Chapter 21: Surprise

Start from the beginning
                                    

Tapos sa baba naman ng puno ay may nakalatag na banig at mga pagkain, parang picnic ba 'yun? Pero ang ganda talaga, hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"Salamat!" nakangiting sabi ko.

"Hindi mo kailangang mag-pasalamat sa akin, Naila." nakangiti ding sabi niya.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"Kasi, ako ang may desisyon at gusto na gawin 'to para sa'yo, kaya hindi mo na ako kailangang pasalamatan. Ang gusto ko lang naman ay ang mapasaya ka." nakangiting sabi niya.

"Pero gusto kong pasalamatan ka dahil pinasaya mo ako, Jairus." sabi ko naman sa kaniya. Napangiti naman siya nang husto.

"I'm glad you're happy because of me, Naila. That's my goal, to make you happy because me." sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa akin, hindi ko alam ang gagawin niya kaya pumikit na lang ako at hinintay kung ano ang gagawin niya.

Napangiti naman ako ng maramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko. Ay! Noo lang? Sayang! Sa labi dapat e! Char!

"Kain na tayo?" tanong niya pagkahalik niya sa noo ko. Tumango naman ako.

Iginiya niya ako papunta sa banig at umupo kami doon, medyo madilim na dahil lumu-lubog na ang araw kaya lalong kumislap ang ilaw ng mga alitaltap na nagpa-ganda lalo sa hinanda niya.

"Sinong nagluto?" tanong ko habang hinahanda niya ang mga lalagyanan ng mga pagkain.

May kanin, inihaw na isda, may pugita, adobong pusit, inihaw na talong, may lobster at alimango rin at syempre mawawala ba ang sawsawan na toyo na may kasamang sili at kalamansi at suka?

Syempre hindi.

"Ah! Nag-patulong ako kina Kuya Shin?" sabi niya sabay iwas ng tingin, napangisi naman ako.

"Bakit hindi ka sigurado? Ano bang ginawa mo?" nakangising tanong ko naman ulit. Lalo naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Fine! Ako ang gumawa ng sawsawan." nanlulumong sabi niya na ikinatawa ko naman. "Why are you laughing? What's funny?" naiiritang tanong niya, syempre nag-e-english na e!

"Wala lang!" natatawang sabi ko. Lalo naman siyang naasar.

"Ano bang masama sa pag-gawa ng sawsawan? At least, tumulong pa rin ako." nag-rereklamong sabi niya.

"Oo nga! Ano bang sinasabi ko?" natatawang pa ding sabi ko. Shet! Ang kyut niyang maasar.

"Stop teasing me, Naila. It's not funny!" seryosong sabi niya kaya tumigil na lang ako.

Pagkatapos ng pag-kain namin ay humiga na kami sa banig at pinagmasdan ang bituin sa kalangitan.

"Jairus, galit ka?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Galit ata! "Sor-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang unahan na niya ako.

"Hindi ako galit, Naila." sabi niya habang nakatingin sa langit.

"E! Kung hindi ka galit bakit hindi ka namamansin?" naka-taas kilay kong sabi sa kaniya. Humarap naman siya sa akin at ngumiti.

"Sorry, may iniisip lang ako." nakangiting sabi niya sabay hawak sa pulsuhan ko at hila sa akin palapit sa kaniya.

Pagkalapit ko sa kaniya ay pinahiga niya ako sa braso niya. Naamoy ko kaagad ang bango niya. Ang sarap amuyin. Namayani ang katahimikan sa aming, nakakailang, kaya nag-salita na ako.

"Teka! Paano mo pala nalaman 'to?" tanong ko sa kaniya, kanina ko pa kasi iniisip kung paano niya nalaman e! Ang layo-layo nito sa bahay namin.

"Kay Venus." sabi niya sabay tingin sa akin.

"Nakausap mo si Venus?" tanong ko ulit. Tumango siya.

"Oo."

Pagkatapos ulit ng usapan namin na 'yun ay namayani na naman ang katahimikan. Pero ngayon ang luwag na sa pakiramdam dahil nararamdaman ko ang hawak ni Jairus sa balikat ko.

"Tara na?" Aya niya sa akin ng medyo lumalalim na ang gabi.

Ngayon ko lang naalala na hindi pala kami nakapag-paalam kina Nanay at Tatay. Lagot ka ngayon! Lande ka pa ah!

"Nagpaalam ako, Naila." nakangising sabi niya na ikinahinga ko naman ng maluwag. Akala ko ba-bye lovelife na e! Charot.

"Tara na!" Aya niya pagkatapos namin magligpit ng gamit, nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko iyon.

Habang naglalakad kami pabalik ay tahimik lang kami pareho ni Jairus. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Nagsisisi kaya siya sa ginawa niya? Ayaw niya ba sa akin? Taena.

"Ano na namang iniisip mo, Naila?" tanong niya na nagpa-balik sa akin sa katotohanan na akin siya. Char!

"Ah, wala naman."

Magkahawak kamay kami habang naglalakad, at nakakakilig 'yon. Nang malapit na kami sa bahay ay huminto ako at humarap sa kaniya, huminto rin naman siya.

"Salamat ulit, Jairus!" nakangiting sabi ko.

"Like what—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang halikan ko siya nang mabilis sa pisngi niya. Napanganga naman siya at nang makabawi ay ngumiti siya nang nakakaloko kaya tumakbo na ako papunta sa bahay habang sumisigaw.

"Goodnight, Jairus!" sigaw ko sabay karipas ng takbo papunta sa bahay, narinig ko pa ang halakhak niya bago ako makalayo sa kaniya.
---

Hey purple's! 💜 Sorry sa paghihintay. Hindi ko po alam kung kailan ulit ako mag-u-update kaya sorry na po in advance! Thank you all!

Be safe. Stay at home. Kaya natin 'to!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost StarsWhere stories live. Discover now