipat sa tabi niya ang ina at malumanay na pinapatahan ito.

"Kief, alam mong bata pa kayo parehas ni Alyssa. At itong pagbubuntis niya, isang malaking pagbabago to hindi lang sa katawan niya kundi sa buhay niya mismo. Una di ba, hindi na niya matutuloy ang mga pangarap niya dahil haharapin niya nga itong responsibilidad na ito. So siguro hindi niya pa kaya sa ngayon ang isa pang malaking pagbabago which is ang pag-aasawa." Inabot ni Mozzy ang table napkin sa anak. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang nakita na nasaktan ito ng ganito katindi.

"Pero Ma, doon din naman ang punta namin ni Alyssa di ba?" Tumango si Mozzy. "Pero siguro anak hindi pa talaga ito yung tamang panahon. Kung kayo talaga ang para sa isa-t isa, dadating at dadating kayo sa puntong yun. Imaginine mo ito anak, umaakyat si Alyssa sa isang mataas na hagdan, patungo yun sa mga pangarap niya. Eh ang kaso may biglang dumating na bagyo, nasira un at nahila siya muli sa baba. Nung nasa baba na siya, natuklasan niya na hindi na lang pala sarili niya ang iisipin niya kundi may isang buhay pa na lumalaki sa sinapupunan niya na kailangan niyang isa alang-alang. Eh di kailangan niyang i-detour ang lahat, di ba? Lahat magbabago na, ang priorities, ang mga decision. At hindi ganun kadali tanggapin ang mga pagbabago na yun. Nakukuha mo ba ang gusto kong ipararing sa'yo, Kief?"

Tumango lang si Kiefer. Pilit na isinasautak ang mga pangaral ng ina. "Anong gagawin ko ngayon, Ma?" Tanong niya rito. Tinapik ni Mozzy ang braso ng anak. "Sa ngayon, ang pinakamagagawa mo ay samahan si Alyssa sa pagbubuntis niya. Kung ano lang ang kaya niyang ibigay sa'yo sa ngayon, Kief, kailangan mong tanggapin yun. Tandaan mo, lahat para sa baby."

"For the baby.." Ulit ni Kiefer sa sarili.

++

Ilang marahas at mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Alyssa habang naglalakad palayo sa lahat ng mga tao. Ilang beses pa ba siya bibiglain ni Kiefer. Mula pa kanina hindi na natahimik ang kalooban niya.

Napili niyang manatili sa garden. Malamig na ang pang gabing hangin kaya awtomatiko na niyakap niya ang sarili nang biglang may naglatag ng balabal sa kanyang mga balikat. "Salamat." Sabi niya ng hindi lumilingon.

Narinig niya itong ilang beses na tumikhim. "Ly, gusto ko lang sana itanong kung yung desisyon mo ba ay may kinalaman sa galit mo sa akin?" Tanong ni Bong sa kanya. Mas hinigpitan pa ni Alyssa ang pagkatali ng balabal sa may dibdib saka umupo sa garden set. "Hindi ko po alam panong nangyari pero isang araw natagpuan ko na lang ang sarili ko na wala na akong galit sa inyo."

Tipid na napangiti si Bong. "Kaya ikaw rin ang nagpayo kay Kiefer na wag siyang magtanim ng galit sa akin.. Likas ka kasing may mabuti at mapag patawad na puso Ly. At alam ko rin na magiging mabuting ina ka."

Nagkibit balikat si Alyssa. "Natatakot po ako. Akala ko matapang ako pero nakakatiklop din pala ang sitwasyon na ito. Hindi ko alam kung kaya ko bang gampanan ang maging isang ina."

"Kaya ba ayaw mong magpakasal kayo?" Tumango si Alyssa. "Nakakatakot eh at hindi pa rin talaga ako handa. Tanggap ko naman ito." Himas niya sa tiyan niya. "Pero ibang usapan na po yung kasal. Pwede bang isa-isa lang muna?"

"Naiintindihan kita Ly, pero ang dapat na gawin ngayon ay mag-usap kayo ng maayos ni Kiefer, magkapaliwanagan. Kasi lahat naman nadadaan sa usap. At nandito lang kami ng Tita Mozzy mo, handa kaming gabayan kayo."

Sabay na napalingon si Bong at Alyssa sa paparating na sina Mozzy at Kiefer. Agad na lumuhod si Kiefer sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay nito. "Sorry na, Mahal, please wag ka na magalit."

Mahinang pinisil ni Alyssa ang magkahawak nilang kamay kaya ngumiti si Kiefer. "Tara Mahal? Tutulungan na kitang mag-empake." Gulat ang rumehistro sa mukha ni Alyssa. "Ha? Bakit?"

"Uhm, kasi sa amin ka na titira?" Nag-aalangan na sagot ni Kiefer.

"Kief, it's either dito ka titira o mag kanya-kanya tayo?" Walang kurap na sagot ni Alyssa na nag panganga sa mga taong kasama niya.

xx

*30 votes before i post the next chap. X

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now