Prologue

27 3 0
                                    

Wala akong ibang ginawa buong araw kundi palibot-libot lang sa bagong bahay nina Andrea at Luke.

Andrea Mendez is my bestfriend since elementary years pa namin. Tinuring namin ang isa't-isa na magkapatid kasi pareho kaming only child. Mag-isa lang si Andrea at ako naman ay nabubuhay kasama ang aking lola.

Nandito ako para i-check kung wala na bang kulang o mali. Dito kasi nila napiling gaganapin ang reception sa bagong bahay nila.

Ewan ko lang sa bessy kong 'yon kung bakit ako ang pinagkatiwalaan n'ya sa mga ganito. May kaalaman ako rito at may mga professional naman akong kasama so okay lang sa akin.

Bukas na ang kasal and I'm so happy for her.

"Gurl, anong iniisip mo?" di ko napansin na andito na pala si Andrea.

"At anong ginagawa ng isang magandang bessy ko dito?" malambing kong sabi sa kanya.

"Visiting you, of course. Ano pa ba? Na-miss kasi kita. Busy tayo pareho eh" tinaas ko lang ang kilay ko.

Naglalambing na naman 'tong si Andrea. Alam kong maraming magbabago pag ikinasal na s'ya. Hindi na katulad nung hindi ka pa nakatali. Malaya ka pang gawin ang lahat.

Naluluha akong tumingin sa kanya. "I'm so happy for you Andy." habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit.

Wala akong naririnig sa kanya. We're both crying. Ganito ang drama namin. Haha

"Masaya ka ba talaga, Alezandra Loviel? Kahit nakangiti ka pa sa'kin alam kong hindi totoo 'yan. Kaya ayaw ko pang magpakasal eh. I want to be with you until magiging okay ka na."

"I'm sorry, Andy. Sorry kong minsan ang selfish ko na. But totoo, masaya ako para sa'yo. Wag mo na akong intindihin kasi masaya na ako even if may kulang. I have him too, so don't worry, okay?"

Alam kong hindi sya kumbensido sa mga pinagsasabi ko. She knows me well. Kailangan ko lang tatagan ang sarili ko.

"Fine! Oh andito na pala ang sundo mo, Alezandra. Haha"

Problema nang babaeng to sa'kin? Kanina pa n'ya akong tinatawag sa buong pangalan ko. Eh pwede namang Ally. Tsk!

"Let's go hon. I missed you," he said while hugging me tight.

One week kasi kaming di nagkita kasi busy rin s'ya sa hospital na kanyang pinagta-trabahuan. He's a nurse there.

"Hon, wait for me here. I'll just get the car. " sabay turo nya sa garage.

Hinintay ko na lang s'ya dito sa may swing kasi pagod na rin ako sa kakalakad dahil sa takong ko. Sana nag shoes na lang ako para naman kumportable akong maglakad.

Nakatingin lang ako sa labas ng biglang may nahagip ang mata ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nahihirapan na akong huminga. Nasa kabilang kalsada ito habang nakatingin din sa akin.

I know that guy. Hindi ako pwedeng magkakamali.

Dali-dali akong tumayo at patakbo akong pumunta sa may gate nang may humarang na sasakyan.

"Hey hon, what's wrong? May problema ba?"

Hindi ko na lang s'ya pinansin at binalik ang tingin ko sa may kalsada pero wala na ang taong nakatayo roon.

No, it can't be. Totoo s'ya at hindi ako namamalik mata. Gusto kong tumakbo at pumunta roon para manigurado pero bigla na namang may pumigil sa akin.

" Zandra, I'm talking to you? And why are you crying?" nalilitong sabi pa nito.

Di ko nalalamang umiyak na pala ako.

"I'm sorry. I'm just tired. Let's just go."

Hindi na rin s'ya nagtatanong sa akin. Alam n'ya sigurong pagod ako. Pinikit ko lang ang aking mga mata para hindi matulog kundi isiping muli yung nakita ko kanina.

Alam ko sa sarili ko na totoo talaga s'ya. Kahit malayo alam ko s'ya 'yon.

Pero bakit? Matagal na s'yang patay.

Sa sobrang pagod at kakaisip ko siguro ay nakatulog na ako at nagising na lang ako nang may humalik sa aking labi. Nagiging malalim na ang halik na iyon at hindi ko gusto.

Inilayo ko na ang mukha ko sa kanya.

"Andito na pala tayo." Sabi ko na hindi binibigyang pansin ang halik n'ya.

Hinalikan na naman n'ya ang labi ko pero binuksan ko na ang pintuan. "Papasok na ako hon, salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi mo. Love you!"

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Nagmamadali akong pumasok sa gate.

Hindi ko napansin na lumabas siya ng sasakyan at sumunod sa akin.

"May problema ba tayo, Zandra?" nagiging mahigpit yung hawak n'ya sa braso ko. Natakot ako bigla ewan ko ba.

"Wala naman hon. Bakit may problema ba tayo?" hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan ako.

Two years na kaming mag-syota pero ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Dahil ba ito sa taong nakita ko kanina? Pero hindi dapat ako nagkakaganito. Mali to eh.

"You did not respond to my kisses. Parang bigla kang nagiging cold sa akin. Hindi mo man lang ako in-invite papasok sa bahay mo." parang batang sabi nito.

Natawa na lang ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng awa. Ang unfair ko atang tao. Alam ko namang pagod s'ya at galing pa sa trabaho pero ito sinusundo pa n'ya ako.

Nasira kasi ang sasakyan ko kaya tinawagan n'ya ako kanina na susunduin na lang n'ya ako para naman daw magkita kami.

Pinilit ko munang isantabi 'yong nakita ko kanina. Masaya na ako sa buhay ko at mahal ko ang taong nasa harapan ko ngayon.

"I'm sorry babe, pagod lang siguro ako. Sorry talaga." sincere na sabi ko sa taong mahal ko.

" Nah! Just kiss me then I'll be the happiest man alive." At ayon ginawa ko na ang gusto nya.

Habang tumatagal mas naging malalim at mapusok ang halik naming dalawa. Hindi ko nga napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng bahay.

Kinakaban ma'y patuloy pa rin kaming dalawa. How I missed this kind of feeling. Excited ako na kinakabahan.

Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na ginawa ko to. "Hon, I'm now ready. Hindi ko na ipagkait sa'yo ang matagal mong gusto. I know sobra ang respeto mo sa akin dahil sa tagal ba nating magkasama hindi mo ako pinilit na gawin natin" sabi ko na na lang sa isip ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. I love this man at simula ngayon ay ipapaubaya ko na ang aking sarili sa kanya.

Huhubarin na sana n'ya ang aking damit nang biglang may nagdoor bell.

Dali-dali kong inayos ang aking sarili.

"Wait babe, titignan ko lang sa labas kung sino ang taong panira na 'to" natatawa pa n'yang sabi. Haha

Bwesit na lalaking 'to. Alam kong nabitin s'ya. Nabitin din naman ako ah. Panira talaga oh. Kung kailan na ako handa saka pa naman may mangdisturbo.

Nagbihis agad ako sa kwarto. White T-shirt at pajama lang ang soot ko. Ang sarap sa pakiramdam pag nakapambahay ka lang.

"Sinong nag door bell, hon?" tanong ko nung pumasok sya.

"Walang tao babe. Siguro mga bata lang na napadaan." pero weird, ngayon lang to nangyari eh.

"Maglulto muna ako ah. Dito ka na kumain."

"Sorry hon, but tumawag kasi ang hospital. Kailangan ako ro'n eh. Di bale, babawi ako. I love you" hinalikan n'ya ko sa pisngi at lumabas na sa bahay.

Hindi ko na s'ya hinatid sa labas kasi nga baka daw malamigan ako. Ang nipis pa daw ba naman ng soot kong damit. Hanggang sa may pintuan lang ako hanggang sa makaalis na ang kanyang sasakyan.

Isasarado ko na sana ang pintuan nang may tao akong nakita sa labas pero nawala naman agad. Hindi kaya minumulto ako? Wag naman po sana Lord. Natatakot pa rin ako sa multo sa tanda kong to. Ni-lock ko na agad ang pinto at sinirado ko na ang mga bintana kasi nakakatakot na.

Siguro ang nakita ko kanina ay dahil lamang sa pagod. Kinalimutan ko nalang dahil ayaw kong ma i-stress. Kasal na bukas ni Andrea at maid of honor n'ya ako.

FOUND YOUWhere stories live. Discover now