special chapter 1 (Belle's life)

38.8K 345 1
                                    

Special chapter TBB

 

 

 

                Bell’s POV

 

 

 

                I thank God for giving me another chance to live, akala ko katapusan ko na sa kamay ng tito at tita ko.

                “Anak ano nga ba ang nangyari sayo dati?” kasama ko ngayon si Mommy Paris, nagpapasalamat ako at itinuring nya na akong anak kahit na may nagawang hindi maganda ang Tita pati na kapatid ko sa kanila.

 

 

                *Sighed*

 

FLASHBACK

 

                Ano ba ‘to coding pa ako ngayon, kung kelan naman may kailangan pa akong daanan sa mall kung magpapasundo naman ako matatagalan pa rin.

                Maaga pa naman 6 in the evening pa lang maliwanag pa kaya okay lang magtaxi ako at saka malapit na rin naman.

 

 

 

                Shoot!

 

 

 

                Ang tindi ng pintig ng puso ko pairamdam ko lalabas sa dibdib ko, nakakatakot basta na lang may humintong dalawang tao na may takip ang mga mukha nakakatakot, papalapit pa sila ngayon sa akin ano ang gagawin ko?!

 

 

 

                “A-a-anong kailangan n-nyo sa a-akin? P-please lang po m-maawa po kayo sa w-wala po akong pera.” Naiiyak na ako sa takot at kaba pero para silang mga walang naririnig dahil sa pagkaladkad nila sa akin papaso sa Van.

 

 

 

                Pilit akong nagpupumiglas at sumisigaw nagbabakasakali na may makakita sa akin pero wala.

 

 

 

                Cyan help!

 

 

 

                Hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari dahil sa mabahong pinaamoy nila sa akin.

The Bratty Bitch (completed)Where stories live. Discover now