10

17.9K 412 62
                                    

Lose

Ilang araw ang lumipas ay nagsimula na ang Christmas at New year's break. Magmula nang matapos ang pagpunta namin sa Old Kano Farm ay hindi na ako nakatanggap ng anumang balita sa kay River. Kahit sa school ay hindi ko ito namataan.

"Skype na lang a!" sabi ni Eka.

Mamayang hapon ay uuwi na kaming tatlo nila Lene at Migo sa Maglabe. Si Abes naman ay luluwas ng Maynila while Eka, she's preparing now dahil ngayong umaga ang alis papuntang Baguio. Si Hugo ay uuwi ata sa bahay nila. Diyan lang naman iyon sa kabilang bayan. Minsanan lang kaming magawi roon dahil takot nga kami sa kay Tito Antonio. Hindi nalalayo kay Don Nicholas na halimaw din pagdating sa usapang negosyo. Patayan kung patayan talaga. Pera kung pera. Diskarte kung diskarte.

Nilalagay na niya sa maleta ang mga gamit. "Enjoy your break guys."

My friends didn't knew that I was in a group work with River. Mainam na rin iyon.

When Eka left the apartment, we used the remaining time to at least clean the apartment. Mga 2pm ay natapos kami ni Lene then nag-shower na. Hindi rin nagtagal ay kinatok na kami ni Migo, nagulat pa'ko na kasama niya si Abes at Hugo.

"Good morning!" Bati ni Hugo.

Himala wala silang Summer Training ngayon?

"As if good ang morning ko gayong nakita kita," sabi naman ni Lene.

"Bakit ka nandito?" I asked Abes.

"Wow goodmorning?" He said. "Bawal bang sulyapin ko kayo ha bago kayo maging pariwara?"

"Sabagay, maganda nga naman talaga kami sa umaga."

"Umaga lang." Habol niya pa.

Inambahan ko siya ulit. Nagtago lang ito sa likod ni Migo.

"Commute ba tayo?" Lene asked Migo.

"Pwede ring lumipad kung kaya mo," pabalang niyang sagot.

Napailing ako. Napakatino talaga kausap. Well, ano pa bang aasahan ko at hindi pa ako nasanay? High school pa lang ay ganiyan na iyang si Migo e. Tumino lang noon dahil sa crush niya pero biglang loko rin kalaunan.

"Taray taray, Lene. Akala mo naman ikinaganda mo 'yan," dagdag pa ni Abes.

"Iuwi niyo nga iyan! Bakit kasi nandito e 'di naman welcome?" Si Lene, naiinis na naman kay Abes.

Kahit kailan talaga ay walang ginawa ang tatlong 'to kung hindi ang manira ng araw. Kinuha nilang dalawa ang maleta namin ni Lene at ipinasok iyon sa loob ng isang sasakyan, pagmamay-ari iyon ni Elene.

"Kailan mo nakuha ang sasakyan mo?" Tanong ko.

"Kahapon lang. Ang bongga diba!"

"Ang ganda nga ng sasakyan! Ewan ko na lang iyong may-ari!"

"Pabibo 'yung isa diyan."

"Pa-ban ko iyang sasakyan mo tamo nga, negosyo ko pa iyan o!" Turo ni Abes sa sasakyan ni Lene, may tatak SYS.

"Pa-ban mo. Power abuser!"

Umupo kaming dalawa ni Lene sa backseat , ibinaba namin ang bintana ng kotse para makapagpaalam kina Abes at Hugo.

"Bro, alis na kami!" paalam ni Migo. Driver namin.

"Sige pards, 'wag na kayong babalik ah? Lalo ka na." Turo ni Abes kay Lene.

"Oh really? Baka mamaya ikaw ang hindi na makabalik dito," mataray na sagot pabalik ni Lene.

"Sus, baka nga umiyak ka pa 'pag nangyari 'yon. Wala ka ng gwapong kaibigan," biro naman ni Hugo.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Where stories live. Discover now