I finished cooking when I suddenly heard my phone ringing. Kinuha ko iyon saka sinagot ang tawag habang sinasalin sa lalagyanan ang fried rice.

"Saan ka na? Our class will start momentarily! Jesus! Wala ka naman doon sa dorm mo! Saan ka ba nagpupunta?!" I quickly turned that off. Sinalin ko na lang iyon saka madaliang nagpaalam kay Gab habang naliligo pa ito. Nagmamadali akong bumaba at hindi na hinintay ang magiging sagot niya.

I just don't want to have an absence today in our class. Kung bakit kasi naengganyo akong uminom kagabi?!

Shocks. May pasok pala kami ngayon! At nakalimutan ko iyong dapat kong gawin kahapon dahil sa date na iyon! I should've not let myself slept here. Saka ilang minuto na lang ay start na ng class namin!

I ran as fast as I could. Punuan pa iyong jeep kaya natagalan ako sa paghihintay bago makasabay.

Ni hindi pa ako nakaligo at hindi nakaayos ng sarili tapos iyong mga kasakay ko ay pormadong pormado. Parang hindi ako belong tuloy.

Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo saka pag-aayos. Halos hindi na ako nakalakad ng maayos sa sobrang pagmamadali.

Nagsisimula na ang  klase nang makarating ako. Good thing Chesca did an alibi to save me. Napaniwala naman iyong teacher namin kaya pinagbigyan ako.

"Night out ka 'no?"

"Ano? Hindi. May pinuntahan lang kagabi."

"Tapos hindi nakauwi? Naku, gawain ko iyan noon. Baka naman... sumusunod ka sa yapak ko?"

"Tumigil ka nga. Hindi ako nag-night out. Nalasing lang kaya late ang gising."

She acted surprised and keep shaking my shoulder. Napareklamo ako pero hindi na naman ako tinigilan.

"Shit. Ang tagal kong gustong marinig 'yan sa'yo! Thank you! Sa wakas natuto ka na! Hindi ka na nerd niyan!" I rolled my eyes as I drank water. Hiningal ako sa lakad takbo kong ginawa kanina.

Talaga bang achievement para sa iba na makarinig ng panibagong nangyari sa iisang tao? Lalo na kung hindi naman niya nature iyon? Bakit sa lahat naman yata ng nalasing, eh sa akin natuwa ito?

"Napasobra lang ng inom. Hindi naman na bago sa akin iyon. And don't act like you're really surprised."

"Alam mo bang pinagtanggol kita kanina pa dito, ha? Nagmakaawa ako kay Sir na huwag munang mag-start ng class dahil hindi pa tayo kumpleto tapos ganyan ka? A big no no for you, Aria."

Umiling ako saka nagpakawala ng buntong hininga. Talagang kahit nagkaklase ay hindi maawat ang bunganga niya.

"Okay. Salamat. Mamaya ko na lang ikwento sa'yo," huli kong sabi bago tuluyang nakinig.

Medyo hilo pa ako pero hindi naman na tulad ng kagabi. For now, it's just a bit of dizziness. Hindi naman na pasuray suray ako.

Our class went smoothly. Dalawang oras iyon kaya medyo humihikab ako, patago nga lang dahil ayoko namang makuhanan ng stolen dito.

Sa group chat kasi ay minsan na ako nakakita ng epic na picture kaya simula noon ay nag-iingat na ako sa mga nagiging galaw ko. Mabibilis ang kamay ng mga kaklase ko kaya automatic send sa group chat kaagad iyong mga naaktuhan.

Mga isip bata kahit malalaki na. Buti hindi ako nagagawang pagtripan.

Kinuwento ko lahat sa kanya. Walang kulang kaya halos maglupasay siya sa sobrang kilig. Another achievement ko na naman daw iyon. As if that would give me an award.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now