27: Papa

22 1 0
                                    

27: Papa

Third Year College

Sobrang excited akong umuwi kaya pagkatapos na pagkatapos ng exams namin babyahe na agad ako pa-Baguio.

Kahit na nagyayayang lumabas sila Steph, mabilis akong bumalik sa dorm. Naglinis ako ng kaunti bago naligo. Habang nagbibihis ako, biglang tumawag si Ninang Tessie.

"Hello po, Ninang." Kumaway ako sa screen ng phone ko. Namumula yung mata ni ninang. Parang kakatapos niya lang umiyak. "Okay lang po ba kayo? Bakit namamaga yung mata niyo?"

"'Nak? Nasan ka?"

"Nasa dorm po." sagot ko. Bigla akong kinabahan.

"Hintayin mo si Issa ha.. Sabay na kayong umakyat dito. Natawagan ko na siya."

"Po?"

"Icay, si papa mo."

"Ano pong nangyari kay papa?"

"Wala na si papa mo, Icay."

Nabitawan ko yung phone sa sinabi niya. Narinig ko siyang humagulgol bago nabalot ng katahimikan yung kwarto.

Nanghina ako. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Bumagsak na lang ang katawan ko sa sahig. Nagsimulang tumulo ang luha ko. 'Ni hindi ko magawang punasan dahil hindi ako makagalaw.

I was in shock. I sat there frozen with tears running down my cheeks.

Bangungot lang ito. Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko. Imposibleng wala na si papa. Magkausap lang kami kagabi e. Susunduin niya pa nga ako kasi gabi na dating ko sa Baguio.

Hindi ko alam kung gaano katagal na umiiyak sa kwarto. Nang dumating si Issa, nakasandal lang ako sa dingding habang nakayuko at yakap yung mga binti ko.

Tinawag niya ang pangalan ko. Tumingala ako para makita siya. Namumula rin yung mga mata niya. Hindi ako nananaginip. Totoo nga. Wala na nga si papa.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Kuya Derek, panay pa rin ang iyak ko. Hindi ko mapigilan. Hinayaan lang ako ni Ate Issa doon sa likod ng sasakyan.

Ilang araw nang hindi nagsasalita si mama. Hindi siya natutulog at kumakain. Nasa tabi lang siya ni papa araw gabi. Sabi ng mga tita ko, hayaan na lang muna raw siya.

Dahil ganun ang estado ni mama, ako ang humaharap sa mga tao. Wala namang ibang aasahan si mama kung hindi ako lang. Ako ang nag-aasikaso sa mga kailangan at dapat gawin. Mabuti na lang at nandiyan si Ninang Tessie tsaka mga tita at tito ko.

Hindi nauubusan ng tao sa burol ni papa. Yung mga katrabaho at kaibigan niya halos araw-araw na nandun para tumulong. Lagi silang nagku-kwento kung gaano kabait si papa. Kung gaano karami yung mga taong natulungan niya. Kung gaano siya katapang kaya siya mismo humarap sa mga kriminal na kinuha ang buhay niya sa isang bala lang.

Isang beses ko lang narinig yung istorya kung paano namatay si papa. Hindi ko kayang marinig muli. Parang nadudurog yung puso.

Habang nasa kusina ako nung chapel, tinawag ako nung isa kong pinsan. May naghahanap daw sa akin sa labas. Naisip ko baka isa sa mga kaibigan ni papa kaya agad akong lumabas.

Napahinto ako sa pagalalakad nang makita ko si Caeus. Nang magtama ang mga mata namin, mabilis siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.

Hindi ako makagalaw. Para akong nanigas sa kintatayuan ko. Hindi ko magawang suklian yung yakap niya. Hanggang sa tumulo nang walang tigil ang mga luha ko, nakatayo lang kami doon.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now