Chapter III

361 84 230
                                    

Chapter III: Controlled

***

For five minutes straight I didn't mind being aggressive. Hindi na ako nakapag-isip nang matino. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Napansin ko na lang ang nagkalat na dugo sa sahig pati na rin sa katawan ko. I... I killed them. I became one of them. Lahat sila ay ngayo'y wala ng buhay pa.

"Naabot niya ang limitasyon, Assie." Rinig kong sabi ni ate na nasa likuran ko.

Napatitig ako sa mga kamay ko— puno ito ng dugo nila. Hindi ako makapaniwalang kinaya ko silang patayin ng gano'n lang.

"Sige, ako na ang magbubuhat sa kaniya. Ikaw na ang bahala sa mga makakasalubong natin."

Nakarinig ako ng tunog na parang may sasabog na bomba. Napakalapit lang no'n sa kinatatayuan ko. Hanggang mapansin kong galing 'yon mismo sa likod ng tainga ko. Anong nangyayari? Akmang tatalikod ako upang tanungin kung ano ang naririnig kong tunog ngunit bigla akong nawalan ng balanse. Napahiga ako sa sahig ng wala sa oras. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

"After 7 minutes andito na sila," rinig kong sabi ni Assie.

"Wala na bang mas mabilis?"

"Basta tara na."

Malabo man ang paningin ko ay nakita kong binuhat ako ni Assie. Naglakad sila palabas ng bahay. Narinig ko pa ang ilang kalabog. May mga natira pa pa lang mga bampira. Hindi ko sila naubos lahat.

"Ipunta mo na siya agad sa kanila," boses ni Ate Avliary. "Ako na muna ang haharap sa kanila."

Maiiwan na naman ba siya? Gusto ko siyang pigilan pero wala akong magawa. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Ni hindi ko maibuka ang sariling bibig o iangat ang mga kamay.

Mabilis ang pangyayari sa paligid. Nakarinig ako ng pamilyar na tunog ng sasakyan. Tumapat sa amin ang ilaw ng sasakyan dahilan upang mapahinto si Assie sa pagtakbo. Kung hindi ako nagkakamali, sasakyan 'yon ng halimaw. I tried to move my body to look at him if I was right.

"Shit," bulong ni Assie.

Tama nga ako— siya 'yon.

"What are trying to do, Miss Assie?" Curse his voice!

Lahat na ata ng galit bigla ko ulit naramdaman. Pinilit kong gumalaw. Gusto ko siyang pagsasaksakin gaya ng ginawa ko sa mga bantay niya. Nahulog naman ako sa pagkakahawak niya. Huwag kang mag-alala, Assie. Ako na ang papatay sa kaniya at pwede ka ng tumakas.

"Avy—"

I looked at Assie dumbfounded. Nakarinig ako ng dalawang putok.Kitang-kita ko ang dugong dumadaloy mula sa katawan niya. Sobrang tapang ng amoy na para akong inaakit patungo sa kinatatayuan niya. Damn!! Gusto ko siyang lapitan pero sobrang hina ng katawan ko.

Ano bang ginawa ko? Bakit ako naging ganito?

"I... told you, to follow our... plan," she smiled at me. "You'll going to live. I... promise you that." Halos mawalan na siya ng hininga habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

Pinipilit niyang tumayo sa pagkakatumba habang pinipilit ko namang labanan ang tuksong nananalaytay sa katawan ko. Tumakbo siya papunta sa direksyon ng halimaw na 'yon. Damn you, Assie! Wala kang magagawa sa lakas niya!

"Help!!" I heard her scream.

She's a fool.

I hate her.

Why did she do that?

You're a fool, Assie.

Damn you.

Extinction: The Curse Of TimeWhere stories live. Discover now