Battle 1

69 1 0
                                    

Ito ang unang kabanata ng storya ni toot! Haha. Jokies! Eto na! Sana enjoyin niyo ang story na to. O(≧∇≦)O yun lang. Talamat. Hi ate denny! Nakakinspire ka ,yun lang (≧∇≦)/ God bless!

-Arfarf

**

"Wahhhhhh mameee! Bakit ka na nalipat sa section A?! Inano ka nila?! Sinaktan ka ba? Ano?! Teka? Ano tong nasa buhok mo? Bubble gum to ah! Inalagaan ka namin ng mahabang panahon tapo--gdehjsanfgwtyjshgxfhjkshg" Sa sobrang inis ko ay pinasakan ko siya ng nakabilog na papel . Ha! Tama lang sa kanya yan. Ang daldal eh. Ang tigas ng mukha. "Pwede ako naman . Jil" mahinahong sabi ko sa kanya.

Agad niyang tinanggal ang papel sa bibig niya. "Jack naman ! Magpapaapi ka ba ? Nako ah! Porket nagbabasa ka dyan sa wattapad na yan!"  "Wattpad yun Jil" pagdudugtong ko sa sinabi niya. "oh! Kung ano man yun. Teka nabasa mo na ba yung mga parody dun! Hahahahha nakakatawa" kita mo to. Parang kanina lang inaapi api niya yung wattpad tapos ngayon... Tss. Ano daw?

"teka kamusta nga pala sila kin?" pagiiba ko ng usapan. "ah yun ba. Nagbigti na eh. Nalipat ka kasi." "ANNNNNOOOOOO?!" "Eto! Hindi mabiro. Nandoon kumakain lang." "ah tss. Grabe naman kasi yang mga imagination mo jil." "grabe ka naman din magreact"

Oo ha! Nangbabara na naman siya. "oh! Teka ano na nga palang nangyari sayo doon" paktay! Ayan na naman siya. "ay tapos na recess" tatakbo na sana ako nang hilahin niya ang damit ko. Grabe ah. Kung hindi ko lang to kapatid. Kanina ko pa to nabatukan.

"uy alam mo ma--" "hindi ko pa alam" ayan na naman siya. Pasensya na kayo ah . Hindi ko kasi siya napainom ng pangpakalma. "teka lang naman . Alam ko. Okay. As i was saying may bago akong nakilala sa class A . Tranferee lang siya Ne." "oh tapos?" walang kwentang tanong nito sa sakin. "ang ganda ganda niya. Para siyang doll. And guess what nakikipagfriend siya sakin. Ipapakilala kita ha?" "ah! Sige sige!" kinikilig niyang sabi sa akin. Mahilig kasi to sa doll

Nang magtime na ay naghiwalay na kami ng landas ng mahal na mahal kong kapatid ahuhuhu tears of joy. Habang naglalakad ako ay may apat na lalaking naglalakad. Wow ha! Ayan na pala ang mga mahahangin haring mayayabang na walang ginawa kundi magmayabang na akala mo sobrang gwapo mayabang lang naman. Ilang mayabang yun?

Dumirecho na sila sa classroom . Actually Konting kembot lang naman at viola! Nandito na agad ako sa classroom. Pagpasok ko sa classroom ay sinalubong ako ng mga babies ko. Ang mga nakabilot na papel . Mahal na mahal ko sila. "ghdjszafgshjza" aray ah! Ang sakit sa mukha! . "guys please pwede bang tigilan niyo na yang ginagawa niyo kay jack!" tss. As if namang naniwala ako sa kaartehan ni Yza,dalawa,tatlo with her friends. Lagi kasi siyang may mga kasama kapag magisa na siya hindi na siya makalaban. Tss. Fabida.

"dapat eto yung ginagawa niyo" kinuha niya yung juice kay kuya nerd at ibinuhos sa akin. Wow. Ang sarap nung flavor. Pero teka? Sa buong katawan ko. Ang lakas maka-wattpad ng buhay ko ah. Nakakaiyak. Lumapit sa akin si Jessie. "ayos ka lang ba jack?" naiiyak na sabi nito. Ngumiti ako ng pilit at lumabas ng classroom upang pumunta sa Cr.

"grabe ah. Ang sakit sa ilong nung juice. May pumasok pa ata." Pinupunasan ko ang buhok ko. "here" nagulat ako nang biglang sumulpot si jessie . "Nakakagulat ka naman jessie" kinuha ko ang damit na ipinahiram niya sa akin. "thank you" ngumiti lang ito sa akin.

Habang nasa isang cubicle ako ay tinanong ko siya.

"magkwento ka naman ng tungkol sa buhay mo." nang naisuot ko na ang shirt ay sinunod ko na ang skirt. Sakto namang nagsalita ito. "my mom died when i was a kid. Then si dad naman ang nagaalaga samin." "samin?" nagtaka ako sa sinabi niya "yes. Namin . May kapatid kasi ako. Actually nagaaral din siya dito." "transferee?" "nope." "oh? Anong pangalan baka kilala ko. Matagal tagal na rin kasi ako dito."

"Eleven Yu." napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok nang marinig ko ang pangalan Eleven.

"KAPATID MO SIYA?!" "Yeah. Why ba? Do you know him ba?" napatango tango ako. Actually last year kasi Class B ako tapos parang may war sa pagitan ng Class A at B . At take note mga tol ako.ang.leader.ng.class.b! Period. Tapos ang kumakaaway samin ay ang grupo nila Eleven dahil siya ang leader ng class A . Naks mga rich kid. Daming alam.

Nang matapos na ako sa pagaayos ay dumirecho na kami ni jessie sa classroom at habang naglalakad kami ay sinisiraan ko ang class A kay jessie. Bwahahhaha. Poor. "so dati class B ka ate? " "oo" tipid na sagot ko. "and kuya make away away you? Ha! Nakakainis sila." Pumapadyak padyak ito.

Nang makapasok kami ay walang sumalubong na babies samin. Ano ba yan! Nahiya pa sila tyaka sayang naman. Nang nagumpisa na ang klase ay nagkwekwentuhan lang kami ni jessie. Madali lang naman yung mga sinasabi nung teacher tyaka gusto kong mabalik sa Class B. Biglang bumukas yung pinto. At ulala~~ ang gagwap--

ang gagago.

Dumirecho si Lite sa tabi ni jessie na ikina-blush niya. Aba . I smell something fishy. Si Vin at Gino naman ay umupo sa likod ng upuan ko. At si ehem! Si ano! Si Eleven... Teka sa tabi sana ni Yza, dalawa ,tatlo siya umu--- kaso sa tabi ko siya umupo. Mamee. Anong gagawin kooo? Bigti na ba? Huhuhu.

"wag kang feeler. Di kita type " sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at pumikit na. Wow. Ang galing ah! Sa ganda kong to? Tutulugan niya lang ako? Naalala ko yung nangyari dati. Noong nasa class B pa ko. "Papatayin kita" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A...ano daw? "who cares ,cares bares" mataray kong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya. Teka bakit ko ba siya kinakausap? Tsk.

Hell day.

First day.

Ang saya. (︶︹︺)

***

Maraming salamat sa pagbabasa ng Battle one maaari mo na itong laitin . pfft. (^▽^) kidding. Haha! Ituloy ko pa ba o wag na? Anyways may kasunod to. Waitings lang. Okay? Okay!

-Arfarf

Class A vs. Class BWhere stories live. Discover now