XVII - A team

Magsimula sa umpisa
                                    

''Bagong kalaro?'' Natutuwang sabi nito at pumapalakpak!

''Anong pangalan mo?'' Tanong nito kay Nasqued.

''Layuan mo ko!'' Sigaw ni Nasqued dito.

''Ako si Chelsea!'' Pagpapakilala nung babae ngayon!

''Layuan mo sabi ako!'' Sigaw ni Nasqued!

''Bat ba ayaw mo magpakilala? Ibubuka mo lang yung bibig mo!'' Sigaw ni Chelsea!

''A-ako si Nasqued.'' Pagpapakilala ni Nasqued na ikinagulat ko!

''Very good.'' Sabi ni Chelsea.

''Matutuwa si Pinuno pag nakita nya si... Nasqued.'' Sabi pa ni Chelsea at umalis na habangtumatalon-talon. Gayon din yung mga halimaw kasama si Nasqued.

''Ano ng plano?'' Tanong ni Meridette.

''Kami na nina Elliot, Meridette, at Veruca ang bahala sa mga halimaw sa labas'' Paliwanag ni Ashton. Tumango naman.

''Kayo naman nina Sick, Raven, Levicarl, Daemon, at Sheerina ang papasok sa loob para iligtas si Nasqued. Susunod kami pagtapos namin dito.'' Paliwanag pa ni Ashton.

''Pano ako? Anong gagawin ko?'' Tanong ni Mia.

''Magtago ka lang sa pinagtaguan natin kanina.'' Sabi pa ni Ashton at tumango si Mia.

''Humanda na ang lahat.'' Pagpapaalala pa ng top one blooder.

''Mapapalaban tayo.'' Sabi pa nito at tumakbo na sila pasugod sa mga kawal!

Nang naglalabanan na sila, agad kaming pumasok sa loob ng kastilyo.

Hindi nila naramdaman ang presensya namin at nagpupulong pa rin sila.

Hinahanap ng paningin ko si Nasqued, pero nasa stage sya sa harapan!

Nakatali ang kamay sa isang mahabang kahoy!

''Iyon si Nasqued.'' Sabi ko sakanila habang nakaturo sa stage.

''Dadaan ako sa likod at magtatago sa likod ng kahoy, tatanggalin ko ang tali ni Nasqued.'' Sabi ni Sick.

Pumasok na sya sa isang pinto papunta sa entablado.

Parang hangin na pumunta sa likod ng kahoy.

Isa-isa naman naming pinapatumba ang mga halimaw sa likudan.

''Anong nangyayari sa likod?'' Tanong nung halimaw sa entablado.

Tumingin samin ang mga halimaw at narinig nila ang pagbagsak ng lock!

''Levicarl!'' Sigaw ni Sick at mabilis na nagpadilim si Levicarl!

''Let's do this.'' Nakangising tawa ko at inatake na ang mga halimaw!

Umaatake na rin si Raven dahil nakikita ko ang mga uwak nya.

''Anong nangyayari?!'' Rinig kong sigaw ng isa sakanila!

''Inaatake tayo!''

''Patayin natin sila!'' Sigaw pa nila!

At sakto, nasa harapan ko ang sumigaw ng huli!

Agad ko syang ginilitan sa leeg!

''Too late.'' Bulong ko dito!

Ng lumingon ako kay Levicarl, tumitilapon ang sino mang magtanka na lapitan sya!

Tinitilapon ito ng mga anino!

Nakamangha talaga si Levicarl kahit na sya ang pinakatahimik sa grupo!

''Umalis na tayo!'' Sigaw ni Sick!

''Dumadami na sila!'' Sigaw naman ni Raven.

''Kung ganon, kailangan nilang makulong sa isang matinding ilusyon!'' Sigaw ni Daemon at bigla nalang tumigil ang mga halimaw sa pag-atake natin.

''Halika na umalis na tayo!'' Sigaw ni Elliot habang tumatakbo papasok sa kastilyo!

Kasunod nya sina Ashton.

''Tara.'' Yaya sakin ni Veruca at napangiti ako, kasabay non ay ang pagpatak ng pawis ko.

Naglalakad kami ngayon palabas ng palasyo.

Mga pawisan, mga nanghihina, mga lantang gulay.

''Akalain nyo yun? Natalo natin sila!'' Nagyayabang na sabi ni Elliot.

Napatawa naman kami.

''Excuse me, anong tinulong mo?'' Mataray na tanong ni Meridette.

''Ayon.''

''Boom bara.''

''Oo nga, anong tinulong mo?''

''Nirealtalk.''

Pang-aasar ng mga lalaki sa grupo.

Nagtawanan lalo kami.

Hindi ko alam, pero dahil sa misyon na to, pakiramdam ko, we're becoming a team.

Ngumiti ako sa naiisip.

''At sa tingin nyo, saan kayo pupunta?'' Tanong ng isang malaking boses.

Naestatwa ko at hindi makagalaw. Agad na nawala ang kurba sa labi ko.

At ang nakakagulat pa, dahan-dahang bumangon ang mga halimaw!

''The real battle is just about to begin.''

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon