Chapter XV

203 56 152
                                    

Chapter XV: Big Day

***

Almost everyone has something to hide. Yet, of course, not all secrets are of the subtle, gloomy variety. Pero nagtataka talaga ako... bakit hindi niya sinabi kina Miss Quilliana kung saan pamilya siya galing? Is it the shame? or did he do something horrible to make him suffer the guilt of being part of the Alderidge family? Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan na mayaman nga ang pamilya nila. At kaano-ano ba siya ni Miss Quilliana? Argh.

But I'm certain of one thing, he hates it.

May sekreto rin naman akong tinatago sa kaniya at ako mismo 'yong sekreto.

"May pinapabigay pala sayo si Miss Quilliana," Nisha said, handing me a box and folder.

Una kong tinignan ang folder na iniabot niya. May mga nakasulat do'n na kailangan ko raw kabisaduhin. Nasabi na rin niya sa akin kanina na may malaking magaganap bukas pagkauwi ko sa bahay niya. Buti nga at hindi na ako magtatagal dito. Sinunod kong buksan ang box. May laman itong dalawang bags ng dugo. Agad akong napatingin kay Nisha na nakatitig sa bawat galaw ko.

"Gusto mo?" I asked.

"H-hindi! Salamat na lang," agad niyang tanggi.

For the first time, she made me laugh. Sinuklian niya lang ako ng hindi makapaniwalang ekspresyon bago umalis sa harap ko. Natatakot ba siya? Damn. I can't help but to laugh at her expression.

Tumayo ako at inilagay sa kwarto ang mga 'yon. Babasahin ko na lang mamaya bago matulog habang iniinom din 'yong bigay sa 'kin. Bumalik ako sa sala. Nanonood na pala si Nisha ng pelikula. Nakapatay ang ilaw do'n at tanging ang ilaw lang sa tv ang nakabukas. I sat on the couch while she's on the carpet facing the little table with her food on top of it.

"Mahilig ka pala sa patayan?" Tukoy ko sa pinapanood niya. Medyo umurong naman siya kaya napangisi ako.

"Hmm... medyo, exciting lang kasi 'yong plot ng story nito." She stated.

"Ano bang kwento niyan?"

Ngayon lang ako magtatanong sa kaniya. I just felt relieved when I discovered that she's a bit afraid of me. At least. Dapat hindi niya makalimutan na bampira ako para naman hindi na siya gano'n kadaldal sa harap ko.

"Kaibigan ng protagonist 'yong antagonist nang hindi niya nalalaman," she giggled. "Gusto ko talaga 'yong mga mystery," she added.

Tumango naman ako. "Wala ka bang kapatid?" Sa tingin ko ay susulitin ko na lang ang gabing ito.

"Wala, mag-isa lang ako. Tapos close kasi ni Miss Quilliana mga magulang ko kaya nung nawala sila... siya na ang kumupkop sa 'kin."

"Bakit sila nawala?"

"Isusunod m-mo ba ako sa k-kanila?" She asked, stuttering. Hindi ulit ako nakapagpigil ng tawa dahil sa reaksyon niya. I can see her clearly even though it's dark. "Kanina ka pa tumatawa. Alam mo bang nakakatakot 'yong tawa mo?" Dagdag pa niya.

I let myself refrain from laughing. Seriously? Natatakot talaga siya sa 'kin. Maganda rin pala siya pagtripan.

"Of course not. Ayoko ng dugo mo," panloloko ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya bago yakapin ang sarili.

"Hmm... pinapatay sila. Ang sabi ni Miss Quilliana sa 'kin, may kinalaman daw kasi 'yon sa trabaho nila." She continued.

"Work?"

"Oo." Nagkibit-balikat siya. "Pero tanggap ko na. Kahit naman anong gawin mo... hahabulin at hahabulin ka pa rin ng kamatayan. Kapag oras mo na, oras mo na."

Extinction: The Curse Of TimeWhere stories live. Discover now