"Pwede bang ipagpabukas mo na lang? Saturday naman eh bukas e tara na!" pagpupumilit ko.

Napakademonyo kong kaibigan. Eh paano ba naman kasi, sobrang subsob nila sa ginagawa. Ni hindi ko na nga ata silang nakitang tumayo diyan sa harap ng drafting table e. They need to rest, please lang.

"Hindi talaga kaya, you guys should go. I-take out n'yo na lang ako."

"Sigurado ka?" paninigurado ko at tumango naman siya.

Pagkatapos naming kumain ay nag-prepare na kaming dalawa ni Eka habang si Lene ay sinisimulan nang gawin ang plates nito.

Maya maya pa ay natapos na si Eka kaya umalis na kami. I even sent Hayes a text na umalis kami. Si Eka na ang nagbayad ng pamasahe namin dahil sisimutin naman daw niya mamaya ang laman ng wallet ko. Naglibot libot muna kami sa mall at bumili naman si Eka ng ilang school supplies sa National Bookstore.

"Abes is always in Manila. What is he doing there?" Tanong ni Eka.

Nagkibat balikat ako. "Nakita ko kanina a."

"Yeah, I saw him too pero bumalik agad sa Manila sabi ni Migo. Family business daw pero baka ibang business na ang tinatrabaho."

"I bet may kinikita siya ro'n."

I smiled. "Abes is not into girls, Eka."

Ang daming babae ang nagpapakita ng motibo kay Abes pero ML is life ang isang iyon. Sa skin niya na lang daw muna uubusin ang pera niya kaysa sa dates.

She pushed the cart. "You'll never know."

Nang mapagod na kami ni Eka ay napagdesisyunan namin na sa Antonio's Restaurant na lang kumain.

"Hi, ma'am! Good afternoon po! Welcome po sa Antonio's Restaurant!" bati agad ng waiter sa gilid namin.

"Huy, anong sa'yo?" tanong ko kay Eka.

"I think I'll just order spicy chicken steak with rice and mango shake. Samahan mo na rin ng isang slice ng red velvet cake," saad ni Eka sa waiter.

"Yung akin Miss, aussie beef burger, 'yung double patty, buttered chicken, pasta, iced tea and one mashed potato."

Inulit ng waiter ang order naming dalawa bago pumunta sa counter. Agad naming nilantakan iyon, it serves as our lunch. We talked a lot about school stuffs. Naging bonding na rin namin ito ni Eka dahil hindi na kami madalas magkasama nitong nakaraan.

"Anong balita do'n sa taga-UP mong manliligaw?" tanong ko.

Sinamaan ako nito ng tingin. "He is not courting me."

I mocked her. "Sus, nahiya pa."

Eka rolled here eyes. "Unfortunately, yes. Why are we talking him by the way? Kumusta kayo ni River?"

Napangiwi ako sa biglaan niyang pagbago ng topic. Ayaw niya talagang pag-usapan ang manliligaw, hmp.

"Ayos lang."

"Psh. Ayaw mag-share! Eh mabuti kanina hindi na naman sila nagpang-abot ni Anton?"

"I told him to just let it slide. Si Abes lang naman ang ayaw paawat."

Eka chuckled. "Ah that guy. So protective."

"Kahit naman sa ating tatlong babae e."

"Yup. Abes being Abes."

"Swerte ng magiging girlfriend nun."

Eka rolled her eyes. "Wala naman atang panahon iyon sa mga ganun. Tamo, third year na sila wala man lang nalink na isang babae sa kaniya diba."

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Where stories live. Discover now