CHAPTER 1: A picture of YOU

Start from the beginning
                                    

But...

It's a good idea! Bakit nga ba hindi? HAHA!

GLAZY POV:

"KYYYAAAAHHHhhh!!" Ehh?

Napatingin ako sa umirit. Si Inggrid pala. Kakapasok pa lang ng restaurant and now papalapit na s'ya saken.

Lahat tuloy ng customer nakatingin sa kanya. Luka-luka talaga 'tong babaeng to! -_-!

"Bessy! Guess what?! I-ninvite ako ni Kelvin sa party!" Aba! At kaya pala tuwang-tuwa.

"tinext ka?"

"Hindi. Nagmessage s'ya sa fb ko." at kinikilig pa ha.

"San namang party? Birthday n'ya?"

"Hindi.... ewan ko.... basta, dapat daw maganda ako. Ano bessy, sa tingin mo ipapakilala na kaya n'ya 'ko sa family n'ya?" still hindi mawala yung bakas ng ngiti sa mukha n'ya.

Ayon sa instinct ko hindi pero mahirap maging nega. Ang saya-saya kasi n'ya ngayon e. Sisirain ko pa moment n'ya.

Ngumiti na lang ako "Sa tingin ko OO!"

Then she hugs me, sigh.

Mahirap talagang magmahal. Lagi na lang positive and happy moments yung nasa isip mo.

"Hoy! Glazy! Tigilan n'yo na ngang magkaibigan yang dramang yan at bumalik ka na sa trabaho mo! Ang dami-daming customer oh! Kayong dalawa ang pinagtitinginan!"

Uh-oh! Oras pa nga pala ng trabaho ko ngayon. Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Inggrid. Masyado s'yang masaya nahahawa 'ko.

"Ang sungit naman! Mabuti nga may entertainment yang restaurant mo e!" -_-!! Bessy naman e!! Baka matanggal ako sa trabaho n'yan.

"Aba! Eh kung kakailanganin ng reaturant ko ng entertainment e... hinding-hindi kita kukunin na entertainer!" Boss, sorry na patawarin n'yo na Bessy ko. T_T

"Eh hinding-hindi naman ako mag-aaply e! Asa ka naman!" Bessy tama na! Habang higit-higit ko s'ya palabas ng restaurant.. TT_TT Mas mahirap yatang magkaroon ng bessy na palaban kesa sa magmahal. Sigh.

Pagkalabas namin ng restaurant..

"Ang echusera naman nung boss mo! Mabuti napagtiti-isan mo yun bessy."

"Ano ka ba, syempre dapat laging fighting! Kung hindi, walang mangyayari sa buhay ko."

"Hmmm. Dapat kase hindi ka na nag-stop. Wala tuloy akong ka-friendship sa school, ang boring ng life ko dun."

"Sigh.. Hayaan mo bessy, after kong makatipon, mag-aaral ulit ako! So magkasama na ulit tayo sa school!"

"Talaga? Promise? Cross your heart?"

"Promise!" with matching right hand up.

Ngumiti s'ya then, "I'll wait for that! Oh s'ya sige bumalik ka na dun sa work mo at baka mapag-initan ka pa ng ulo nung bading na yun!"

"Sige ingat ka ha. Matulog ka ng maaga para naman maganda ka sa party."

"Of course! I will! Bye!" after that umalis na s'ya.

Sigh ang swerte talaga ni Inggrid. Nakakainggit. Ba naman kase, nasa kanya na yata lahat ng wala 'ko sa buhay.

Mayaman siya kaya nakukuha n'ya lahat ng gusto n'ya. Nakakapag-aral s'ya ng walang iniintinding tuition. Buo ang pamilya n'ya and happy go lucky pa at isa pa may boyfriend s'ya na nagca-care sa kanya.

Ang perfect ng lahat para sa kanya.

Sigh samantalang ako, wala!

Wala lahat!

Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]Where stories live. Discover now