Humigop muna si Abes sa flavored drink na dala nito bago sinagot si Hayes. "Ang kolet ng Anton na 'yon, pre. Dapat ay tinuluyan mo na, e."

"Abes," pagpuna ni Lene ulit.

"Ano? Eh tarantado naman talaga 'yung taong 'yon. Ano kamo ulit ang dahilan niya? Lasing siya? Sad manipulative boy ampota."

Hayes gazed at me.

"Wala. Gusto niya lang akong kausapin." sabat ko.

"Layuan mo ang lalaking 'yon, Layana. Sinasabi ko sa'yo kapag hindi ako nakapagtimpi, ako papatol do'n," galit na sabi ni Abes.

I know that they are being protective of us, most specially si Abes but I somehow felt bad for Anton. Bali-balita ko rin ay lagi na itong bangko kapag may laban sila ng basketball nila Hugo.

"Kalimutan na lang natin iyong nangyari," pakiusap ko. Naging kaibigan ko rin kasi iyong si Anton.

Sarkastiskong tumawa si Abes. "Anong forget forget? Hahaha ulol niya! Hanggang mamatay ako, galit ako do'n." 

"Chill, okay!?" si Lene. 

"Let's go," bulong sa akin ni Hayes. Nakita kong nagpalitan sila ng tango ni Abes. Nagbaba naman ng tingin si Abes sa pulsuhan ko na hawak na ngayon si Hayes. 

"Abes, no fights please." Ani ko.

Inirapan niya lang ako bago kami iniwan ni Hayes. Sumunod si Lene kay Abes.

Pinili kong hindi naman sabayan ang lakad ni Hayes dahil maging siya ay ramdam ko inis nito. Napahinto lang ako nang mapahinto rin si Hayes, nabunggo pa ang noo ko sa kaniyang likod.

Humarap ito sa akin. I looked down. "He just...approached me."

"Hmmm."

"And then he apologized."

"You accept it?"

Hindi ako sumagot.

"His reason won't justify his acts, Layana."

"I know."

"Look at me." I slowly lifted my head. He put his both hands on his knees and bend a bit to level our eyes. "I know that he is your friend or you know, former org I don't care."

I was just there, standing. Listening.

"But I really can't stay still for the way he acts."

"I understand."

"Anong hindi niya naintindihan sa Five Meter Rule." Bulong niya. "Bobo."

Kahit si Abes ay ganiyan ang reaksyon e. Galit din si Hayes pero hindi vocal. Ibang iba kay Abes na halos manggalaiti na sa kaluluwa ni Anton.

Huminga muna ito nang malalim bago kinuha mula sa mga kamay ko ang ilang bitbit kong mga libro.

"Oh, my Jo. I'm sorry for nagging you. How's your sleep?" He said and hugged me. He even swayed me.

Hayes never failed to check up on me. To pursue me. Despite his busy schedule, he still make time. Minsan lang kami sa isang linggo magkita pero sinusulit niya kapag nagkaroon kami ng pagkakataon. He even helped me in my floral shop. Kahit sa mga deliveries ay siya na nag-p-prisinta na maghatid. Everything is going smoothly.  I felt like I'm on a cloud nine.

"Kain tayo sa labas! Treat ko!" Pagyaya ko kina Lene at Eka matapos ang klase. We're here in our favorite spot near the Main Canteen.  May gazebo kasi  dito.

"Huy, go ako! Para man lang makapagliwaliw tayo saglit. Ang hectic ng schedule natin nitong mga nakaraan," pag-sang ayon ni Eka.

"I badly want to go but I have plates to do," ngumuso si Lene.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)On viuen les histories. Descobreix ara