Chapter 33

961 49 10
                                    

Pansin

Tahimik silang lahat habang nagsasalo ng hapunan, maging si Kiefer ay hindi nangahas na mag-usisa pa. Kalkulado ang bawat kilos at ang tanging ingay ay nagmumula sa mga kutsara at tinidor na tumatama sa pinggan.

Tumikhim si Kian pagkatapos makainom ng tubig at nilapag muli ang baso. "Ate, bubukod lang ako, hindi pa naman ako mamamatay." Biro niya rito. Ngunit imbes na matawa ay inirapan lang siya ng kapatid.

May kung anong kinuha si Kian sa ref at inihanda iyon sa maliit na platito. Pagkatapos ay itinulak sa harap ni Alyssa. Tumaas ang sulok ng labi ni Alyssa sa nakita. Gusto niya sanang magmatigas pa pero nanghihinayang siya sa bagay na nasa harap at talaga naman naglalaway siya rito.

Nagkatinginan si Kiefer at Kian at sabay na patagong nagbilang sa daliri, "3, 2, 1" at sabay na ngumiti sa sunod na nasaksihan. "Alam mo talaga kung anong isusuhol sa akin ha!" Irap niya rito at sabay na sinunggaban ang frozen brazo. Magana at masarap ang kain ni Alyssa kaya hinayaan na muna nila ito. Nang makuntento ay walang imik siyang tumayo.

Piniling maupo ni Alyssa sa mahabang sofa. Hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kanya si Kiefer. Lumapit ito at hinalikan siya sa noo. "Mahal, si baby ha. Relax ka lang. Magpapahangin lang ako sa labas. Usap muna kayo." Bilin ni Kiefer at aalis na sana nang bigla siyang pinigilan sa kamay nito. "Mahal, pamilya ka na. So please stay." Sabi ni Alyssa kaya tinabihan na siya nito.

Nang papalapit si Kian, kinuha ni Alyssa ang isang throw pillow saka pinatong sa binti niya. Tinapik niya iyon ng dalawang beses at malugod namang lumapit si Kian. Inihiga ni Kian ang ulo niya sa hita ni Alyssa. Nakasanayan kasi nila iyon mula noong maliliit pa sila. Napangiti si Kiefer, natutuwa sa closeness ng dalawa.

Mahinang sinuklay ni Alyssa ang buhok ng kapatid gamit ang mga daliri. "Kailangan mo ba talagang bumukod?" Tanong niya na umaasang magpapalit ang isip nito. "Ate, magsisimula na kasi ang OJT namin sa hospital. Madugo yung schedule kaya mas mainam na sa mas malapit na talaga yung titirahan ko. Tipid sa gas at oras ng byahe."

Napatahimik si Alyssa ng ilang sandali. Mahina siyang siniko ni Kiefer at nginuso si Kian. "Parang hindi na yata talaga kita mapipigilan kung ganun. Eh kaya mo ba mag-isa ha? O kukunan na lang kaya kita ng kasambahay?" Suhestyon niya kaya agad na napaupo si Kian. "Ate Ly naman, ano ako highschool?" Napakamot sa ulo niyang sabi kaya hindi napigilan ni Alyssa ang matawa.

Inihilig ni Alyssa ang ulo sa balikat ni Kian at kinulong ang braso niya rito. "Basta pag bakante ka, bumisita ka dito ha? O kaya ako pupunta dun, yung hindi mo alam para malaman ko kung may kalokohan ka. Baka nakakalimutan mo may susi din ako ng condo." Babala niya rito. Napailing na lang si Kian. "Kuya Kief, ikaw na bahala dito kay Ate ha. Sakyan mo na lang topak nito tapos pagkanagtampo at nagmatigas, alam mo na weakness niya. Pagkain lang lalambot din yan." Bilin niya rito.

Pabirong tinulak ni Alyssa ang kapatid. "Wow ha kung mag-usap kayo parang wala ako rito ano?Medyo nahiya naman ako." Lokong biro nito.

"Halika nga rito." Sabi niya kay Kian at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. "Mamimiss kita eh."

++

Ramdam ni Kiefer ang pangungulila ni Alyssa sa kapatid. Sa unang linggo pagkatapos nito umalis ay madalas niyang nakikitang napapatulala na lang ng bigla si Alyssa. Hindi niya naman ito masisi dahil 22 taon din silang magkasama at halos ay magkadikit na. Kaya kahit gaano pa kaabala si Kiefer sa bago niyang trabaho ay pinipilit niya pa ring magkaroon ng mahaba-habang oras kasama ito. Madalas may dala siyang kung anong matamis na pagkain na mga paborito nito. O hindi kaya minsan ay sinusubukan niyang siya na mismo ang magluto at maghanda ng hapunan nila.

"Mahal, okay lang bang mag mall ako bukas? Gusto ko na magpagupit eh." Paalam ni Alyssa habang nasa sala sila. "Oo naman, Mahal. Iwan ko ba ang kotse o antayin mo na lang akong makauwi galing ng trabaho?" Sumandal ng maayos si Alyssa sa gilid ng sofa kaya't kinuha ni Kiefer ang mga binti nito at mahinang minasahe yun.

"Eh pasado alas singko ka pa makakauwi nun, Hal. What if kita na lang tayo sa mall, magtataxi na lang ako.. Grab para mas safe." Pahabol nito dahil alam niyang po-protesta na naman ito sa ideyang mag co-commute siya. Sandaling nag-isip si Kiefer ngunit kalauna'y pumayag naman. "Basta, itext mo ako agad. Tapos sa labas na rin tayo mag dinner, first pay day ko yun, Hal."

Saktong alas kwatro nang makarating si Alyssa sa salon ng isang sikat na mall. Yun nga lang ay nawala sa isip niya ang mag pa-appointment kaya naman kailangan niya tuloy maghintay pa na magkaroon ng bakante. Halos labing limang minuto pa siya nag hintay. Kaya ng sa wakas ay makaupo, sinabihan niya lang ang stylist sa gusto niya. Hot oil at bawasan ng apat na pulgada ang buhok niya. Tapos ay manicure at pedicure.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay ramdam na niya ang pagbigat ng talukap. Ni hindi niya na napansin ang ilang tawag ni Kiefer sa cellphone nito.

Palinga-linga si Kiefer nang makapasok sa salon. Napailing na lang siya nang makitang nakatulog na si Alyssa habang nililinisan ang mga kuko. Hindi na nga naramdaman na nahulog na rin ang hawak nitong shoulder bag. "Miss, kunin ko lang." Sabi ni Kiefer sa nag-aasikaso kay Alyssa na halata ang pagdududa ng tumingin sa kanya. "Girlfriend ko." Paliwanag niya.

Nang hindi pa rin kumbinsido ang babae ay agad na kinuha ni Kiefer ang cellphone at pinakita ang pictures nila ni Alyssa. "Ay sorry po Sir." At inabot rito ang bag na nalaglag. "Pwede po kayong maghintay diyan." Sabi ng babae at itinuro ang sofa sa may likuran lang ni Alyssa.

"Ah, Sir?" May pag-alinlangang sabi nito. "Hindi po kasi nasabi ni Ma'am ang gusto niyang kulay dahil nakatulog na. Gisingin ko po ba?" Mabilis na umiling si Kiefer at siya na mismo ang pumili ng nail polish. Huwag lang sana kumontra si buntis mamaya.

Malayang pinagmasdan ni Kiefer ang natutulog na pigura ni Alyssa. Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito. Sakto lang ang hapit ng suot nitong dress pero talagang mapapansin na ang umbok nito. Napaisip tuloy si Kiefer. Alam niyang saktong dalawang buwan ang tiyan ni Alyssa sa araw na iyon. Ngunit may napansin siyang parang iba. Bakit parang...

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now