"Hayaan mo na, Liliana. Nakakamiss rin kasing mamili ng damit ng bata..." sabi niya at pinakita kay Kaia ang mga gamit na pinamili niya.

Mukhang lalaki nga talagang spoiled itong si Kaia sa amin. Paano pa kaya kung nakilala niya ang Tatay niya? Isa pa 'yon! Kung si Theo nga, spoiled sa kanya, paano pa kaya sa sarili niyang anak?

Tuwang-tuwa si Kaia na tinitingnan ang mga pinamili ng Mama Lola niya. Bumalik ako sa kwarto para ayusin ang natitira naming gamit. Paano kaya aayusin ni Mama 'yong mga bago niyang pinamili?

Mga gabi na nung nakarating na kami sa Pilipinas. Buong flight ay hindi mapakali si Kaia, siguro dahil sinabi ko sa kanya na pupuntahan namin ang Daddy niya. She's always been excited and hyped to meet him. Panigurado iiyak siya pag nagkita na sila. 

"Ate!" bati ni Theo. Fourteen na siya ngayon at nasa high school na. Nagbibinata na rin. Mukhang may girlfriend na rin ata.

Kinusot ni Kaia ang mga mata niya, bago nakangiting tumakbo kay Theo. Napangiti si Theo at binuhat ito.

"Kaia! How's my favorite niece?" 

"I'm fine, Tito!" bungisngis ni Kaia.

Lumabas mula sa kusina si Tito Remy kaya nagliwanag ang mga mata ni Kaia. Isa pa 'tong si Tito Remy! 

"Daddy Lo!" she cheered.

Nakangiting binuhat ni Tito Remy si Kaia mula kay Theo. Tumawa si Kaia at niyakap ito. Kinuha niya rin ang kamay ni Tito Remy para magmano.

"Kamusta ang paborito kong apo?" 

Kumunot ang noo ni Kaia. Hindi kase siya nakakaintindi ng tagalog.

"What?" tugon niya kay Tito. 

"Englishin mo, Jeremy." natatawang sabi ni Mama.

Tumawa si Tito Remy. "Oo nga pala!" 

Dahil gutom na rin si Kaia ay kumain na kami. For a four year old, she already seemed smart and independent. Pinipilit pa niya sa akin na big girl na daw siya at kaya niya na daw kumain mag-isa. Hinahayaan ko nalang siya, paminsan-minsan. 

"Good evening!"

My eyes widened when I saw my best friend. She had her old brown hair back, it reached until her waist, a little wavy at the ends. She's wearing a sleeveless blush pink dress and silver heels, her face doesn't have any makeup but she still looks gorgeous as always! 

"Emma!" mabilis kong yakap sa kanya. Namiss ko siya ng sobra!

She giggled and hugged me tight. Gumanda siya lalo! Parang hindi siya tumatanda at paganda ng paganda kada taon!

"Blooming ka ah?" I teased. 

She laughed. "Siyempre, lagi naman talaga akong blooming, duh?"

Kumalas siya sa yakap at napatingin kina Mama. Emma cleared her throat and smiled. Her dimples flushed a bit, and waved at them. 

"Good evening po!" she greeted awkwardly.

Tumango sila bilang tugon. Napunta ang tingin niya kay Kaia na kuryosong nakatingin sa kanya.

She gasped. "Eto na ba ang inaanak slash pamangkin ko?" 

Ngumiti ako. Kaia looked at me with her confused eyes. 

"Kaia, greet your ninang..." utos ko sa anak. 

She looked at me first as confirmation before smiling sweetly at Emma.

"Hello! I'm Kaia Maxene Dela Fuentes!" bati niya at kinuha ang kamay ni Emma para magmano.

"Oh my, she's too cute!" tili ni Emma.

Rule #1: Rule of FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora